Halos dalawang araw siya sa bahay ng binata para samahan ito. Masaya sila, hindi iyon maitatanggi pa. Para nga silang tunay na mag-asawa na. Magkatabing natutulog, gumigising na magkasama, ipinagluluto ang isa’t isa, walang humpay na kuwentuhan, tawanan at kung ano-ano pa.Pero, hindi naman palaging ganoon. Kailangan din nilang bumalik sa reyalidad, sa kani-kanilang ginagawa.“Mr. Blue, magkikita pa rin naman tayo mamaya, hindi ba? Isa pa, may trabahong naghihintay sa iyo,” malambing niyang wika habang nakayakap sa dibdib nito. Nasa salas sila at nanonood ng movie. Halos maghapon yata silang nag-movie marathon.Narinig niya ang pagbuntonghininga nito, bago naramdaman ang masuyong paghaplos sa buhok niya. “Okay. Ihahatid na kita later. But not now . . .”Yumakap siya rito. Siya na ang kusang humalik siya sa mga labi ng binata na ikinangiti nito.**Hindi niya napansin ang paglipas ng mga araw dahil abala siya sa pag-aayos ng gamit niya. Excited sila ni Carl para sa muling pagpasok sa
Bago mag-alas-diyes, inihatid siya ni Skye sa university. “See you later, babe.” Nabigla siya nang halikan siya nito sa labi.Napatingin siya sa paligid. Mabuti na lang walang mga estyudante roon.Napailing siya.“See you later. Sige na. Ma-l-late ka na.”“Pumasok ka na muna sa room mo bago kami umalis.”Makikipagtalo pa ba siya? Bago tumalikod ay nagbigay siya ng flying kiss sa binata na ikinangiti nito at tumango.“I love you,” bulong niya sa hangin.Mas lalong lumawak ang ngiti nito.“I love you, too!” Gumanti ito ng flying kiss.Feeling teenager ang pakiramdam niya habang yakap ang notebook. Nakangiti pa siya habang nakakagat sa labi.Pagliko niya sa pasilyo, nabangga niya ang isang bulto. Nagulat siya at agad na iniangat ang ulo.“Miss Yumi!” Napahawak siya nang mahigpit sa dalang notebook.Mukhang wala ito sa mood na ikinapagtaka niya. Ano’ng ginagawa nito sa pinapasukan niya?“You again?!” nakapameywang na wika nito. “Sa dami ng estyudante rito, ikaw pa talaga ang makakasalubo
Lumipas ng isang linggo, tuluyan ng naging maayos ang pakiramdam niya. Halos araw-araw din siyang sinunsundo ni Skye, at ni minsan ay hindi ito na-late.Binabay niya ang pasilyo palabas ng CR. Umupo siya sa isang upuan sa ilalim ng isang puno malapit lang sa restroom, habang hinihintay si Carl dahil nasa comfort room pa ito.Bigla niyang naisip, parang matagal ng hindi siya dinaratnan. Regular naman siya at ngayon lang na-delay.Natigilan siya sabay iling.“Baka sa susunod na araw pa,” bulong sa sarili.“Hey! Lucky girl!”Mula sa kung saan ay lumapit ang dalawang schoolmate niya. Sa tingin niya ay nasa huling taon na ang mga ito. Hindi niya kilala ang dalawa, na mukhang laki sa masaganang buhay.Tumingin siya sa likuran niya pero siya lang ang nandoon.Natawa ang mga ito sa reaksiyon niya.“Yes, you! Ikaw lang ang tao dito, ’di ba? Slow din ang isang ito.” Nagtawanan ang dalawa.“Paano ka haharap at makikipagsabayan sa mga katulad namin kung simpleng hi lang ay hindi mo pa masagot.”
Nang muling makabawi ng lakas bumangon si Isabella at inayos ang mga pagkain. Kanina pa talaga siya natatakam doon kahit pa nga lagi niya rin naman iyong kinakain. Siguro, nagbabago rin talaga ang panlasa ng isang tao. Isinalang niya iyon sa oven at naglagay ng dalawang pinggan sa mesa, saka nagtimpla ng juice. Madalang lang siya uminom ng softdrinks dahil hindi naman iyon healthy sa katawan. Binuksan niya ang fridge at kumuha ng yelo. “It’s good to see that you are already fine. Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?”Nagulat pa siya nang may yumakap sa likod niya. Nilingon niya ito. Mukhang antok na antok pa ang binata.“Hindi na. Ikaw itong parang napagod sa trabaho mo. Dapat dumeretso ka na sa bahay mo.”Napakunot ang noo ng binata. “Kung kasama ka. Pero andito ka, babe.”“Parang nasasanay ka na sa routine nating ganito. Baka pati ako masanay rin tapos . . .” Naisip na naman niya ang mga sinasabi ng tao sa paligid niya. Natahimik siyang bigla at ipinagpatuloy na lang ang pagkuha ng y
Kinabukasan, maagang natapos ang klase nina Isabella dahil sa biglang meeting ng mga faculty member. Nakangiting lumabas siya sa room dahil nakita niya sa screen ang reply ni Skye sa text niya. Hindi pa nga ito nasiyahan at tunawag pa.“Babe, I can’t wait to see you here. One more meeting and I’m done. But don’t worry, Mrs Elena has already prepared everything. I love you! Naghihintay na sila sa labas. Are you and Carl ready?”Kinilig na naman siya.“Yes, Mr. Blue, salamat. I love you, too.”Hinagilap na niya si Carl para lumabas sila ng gate.“Isabella, parang noong isang araw ang lungkot mo, ngayon naman ang saya mo. Bakit napapansin ko lately na nagiging moody ka?” tanong ni Carl.“Hindi ko rin alam. Basta, ganoon ang nararamdaman ko.” Kumapit siya sa braso nito. “Huwag mo na lang pansinin. Baka sadya lang iyon. Halika ka na. Kanina pa kita hinihintay bakit ba ang tagal mo?” Sumimangot niya.Ngumiti lang ito at kinuha ang mga dala niya. “Mauna ka na, my queen. Ako na bahala sa mga
Naihatid na sila sa school ni Skye bago ito bumalik sa opisina. Pagpasok nila sa room tinawag siya ng isa sa mga professor nila.“Miss Isabella Evangelista, Mrs. Feltalvero is waiting to you at dean’s office.”Napatingin siya kay Carl. Ngumiti lang ang kaibigan niya at tumango.“Sige, Ma’am.”Nagtataka siya. Malapit na kasi ang ikalawang subject nila. Ito ba ang ka-meeting ng mga dean kanina?Kinakabahan pa rin siya dahil mag-isa niya itong kakaharapin. Kahit tatlong beses na sila nitong nagkita, hindi pa rin niya iyon maiwasan.Kumatok muna siya sa nakapinid na pintuan. Binuksan naman iyon ng isang professor na naroon.“Miss Evangelista, pasok,” magiliw na wika nito. “Mrs. Fetalvero, aalis muna po ako para makapag-usap kayo nang maayos.” “Thank you.” Tumango rito ang may edad na babae. Tuluyan ng lumabas ang guro at naiwan na sila roong dalawa.“Hi, Isabella, hija.” Tumayo ito sa upuan at sinalubong siya. Nakipagbeso ito sa kaniya.“Magandang araw po.” Hindi na siya nagtaka na sum
Chapter 70Nakita ni Skye na nakailang tawag na si Carl sa cell phone niya. Hindi niya nasagot agad iyon dahil sa biglaang pagdating ng kapwa niya alkalde. Binisita siya nito at natagalan ang pag-uusap nila. Nang muling tumawag si Carl ay mabilis niya itong sinagot.“Yes, Carl?”Hindi agad ito sumagot. Narinig niya ang sunod-sunod nitong pagsinghot. “Mayor, nasa ospital kami ni Isabella.” “Bakit? Ano’ng nangyari?!” Napatayo siyang bigla at tuloy-tuloy na lumabas ng kaniyang opisina. Halos hindi na niya maintindihan ang sinasabi ni Carl sa kabilang linya. Ang tangi lang naintindihan niya ay nasa emergecy room ang mga ito at kung saang ospital naroon.Mabilis niyang ipinatawag ang mga tauhan at agad na pumunta ng ospital. Naaabutan niya si Carl na may dugo pa ang uniform.Napaaway ba ang mga ito?Nakatulala ito habang nakahawak sa sariling palad.“Carl?!”Noon lang niya nakita ang matinding pag-aalala nito sa mukha. Mabilis itong lumapit sa kaniya at yumakap kasabay ng pag-iyak.Pagkat
Nagising si Isabella na si Carl ang nakitang naroon sa tabi niya. Nakahawak ito sa kamay niya at nakatulugan na lang ang pagbabantay sa kaniya.“Carl . . .” tawag niya sa kaibigan. Pinakiramdaman niya ang sariling katawan. Wala na ang sakit ng kaniyang puson. Kinapa niya iyon. May kakaibang damdaming lumukob sa kaniya. Para bang may nawala roon. Gumalaw siya at pilit na tiningnan ang parteng iyon ng kaniyang katawan. Sakto namang naalimpungatan si Carl. “Isabella, gising ka na! Salamat sa Diyos. Kumusta na ang pakiramdam mo?” sunod-sunod na wika nito.“Maayos na naman. Wala na ang sakit ng puson ko. Ano pala ang nangyari? Bakit may dugo?”Naalala niya na may gumuhit na dugo hita niya at sumabay ang pagkirot ng puson. May tila gustong kumawala roon na hindi niya maipaliwanag.Naramdaman niya ang pagpisil nito sa palad.“Hindi naisalba ng doctor ang baby mo, Isabella. Mahina daw ang kapit. Bakit hindi mo sinabi na buntis ka? Sana naingatan at naalagaan natin siya.”Parang biniyak an