Share

Chapter 35

Third Person's POV

NARATING nila Elijah ang Caracass na ngayon ay magulo at maraming mga wasak na mga gusali. Nakita ni Elijah kung saan dinala ang mga mamamayan sa isang ligtas na lugar kung saan ay labas na ng Caracass, ngunit marami pa rin siyang nakitang mga bangkay na ang ilan ay natabunan ng mga gusali o ang iba ay nilalapa ng mga demons. Alam niyang hindi maiiwasan na may mapupuruhan o mamamatay dahil biglaan ang naging digmaan. Hindi ito katulad ng mga nakagawiang digmaan na may sasangayonan kung kailan at kung saan magsisimula.

Maraming mga diwata ang nasiliparan ngunit wala silang pakialam sa mga demons dahil inuuna nila ang pagtugis sa dark lord. Nagtiim bagang si Elijah dahil hindi niya ito inasahan na hindi tutulong ang mga faeries sa pagsupo ng mga demons. Kung tutuusin, ang mga faeries ang dahilan kung bakit umaatake ngayon ang mga demons. Mas nakakatakot pagdating ng takipsilim dahil mas lalakas at dadami ang puwersa ng mga demons tuwing gabi.

"Kamahalan, kalat na kala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status