The story of the first family of vampires will be posted soon. :)
Twin "Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo." Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin. “Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis. Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama. “Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon. Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano. Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong m
Twin"Hindi ko rin alam. Tanging ang Nanay mo lang ang nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo."Paulit-ulit na sagot ni Gladys nang tinanong ko kung nasaan ang kapatid ko. Kung ang katulad ko ay bahagi ng plano ni Tharia, malamang ang kapatid ko rin.“Or maybe, it was your Mother’s plan to save you both from the Hekka Cover- from the trial!” Si Zandrex. Ramdamo sa tono ng boses niya ang pagka-inis.Hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama.“Ofcourse, I’m also concern with your brother, Faith, it just that, we need to solve our problems one step at a time. We don’t know where’s your brother, yet!” aniya nang mabasa ang aking expresyon.Humugot ako ng malalim na hininga. May point din naman ang aking Ama kahit paaano.Hekkatua, isa sa tatlong magkakapatid na bihasa sa pag gamit ng itim na kapangyarihan. Naging obsessed siya sa kapangyarihan hanggang umabot sa puntong sinakripisyo niya ang buhay ng dalawang kapatid para mas lumakas pa. At sa ngayon ay ito lamang ang impormasyong mayroon
R- 13 Hindi ko maramdaman ang aking mga paa ngunit alam kong gumagalaw ito ng kusa. Katulad ng dati, buong lakas kong kinuyom ang aking kamao ngunit maging ang aking mga kamay ay hindi ko na maramdaman. Nag simula kumalabog ang dibdib ko. Pilit kong pinigilan ang aking mga paa sa paghakbang dahil alam ko kapag nag tagal pa ito ay magigising na naman ako sa kung saan. Noong huli ay nagising nalang ako sa kwarto ni Lola Kristel na may hawak na patalim, hinihingal siya habang takot na nakatitig sa akin kaya sinusumpa kong ayaw ko nang maulit pa iyon. Bawat hakbang na nagagawa ko'y nawawalan ako ng lakas, ramdam ko na rin ang malamig na pawis sa aking noo. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang pag-ikot ng aking sikmura. Hinahalungkat maging ang pinakamaliit na kalamnan sa loob habang unti-unting nilalamon ang natitira kong ulirat. Pamilyar na ako sa g
The Beginning of an End "Nakikiramay ako, Faith." Hindi na ako nag-angat ng tingin sa babaeng nagsabi niyon. Masyado na akong pagod para igalaw pa ang aking ulo. Wala na rin akong pakialam kung sabihin nilang bastos ako. Pagod na ako. Pagod na akong mag-isip, pagod na rin akong mabuhay. Pagod na ako sa lahat bagay. "Nakikiramay kami sa iyo, Lexcel Faith." Mapakla akong napangiti dahil sa narinig. Ayan na naman. Ilang beses ko na bang narinig ang salitang iyan ngayong gabi ngunit pakiramdam ko ay wala akong karamay sa sakit na nararamdaman ko. Si Lola Kristel lang ang kinikilala kong pamilya. Namatay ang nanay ko sa panganganak sa akin habang ang tatay ko naman ay nag pakamatay dahil hindi nakayanan ang depresyon. Palaging sinasabi ni lola na isa akong regalo ng Panginoon sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pinaniniwalaan. Hindi ako bulag, at sa lahat nang na
Burying the Dead Tatlong araw lamang ang itinagal ng burol ni lola dahil pinutol ko na ang munting pag-asang may mga ka-anak pa kaming gustong masilayan siya sa huling sandali. Sa loob ng dalawang araw ay apat na tao lamang ang paulit-ulit kong nakikita- si Gabby kasama ang mga magulang nito. Pa minsan-minsan ay nahahagilap ng paningin ko ang bagong salta sa lugar namin— nagugulat, nanginginig, natatakot pagkatapos ay tatakbo palayo. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya at wala na rin akong balak pa na alamin basta ba't hindi niya pinapakialaman ang buhay ko. Habang unti-unting binababa ang kabaong ni lola sa huli niyang himlayan ay pakiramdam ko tila nauupos akong kandila. Gusto kong umiyak pero tila naubos na ang tubig sa aking katawan dahil wala nang lumalabas sa aking mga mata. Ramdam ko na rin ang pamimigat ng aking mga talukap hindi dahil sa antok ngunit dahil sa pamamaga ng mga i
Do not Awaken the Devil Napangiwi ako sa sakit habang tinatanggal ang lapis na bumaon sa kaliwang braso ko. Matagal na panahon na rin nang huli akong makaramdam ng ganitong sakit at hindi ko akalaing ikasisiya pa ito ng aking sistema. Sabagay, wala pa sa tamang gulang ang katawang ito kaya mahabang panahon pa ang aking hihintayin bago maangkin ang buong kontrol dito. Ngunit hindi na rin masama, ikinalulugod ko namang gampanan ang seremonya ng tatlong alay gamit ang limitadong lakas na meron ang katawang ito. Nasuntok ko ang pader habang tinatanaw ang babaeng paika-ikang nililisan ang silid ngunit agad ding napangiti nang maramdaman ang init at maamoy ang halimuyak ng dugong nag landas sa aking kamao. Wala na ngang papantay sa halimuyak na dala ng aking huling sisidlan sa panahong ito.
Dejavu Tuluyan akong nagising ng hawiin ni Gabby ang kurtina para pumasok ang sinag ng araw. Wala na akong nagawa nang marahas niyang hilain ang kumot na itatakip ko sana sa aking mukha. "Good morning sunshine! Rise and shine! Today is the first day of being a senior!" hiyaw niya. Napaka energetic talaga niya sa umaga. Well, Gabriella is not Gabriella without an energy. Halos nakapikit pa akong bumangon nang hilahin niya ako sa kama. "C'mon, Faith. Wake up! I already texted Landon, he will be here in 10 minutes. We don't wanna miss the first day prank," wika niya sabay paikot ng kanyang mga mata. Bumuntong hininga ako. "Okey, maliligo na ako," sabi ko nalang pagkatapos ay dumeretso sa banyo. Ilang beses na akong nakapasok dito pero natutuwa pa rin talaga ako sa ayos ng kanyang mga gamit panligo. Iba't-ibang amoy ng shower gel kada araw. Kahit hindi ako tumingin sa kalendar
The New Guy "Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin." Hindi ko alam kung makailang ulit ko na nasabi ang mga katagang ito. Siguro ang alam ko nalang ngayon ay ang paulit-ulit na sabihin ang mga ito. I am feeling helpless. Wala akong magawa nang bumuhos ang mga pangyayaring hindi ko maipaliwanag dahil sa buong buhay ko ay hindi ko halos maisip na posibleng mangyari ito sa akin. Lakad-takbo ang ginawa ko para mas mabilis na makarating sa opisina ni lola, mabuti na lamang at nakaksunod pa rin sa akin si Levi. "Hindi ko rin maintindihan, Faith, at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nandito ngayon," hinihingal na aniya. Huminto ako at hinarap siya. Sa uri ng katawan niya ay hindi na ako nagtaka kung bakit siya hinihingal. Nangingitim ang paligid ng kanyang kulay abong mga mata, namumula rin ang matangos niyang ilong at namamalat ang kanyang labi