Share

Chapter Forty Three

"Ano'ng plano mo, bunso? Aba'y may mga edad na tayo kaya't huwag mong sabihing solohin mo na naman ang problem mo," ani Janelle sa bunsong kapatid.

"Hindi naman sa sa ganoon, Ate. Kumikilos na ang mga tauhan ng 4C. Both Manila, Baguio, at ilang galing sa Isabela," sansala ni Clyde.

"Iyan na nga, bunso. Tanging galing sa ahensiyang itinatag mo ang kumikilos. What if magsabi ka sa amin? Aba'y kahit ilang taon na akong wala sa serbisyo ngunit may kontak naman ako sa taga-Camp Villaflores sa Manila. Ganoon din dito sa Baguio, may Camp Villamor naman ah," pahayag naman ni Pierce Wesley sa bayaw.

"Sa ngayon ay wala pa akong masabi, Ate, Kuya. Dahil kilala n'yo rin naman ang pamangkin ninyo. Hindi iyon nagsasabi hanggat kaya niya. At isa pa ay nandoon sina Hendrix at Adolfo. May kaniya-kaniya silang bitbit na tauhan. Kaya't magtiwala muna tayo sa kanila," muli ay pahayag ni Clyde.

SA tinurang iyon ng bunsong kapatid ay muling nagsalita si Janelle. Alam niyang kahit ano pa ang sabihin nilang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status