CELINE "A-ano? Ano'ng sinabi mo, David? Pinatay ko ang daddy mo? Sigurado ka ba sa sinasabi mong 'yon na pang-aakusa sa akin, huh?" nakaawang ang mga labi na tanong ko sa kanya na nakakunot noo at hindi maipinta ang mukha sa sinabi niyang 'yon sa akin. "Oo! Sigurado ako sa sinasabi ko, Celine! Pinatay mo ang daddy ko! 'Wag ka nang magsinunggaling pa sa harapan ko, Celine. You killed my dad and that's the truth! Pinatay mo ang daddy ko!" singhal niya sa akin na dinuduro-duro pa niya ako. Galit na galit siya sa akin."David, makinig ka, please. Hind ko pinatay ang daddy mo. Ano ba 'tong mga sinasabi mo, huh? Bakit ko naman papatayin ang daddy mo, huh? Asawa ko siya, 'di ba? Baliw lang ang gagawa ng bagay na 'yon sa kanya. Maniwala ka sa sinasabi ko, please. Hind ko pinatay ang daddy mo. Nabigla na lang talaga ako kanina pagkagising ko at 'yon ang nakita ko na nakahandusay na siya sa loob ng banyo. Wala akong alam kung bakit 'yon nangyari, eh. Maniwala ka naman sa sinasabi ko sa 'yo na
CELINEUmiyak ako nang umiyak doon sa may garden. Wala namang tao doon kaya walang nakakita sa akin na umiiyak doon. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko na nararamdaman para kay David. Simula pa noong una ay hindi na naging maganda ang pakikitungo niya sa akin. Kahit anu-ano ang mga sinasabi niya sa akin na hindi magandang pakinggan. Sa lahat ng mga sinabi niya sa akin na hindi maganda itong pang-aakusa niya sa akin ang hindi ko talaga matatanggap. Sino ba ang matutuwa na akusahan ka na may pinatay kang tao kahit wala naman? Walang matutuwa sa bagay na 'yon. Hindi rin magandang akusasyon o biro 'yon kahit kailan.Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko pinatay ang daddy niya at kailanma'y hindi ko magagawa 'yon sapagkat may malaking utang na loob ako dito. Kung hindi dahil sa daddy niya ay wala ako ngayon dito. Siguro nahihirapan pa rin ako sa sitwasyon ko. Baka nasa kalye na ako nito na namamalimos. Kung hindi dahil sa daddy niya ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta at baka wa
CELINE Pagkakain ko ng dinner ay nilapitan ko sina Irene at Dina. Tinanong ko silang dalawa kung nagsabi ba sa kanila si David kung saan ito pupunta ngayong gabi dahil dali-dali itong umalis ng mansion kanina.Tumigil muna silang dalawa sa ginagawa para humarap sa akin at sagutin ang tanong ko na 'yon sa kanila."Hindi po ba sa 'yo sinabi ni Sir David kung saan siya pupunta ngayong gabi na 'to, Ma'am Celine?" nagtatakang tanong ni Irene sa akin."Hindi, eh. Hindi niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Hindi ko alam kung bakit. Baka nakalimutan lang sa akin sabihin dahil sa nangyari kanina na hindi natin inaasahan," dahilan kong sagot sa kanilang dalawa at nagkatinginan sila matapos 'yon."Siguro nga po, Ma'am Celine..." saad naman ni Dina sa harapan ko. "Baka nakalimutan lang niya kaya hindi niya nasabi sa 'yo sa dami ng iniisip niya ngayong araw na 'to."Tumango naman nga ako at nagsalita, "Oo nga, eh. May sinabi ba siya sa inyo kanina bago siya umalis kung saan siya pupunta ng
CELINE"Hindi mo ba talaga ako titigilan sa pang-aakusa mo sa akin na pinatay ko ang daddy mo, huh? Wala kang matibay na ebidensiya, David! Akala mo ba ay hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng daddy mo na asawa ko, huh? Alam ko na, David. Inatake sa puso ang daddy mo. Sa tingin mo ba ay pinatay ko siya, huh? Paano, huh? Paano ko siya papatayin kung intake sa puso ang dahilan ng pagkamatay niya, huh? Sagutin mo ako sa tanong kong 'yon sa 'yo, David!" singhal ko sa kanya. Nagsisimula na naman akong makaramdam ng init ng ulo dahil sa kanya.Nagsukatan kaming dalawa ng tingin matapos kong sabihin 'yon sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa kanya, ipaglalaban ko ang katotohanan na hindi ko pinatay ang daddy niya. Mali ang mga pang-aakusa niya laban sa akin. Hindi puwede ang ganitong ginagawa niya."Paano mo nalaman, huh?" matigas na tanong niya sa akin. Huminga ako nang malalim at saka muling nagsalita sa harapan niya."Huwag mo nang alamin pa kung saan ko nalaman 'yon, David. Hi
CELINE"Ano'ng ginagawa mo ditong babae ka, huh? Bakit ka nandito sa burol ng daddy ko?! 'Di ba sinabihan na kita na huwag kang pupunta dito? Bakit ka nandito, huh?! Ang tigas talaga ng bungo mo. Hindi ka marunong umintindi sa sinasabi sa 'yo!" singhal niya sa akin. Galit na galit siyang nakatingin sa akin. Wala akong pakialam kung galit siya. Bago ako sumagot sa kanya ay huminga muna ako nang malalim. Alam ko na magtatalo na naman kaming dalawa nito kaya hindi ako papayag na insultuhin na naman niya ako. Sasagot-sagutin ko siya. Sobra na 'tong ginagawa niya sa akin."Kailangan mo pa ba akong tanungin kung ano ang ginagawa ko dito, David? Talagang 'yon pa ang tanong mo?! Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa ko dito, huh? Nandito ako para makita ang asawa ko na daddy mo kahit patay na siya. Asawa niya ako at may karapatan akong pumunta dito. Hindi ako puwedeng hindi pumunta, David! 'Wag mo akong pagbawalan, okay? Wala kang karapatan na gawin 'yon kahit anak ka nga niya. May pina
CELINE Hindi na talaga ako nakapunta pa sa burol ng asawa ko dahil pinagbawalan na ako ni David. Kahit pumunta ako doon ay hindi naman ako papasukin kaya ang ginawa ko ay hindi na lang ako nagpumilit pa na pumunta. Sinabi ko naman 'yon kina Irene at Dina kaya hindi na sila nagtaka pa kung bakit hindi na ako pumunta pang muli sa burol ng asawa ko. Naiintindihan naman na nila ang nangyayari."Ano po ang gagawin mo pagkalibing po ni Sir Ronaldo bukas? Pupunta ka po ba sa libing niya?" nakangusong tanong ni Irene sa akin habang nasa loob sila ng kuwarto ng asawa ko. Silang dalawa lang ni Dina ang nandoon dahil sila ang ka-close ko na sa mga kasambahay na nandito sa mansion. Bukas na bukas na ang libing ng asawa ko. Hindi ko rin alam kung makakapunta ako sa libing ng asawa ko.Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa mga tanong ni Irene na 'yon."Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nailibing na nga siya. Hindi ko alam talaga kung ano ang gagawin ko at mangyayari
CELINEMaaga kaming umalis kinabukasan nina Irene at Dina para tumungo sa sementeryo. Umaga ang libing ng asawa ko kaya kailangan na nandoon na kami. Hindi kami nagpahatid sa driver. Sumakay lang kami ng taxi patungo doon, pinahintay na namin ang taxi driver sa amin dahil kapag uuwi na kami ay hindi na kami maroroblema pa sa sasakyan namin. Babayaran ko naman ang taxi driver kahit ilan pa 'yan.Malayo kami doon sa kanila ngunit nakikita namin sila. Hindi kami puwedeng makita nila lalo na si David. Tinatanaw lang namin sila. Naluluha muli ako habang nakatingin sa kanila kahit malayo. Nalulungkot ako na hindi ko na makikita ang asawa ko. Sa huling sandali niya na makikita ko siya kahit nasa kabaong na siya ay pinagkait pa sa akin ng anak niya na si David. Napakawalang puso talaga ng lalaking 'yon kahit kailan. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga ginawa niya sa akin na hindi maganda. Umalis na kaming tatlo sa sementeryo nang binababa na ang kabaong ng asawa ko sa ilalim ng lupa. Pin
DAVIDGagawin raw ni Celine ang sasabihin ko basta huwag ko lang siya paalisin sa mansion namin kahit wala na ang daddy ko. Kahit maging kasambahay raw siya ay papayag siya, huwag ko lang raw siya paalisin. Natatawa at naiirita ako sa sinabi niyang 'yon. Problema niya 'yon kung wala siyang mapupuntahan. Hindi ko na 'yon problema kung paalisin ko siya dito sa mansion namin.Wala naman na si daddy. Patay na ito. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin dito sa mansion? Alam rin ng mga kapatid ni daddy ang tungkol sa kanya. Hindi sila natutuwa para sa kanya. Sinabihan ako nila kahapon dito sa mansion bago sila umalis na paalisin ko na raw si Celine. 'Wag ko na siyang patitirahin pa dito kahit kailan. Kahit hindi ako sabihan ng mga kapatid ni daddy ay gagawin ko naman talaga 'yon sa kanya. Paalisin ko talaga si Celine sa mansion namin dahil hindi naman niya mansion ito. Wala siyang karapatan na tumira dito lalo na wala na si daddy. Wala namang pipigil sa akin kung paalisin ko siya dahil patay