Share

Chapter 46

Pagkatapos ng maagang ritwal nila sa captain’s deck, dinala siya nito sa loob ng silid kung saan sila nagpahinga noong umuwi sila.

“Just take a bath and wear this, babe,” bulong nito at iniabot ang isang paper bag sa kaniya. “Aayusin ko lang ang pagkain natin sa labas.” Hinalikan muna siya nito sa mga labi bago tinungo ang pintuan ng cabin.

“Teka lang, ano ito?” Itinaas niya ang paper bag.

Tumigil ito at muli siyang nilingon. “Just do what I said, babe.” Isang pilyong ngiti ang linakawalan nito bago tuluyang lumabas.

Napapailing na pumasok na lang siya sa banyo at naligo. Nakita na naman niya ang mga markang iniwan ng binata. Sinadya nitong sa tagong bahagi siya lagyan noon, lalo sa dibdib niya. Napakagat-labi siya sa ginawa ng binata. Napakahilig pala nito pero natiis nito ang dalawang taon.

Lihim naman siyang napangiti dahil doon. Nagbanlaw na siya at isinuot ang kulay blue na bathrobe na nandoon. Lumabas siya at binuksan ang paper bag. Nagulat siya sa nakita.

Two-piece swimsuit iy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status