Share

Chapter twenty-two

Ngayong araw ay simula na ng klase ko at excited ako dahil sa isang pribadong universidad ako papasok.

"Mahal nakahanda na ba ang gamit mo?" Napatingin ako kay Raphael ng lumabas siya mula sa banyo at bagong ligo kaya napangiti ako at tumango.

Kinuha ko ang isa pa na tuwalya at pinunasan ang basa niya na buhok habang nakaupo na siya.

Napangiti ako ng tumingala siya sa akin kaya kinintalan ko siya ng halik sa ilong.

"Basta nandoon si Adrian at ang isa sa mga kaibigan ko na nagtuturo rin doon kapag may concern ka ay magsabi ka lang." Sabi niya tumango ako at ngumiti.

"Susunduin mo ba ako mamaya?" Tanong ko kaya tumango siya at ngumiti.

"Syempre naman maaga akong uuwi para masundo kita." Malambing niya na turan kaya napangiti ako.

Walang uniform sa koliheyo kaya simple na jeans at blouse lang ang suot ko at pinaresan ko ito ng puting sapatos.

Napangiti ako habang nakatingin sa salamin ang buhok ko na mahaba ay nakatirintas ng maayos, may hikaw ako na maliit, regalo sa akin ito ni Raphael
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status