Share

Chapter 48

“Isabella!” malakas na sigaw ni Carl. Papalapit pa lang siya rito habang nakatambay ito sa labas ng bahay ng mga ito. “Bakit napasugod ang maganda kong kaibigan dito sa aming balur? Eksato, pupunta tayo sa resort. Tingnan natin ang mga facilities doon. Open for viewing daw sabi ni Rex.”

“Carla talaga.” Kinurot niya ito. “Sige. Pero parang natanaw ko sa harap na may dumating na sasakyang pandagat?”

“Dumating daw ang amo nila na business partner daw ng mga Fetalvero. Sila ang nakakuha ng contract para magtayo ng restaurant sa loob ng hotel.”

“Ah, ganoon ba?” Tumango si Carl. “Okay. Halika na.”

“Super instagramable daw ang hotel sa malapitan, kaya kailangan nating umawra,” anito. Walang sabi-sabing hinila siya nito patungong resort.

Habang palapit sila sa malaking resort, hindi niya napigilan ang mamangha. Bukod sa malaki iyon na pinahalong kulay asul, puti at cream ang pintura, maganda rin ang pagkaka-landscape niyon sa labas. May malalaking palm trees, mga iba’t ibang klase ng namumula
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status