Kung kailan tupok na tupok na siya ay saka naman huminto si Chad. Ito ang kusang pumutol sa nakaliliyong tagpo. Napadilat siya at ganoon na lang ang pagsigid ng reyalisasyon. Nakabukas na pala ang harapan ng blusa niya. Hantad ang d****b niya sa nagnanasang mga titig ni Chad.
“I’m sorry,” paanas nitong wika sa magkalapat na mga labi nila. “I said we will take it slow.”
Pumapaypay ang mainit at mabangong hininga ni Chad sa mukha niya. Ang mga titig nito ay matitiim ngunit may bahid na ng pagsuyo ngayon. Ramdam niya iyon kahit sa paraan ng pagdantay at paghagod ng daliri nito sa balat niya.
“This jealousy is killing me inside, Van.”
Nagseseolos ito? Kanino? Kay James ba? Umayos ito ng tayo at maingat siyang inalalayang makaupo sa gilid ng mesa. Eratiko ang tibok ng puso nito, kagaya ng sa kanya. Kung gaano ito nagtimpi ay nakamamangha because right at that moment, batid niya sa sarili kung saan man ninais ni Chad na humantong ang tagpo, kusa siyang bibi
“Congratulations to us! And thanks to all of you!” Kasabay nang paglipad ng cork ng champagne na hawak ni Mika ay magkanapanabay na umalingawngaw sa ere ang sipol at palakpakan. Itinaas ni Mikaela ang champagne glass nito sa ere at gumaya ang lahat ng naroroon. “Great job, everyone! This project will surely open doors for more clients in the industry.” Si Mikaela ang namuno sa simpleng celebration. First big client nga naman nila ang kumpanya ni Chad. Maganda nga naman ang kinalabasan ng trabaho nila. They exceeded expectations. Ngayong araw ay opisyal na natapos dalawang araw bago ang deadline. “’Di ako papayag na hindi ka iinom. You don’t have to be sober right now.” Iniabot nito sa kanya ang hawak na isa pang tulip glass. “Huwag na talaga.” Sumimangot ito. “O baka naman ayaw ni Chad ng babaeng lasengga. The last time na uminom ka nag-alburuto ang mama.” “Mikaela!” “Kunwari pa ito,” tudyo nito na ibinalik sa mesa ang
“Anong ginagawa natin dito?” Nasa shop sila ng isang sikat na couturer sa lungsod at manghang inilibot niya ang paningin sa naggagandahang gowns sa loob ng atelier. May ideya na siya at ayaw niya sa posibilidad na iyon. “Bibili ng damit,” pasimple nitong sagot na nakatutok sa harapan ang pansin. “Bakit?” Umarko ang kilay ni Chad. “Grand opening ng hotel, remember?” Nauunawaan niya ang ibig nitong sabihin. “Chad, ayokong um-attend do’n.” Agaran siyang humakbang pabalik sa pinasukang revolving door ngunit mabilis pa sa alas kwatro siyang humakbang palabas sana ngunit maagap na naiharang ni Chad ang malapad at malaking bulto ng katawan sa kanya. Hindi pa man ay napupuno na ng takot ang puso niya. Of course, Chad’s family will be there. The thought of seeing Tita Amanda again made her tremble with fear. Takot na takot siya rito. She never liked her. She abhorred her after that scandalous stint. Noong tinanggap niya ang muling pakikipaglapi
34 She woke up with the most beautiful morning ever, with Chad preparing breakfast in her little kitchen. Nakasuot ito ng apron at nagluluto ng bacon. Natawa siya at mukhang maliit na sando ang apron sa katawan nito. “Morning.” Sinenyasan siya nitong lumapit. Bago tumalima ay nagmumog muna siya. “Don’t worry. Kahit ikaw pa ang may pinakamabahong bibig, hahalikan pa rin kita.” Gamit ang kaliwang braso ay hinapit siya nito sa baywang. Napadikit siya sa tagiliran nito at tama nga siya, ang bibig niya kaagad ang hinanap nito. It was a light morning kiss. “Saan ka naligo?” “Sa labas.” “Kinatok mo na lang sana ako.” Ngumisi ito. “Nagpapagapang ka talaga sa akin, ‘no?” Pinanliitan niya ito ng mga mata. Mahinang tawa lang ang naging tugon nito. Pinatay nito ang kalan at inilagak sa sink ang sandok na ginamit. “Chad!” Napatili siya nang parang bulak na buhatin Ni Chad at pinaupo sa edge ng mesa. Pumosisyon ito sa gitna n
Si Chad ang focal person sa opening ng hotel kaya natural na nagiging busy ito sa nalalabing araw bago ang grand opening ng hotel. Kabababa pa lang nila ng Bukidnon ay trabaho kaagad ang inatupag na may kinalaman sa opening ng hotel. Sinundot siya ng kunsensya dahil pakiramdam niya ay ninakawan niya ito ng mahahalagang oras. Hanggang kinabukasan ay hindi sila nagkikita. Sigurado siyang kabado ito subalit mas higit pa yata ang kaba niya. “Miks, huwag na lang kaya akong tutuloy?” Nakumbinse niya si Chad na kay Mikaela na siya sasama at h'wag nang magpasundo. Pinandilatan siya ng mga mata ni Mikaela. “Gaga! Sayang yang mamahaling damit at mga gamit na binili ni Chad para sa ‘yo, ‘no? At ang make up mo, pinaghirapan ko ‘yan kaya kailangan mong ibalandra.” Sinipat niya ang kabuuan sa salamin sa dresser ni Mikaela sa silid nito. Ibang-ibang Nessa ang nakikita niya sa ngayon. Litaw ang makinis niyang balikat at bakat ang natural na hubog ng kanyang katawan na ang ku
“So, how did you end up being friends with my son, again?” Nagsisimula na si Amanda. Later on ay bobombahin siya nito ng mga katanungan at mauuwi iyon sa hindi magandang mga salita. This is Amanda. She looked down on her, ever since. Ang liit ng tingin ng ginang sa kanya. She was never worth a penny in her eyes. “Sa…sa trabaho po. Landscaper na po ako at ako ho ang gumawa ng exterior façade ng resort.” At least, may maipagmamalaki man lang siya sa babaeng maliit ang tingin sa kanya. Alam niyang may advance info na ito pero sinabi niya pa rin. Yes, desperada siyang tapunan man lang nito kahit na katiting na respeto. Napatangu-tango ito. “From being a tattoo artist to a landscaper,” she said while sipping her champagne, “pagbubungkal ng lupa naman ngayon ang pinagkakaabalahan mo.” However, respect was something she couldn’t freely get from the likes of Tita Amanda. Inaaba ba nito ang trabaho niya. “You and my son, is there something goin
Katok sa pinto ang nagpamulat sa mga mata ni Van. Hindi na niya namalayan na nakatulugan na pala niya ang pag-iyak. Nakadapa siya sa kama na suot pa rin ang party dress niya. Inot-inot siyang bumangon. ‘Di niya pinagkaabalahang ayusin ang magulo niyang buhok. Alam niyang si Chad ito. Kanina pa ito tumatawag ngunit himdi niya sinasagot hanggang sa pinatay niya ang cellphone. “Van!” Nagiging malakas na ang pagbayo nito sa pintuan. Binilisan niya ang paghakbang sa takot na makabulahaw ito ng mga kapitbahay. Kakatok na sana itong muli nang siyang pagbukas niya. Nabitin sa ere ang nakakuyom nitong kamao. He looked so serious, and concerned, as well. “I was worried about you.” Kaagad itong pumasok at sinalat ang noo niya. May pag-aalala sa mukha nito at boses nito. “Are you okay?” Pinilit niyang pintahan ng ngiti ang mukha. Kahit gustung-gusto na niyang magsumbong kay Chad ayaw niyang gawin. Ayaw niyang pumagitan sa mag-ina. She had brought enough trouble a
“Ano ba tayo?” Van was almost begging. Paulit-ulit na naaalala ni Chad ang tanong nito. Pati na ang luhaan nitong mukha. It pained him seeing her hurt that much. Lagi na lang itong nasasaktan nang dahil sa kanya. "Saka mo na lang ako balikan kapag alam mo na ang sagot sa tanong ko.” Pwede niyang i-insist na mag-usap sila ng gabing iyon. Pero sa malas ay kinailangan pa niyang bumalik kaagad ng Manila para sa isa pang proyekto na nangangailangan ng atensyon. Gumuho ang building na kakatayo pa lamang sa Pasig. Bilang chief architect, dapat ay naroroon siya, personal na inaasikaso ang problema. Natuklasan nila, mali ang pamamaraang sinusunod ng engineer na na-assign sa proyekto. Mabuti na lang at palagi silang advance sa lahat ng schedule ng construction project. Kapag may ganitong mga problema, may sapat na panahon pa para agapan. Sa lahat ng ginagawa niya ay buhos ang atensyon niya. Ngunit hindi maiiwasang lumilitaw na lang bigla ang m
“You were putting me into an ambush, Mom.” Literal na nagngingitngit ang kalooban niya. Naghihimutok siya sa ginawa ng ina. Ang mga kamay niyang kumukumpas sa ere ay pinanlilitiran ng ugat. He hated how his mother put him into such a compromising situation. “I am doing what is best for everyone.” Mataas na rin ang tono ng nanay niya. Nawala ang sa tuwina ay composed demeanor nito. “Alin, ‘yong pangunahan ang mga desisyon ko? Ang manipulahin ang buhay ko, ha, Mom?” Ang init sa ulo ay sumabog sa lahat ng parte ng katawan niya. naikuyom niya ang kamao. “You are so unfair, Mom.” Tumaas na ang boses niya. 'Di niya maiwasan. For the sake of the business ay umakto siyang okay kanina habang magkatabi sila ni Natasha. “Alam ko ang ginagawa ninyo. Pinipilit ninyong ipaglapit kami ni Natasha dahil akala ninyo magbabalik pa sa dati ang lahat. Well, I am so sorry to disappoint you, Mother, Natasha and I are way over. Hindi ko na siya mahal. Si Van na ang mahal ko ngayon.”