Share

Chapter 31

Alessia's POV

NAPUNO ng tawanan ang hapag lalo na at nandoon ang mga builders. Maraming pagkain na nakahanda. Sandali lamang na sumali si Natalia para lamang sa pormal na pagselebra ngunit umalis din ito pagkatapos dahil marami pa daw itong gagawin.

Ginusto ko naman iyon na umalis siya dahil mababawasan ang tensyon na nararamdaman ko tuwing nasa iisang silid kaming dalawa ni Natalia.

"Lady Alessia, maraming salamat sa napakagandang plano at ideya mo." Tuwang saad sa akin ng isang builder na hindi ko kilala.

Napangiti naman ako sa kanya. "Walang ano man." Tugon ko sa kanya at tsaka uminom ako ng inumin doon. Masasabi ko na alak iyon, ngunit lasang beer lang naman. Hindi mataas ang alcohol content kaya alam ko na hindi ako malalasing sa inumin na ito.

"Alistair, wag mong solohin si Lady Alessia at nais ko din siyang makausap." Dumating naman si Favian na tuwang tuwa at may bitbit din itong inumin. Iba ang kulay ng kanyang inumin at naaamoy ko din ito. Sa amoy na pinaghalong ubas at alco
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status