La Verde, 1431
"Tharia!"
Nagitla ako dahil sa sigaw ni Ama. Nasa hapang kami ngayon at nag-aalmusal. Simula ng mawala ang kapatid kong si Jacob ay naging mainitin na ang ulo ni Ama. Hindi nga lang ako sigurado kung dahilan ba iyon ng pagkawala ng aking nakakatandang kapatid o dahil nawalan siya ng katuwang at tagapag-mana sa kanyang mga kalakal. Malaki ang inunlad ng aming kalakal simula ng si Jacob ang nagpatakbo niyon sa kabisera at mas lalo pa sanang uunlad kung natuloy ang pag-iisang dibdib nito sa anak ni Ginoong Delcan.
"Walang katotohanan iyon, Ama," sabi ko pagkatapos ibaba ang kubyertos at nagpunas ng bibig.
"Siguraduhin mo lang, Tharia! Isang malaking kahihiyan ang nakikipaghalubilo ka sa mga taga bundok," aniya pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain.
"Maaari na ba akong umalis, Ama?" gusto ko sanang sabihin na nawalan na ako ng ganang kumain ngunit ayaw kong mas uminit pa ulo ng aking gobernador-heneral.
Kakampi Ilang oras na kaming nasa biyahe patungong Luminos ngunit wala ni isang nagsalita. Si Ree ang nagmamaneho habang si Levi ay tahimik din sa aking tabi habang nasa daan ang buong atensyon. Sa kabila ng pagod ay hindi ko nagawang matulog sa byahe, ang isip ko’y nanatili sa tanong ni Ree kanina. Maging ako hindi ko halos maisip ang rason kung bakit ko hinalikan si Levi. Hinilot ko ang aking sentido, sobrang sakit na ng aking ulo at ang pananahimik ng dalawa kong kasama ay hindi nakakatulong. Magsasalita na sana ako ngunit na unahan ako ni Ree. “Nandito na tayo,” ani niya. Umirap ako, ni hindi niya man lang ako nagawang tingnan, mas lalo tuloy akong nairita. Kanina pa nakakunot ang noo ko habang naririnig ang bawat nguya niya ng baong biscuit na hindi niya man lang nagawang ialok sa amin. “Hindi ka ba baba riyan?” Pinagbuksan niya ako ng pinto. Humugot ako ng mamalim na hininga bago bumaba ng vintage car ni
NasaanPagkatapos naming mag-almusal ay naka-idlip ako sa sala nila Aling Mumay. Nagising nalang ako nang maramdamang ay humihilot sa ulo ko.“I’m sorry,” bungad ni Ree nang dumilat ang mga mata ko.Bumangon sa pagkakahiga sa kandungan niya at kinusot ang mga mata. “Ha?”“Sorry, uminit ang ulo ko.”Tumango ako. May mga gusto pa akong sabihin pero huwag nalang. Ayaw ko muna siyang kausap. “Si Levi?” sabi ko nalang.Nalukot ang mukha ni Ree bago bumuntong hininga. “Nakatulog.”Tumango ulit ako bago inabot ang tubig na nasa maliit na lamesa.“Ako? Hindi mo tatanungin kung nakatulog ba ako?” masungit na sabi ni Ree. Halos bugahan ko tuloy siya ng tubig.“Nakatulog ka ba?”“Hindi,” mas lalo siyang nagsungit. Nireregla ba ito?Tumango ulit ako.“Sorry na nga kasi, Faith,&rdq
Reincarnation“Bakit ngayon lang ninyo sinabi lahat ng ito?” Bahagyang tumaas ang boses ni Aling Mumay kaya napalunok ako.Hindi ko naman akalain na big deal pala iyon, basta’t ang alam lang namin ay walang nakakulong sa lamparang iyon.“H-hindi rin po namin alam, Aling Mumay… nawala sa isip ko…” hindi ko na kayang dugtungan. Wala rin naman akong maisip na matinong sagot.“Baka naroon sa mga gamit ni Lola Kristel, Faith?” ani Levi.“Wala naman akong nakitang lampara roon?” si Ree ang sumagot.“Saka nasa Nuevo Pacto na si Lola Kristel noon bago pa man nangyari iyong pagkulong kay Theodore sa lampara. Hindi rin sinabi ni Alisa sa kanyang talaarawan kung nasaan na ang lamparang iyon, Aling Mumay,” sabi ko.“Si Tharia ang ibig kung sabihin. Kailan pa siya nagpakita sa inyo?”Naitikom ko ang aking bibig. Lahat sila a
Tulong Naalimpungatan ako dahil sa basang tuwalyang lumapat sa aking noo at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Ree kasama ang kapatid nito. "Anong nangyari?" tanong ko. "Inaapoy ka ng lagnat." Si Ree ang sumagot habang nagpupunas sa aking noo. "Bakit ganyan ang mukha mo?" "Umuungol ka kasi kanina tapos si Levi ang tinatawag mo," natatawang singit ni Margareth. Hindi ko alam kung dahil nilalagnat ako kaya uminit ang mukha ko o talagang lubusan na akong nilamon ng kahihiyan. "Kapag hindi ka talaga tumigil, Margareth, ibabato ko 'to sa'yo!" Kahit ang mukha ni Ree ay namumula, siguro'y dahil sa pagkapikon sa kapatid. Tumikhim ako at sinubukang bumangon ngunit pinigilan nila ako. "Don't worry, Faith, alam namin ni Aling Mumay na posibleng si Levi ang reincarnation ni Theodore at ikaw naman kay Tharia," natatawa pa ring ani niya ngunit nasa kapatid naman ang atensyon. Nabuhay
Please, help me Buong mag hapon akong tinuruan ni Margareth tungkol sa witchcraft ngunit ni isa ay wala akong natutunang orasyon. Siguro marahil hindi pa nag si-sink in sa akin ang sinabi niyang may dugo akong mangkukulam. Hindi na basta haka-haka iyon, sapagkat siguradong- sigurado siyang mangkukulam talaga ako dahil sa hiwa na nasa kanang hintuturo ko. Maliit lamang iyon at hindi nga mahahalata ngunit nang may binanggit siyang latin na mga salita ay saglit itong lumiwanag at lumitaw sa aking ala-ala ang isang babaeng nakatalikod. Saglit lamang iyon, pakiramdam ko nga ay isang kurap lamang ngunit ramdam ko ang matinding koneksyon niya sa akin. Ang paliwanag ni Margareth ay maaaring may koneksyon ang babaeng iyon sa tunay kong pagkatao. Ngunit noong sinubukan namin ulit ay hindi na iyon gumana. Tumigil na rin si Margareth dahil dumugo na ang kanyang ilong. Ang sabi niya'y may hangganan ang kanyang kaalaman sa mahika lalo na't
Her NecklaceTharia, La Verde, 1431Mismong pagbaba pa lang namin sa karatela ay dinagsa kaagad kami ng mga taong gutom at mga may sakit. Noong una ay nag-aalangan pa ako kung tutulong ba ako dahil umaalingasaw ang amoy ng mga sugat nila sanhi ng lumaganap na epedemya sa lugar. Ngunit mas nanaig ang awa sa akin, lumapit ako sa batang halos nasa anim na taon lamang na nakasandal sa malaking bato malapit kung saan namin itinigil ang karatela. Namamalat na ang kanyang mga labi at halos mapuno na ng sugat ang mga katawan. Gustuhin man niyang magsalita ay hindi na niya magawa, siguro'y marahil sa mga kulay puting nasa kanyang bunganga.Inayos ko ang pagkakasandal niya sa batuhan bago maingat na pinainom ng tubig pagkatapos ay maharang nilinis ang kanyang katawan at nilagyan ng halamang gamot ang kanyang mga sugat. Nang matapos ang panggagamot ko sa kanya ay maingat din niyang hinaplos ang aking mukha.
BABALA: SPG, KARAHASANUnang PaglilitisTharia, 1431Di mahulugang karayum ang plaza dahil sa kumalat na balitang may lilitising mangkukulam. Ito ang unang beses na may ganitong kaso ang lugar kaya naman ay hindi pinalagpas ng mga taga aroon.Pumatong pa ako mga batong upuan na naroon upang ma kompirma ngang si Agnes ang nililitis. Kaawa-awa ang kanyang lagay, kahit sa malayo ay nakikita ko pa ang marka ng dugo sa kanyang damit. Ang kanyang mukha ay namamaga at putok ang kanyang mga labi.Mariin akong napapikit. Nasaan si Jacob at bakit umabot ang lahat sa ganito?"Tharia, ano ang iyong ginagawa? Baka makita ka ng iyong Ama!" saway ni Theodore sa akin ngunit hindi ko na siya nagawang lingunin pa. Natuon ang buong atensyon sa kasalukuyang hinuhubarang si Agnes.Imbes na maawa ang mga naroon ay nag sigawan pa sila, lalo na ang mga kalalakihan. An
BABALA: SPG, KARAHASANHayopTharia, 1431“Sino ka?” kinakabahang tanong ko sa nag kubling anino sa dilim sa loob ng aking silid.“Ako ito, mahal,” ani niya at umupo sa gilid ng aking kama.“Theodore? Anong ginagawa mo rito? Kapag nakita ka ng mga guwardiya’y ikakamatay mo!”“Huwag kang mag-alala’t kasama ko si Miguel.”Napalunok ako. Si Miguel ang isa sa mga pinagkakatiwalaang pinunong guwardiya ni Ama at kapag nalaman niya ang pagta-traidor nito’y siguradong kamatayan ang parusa. Hindi lang kanya kung hindi maging nang buong pamilya niya.“Umuwi ka na, Theodore, nandito si Ama sa mansion, baka mahuli ka niya!” bulong ko ngunit may diin ang bawat kataga.Nakita ko siyang umiling. “Pumarito kami upang itakas kayo ni Jacob, mahal ko. Narinig ni Migu