Astral Projection Pinigilan kaming umuwi ni Zandrex dahil nag kalat daw ang mga kriminal sa La Verde ngayon. Wala kaming nagawa kundi dito na lang mag hapunan at mag palipas ng gabi kahit na lahat kami ay nag aalala dahil kabilugan na ng gabi bukas. May dalawang katulong si Zandrex na naroon— ang isa’y babae na katulong niya sa gawaing bahay ang isa nama’y lalaki na taga maintain ng garden—halos lahat ng naroon kasi ay mga halamang gamot. Ancestral house ito ng kanyang asawa at dahil wala na itong ibang pamilya ay kay Zandrex na rin ito napunta kahit na hiwalay na sila. Technically, galing ako sa angkan ng mga Kliodap at Aragon— ang nakakatawa lang ay parehong nakatakdang pumatay ng tao dahil sa kagagawan ni Tharia. Tumingala ako sa mga bituin at pagak na natawa. Kung lahat ng bagay ay itinakda na ng maykapal, bakit ang sanglap naman yata nang naisulat niya para sa akin? Napalingon ako sa nag iingay na pintuan at bago pa man ako nakasagot ay niluwa na nito si Zandrex. Napaayos ako
Ivy Margareth “Margareth! Margareth, gumising ka! Aling Mumay!” Tawag ko sa kanila. Alam kong hindi ko sila mahahawakan kaya nakontento na lang ako sa nang makompirmang humihinga pa sila. Nakikita ko pa kasi ang pagtaas-baba ng kanilang dibdib. "Gabby! Nasaan ka?" sigaw ko nang hindi ko siya mahanap sa buong condo. "Gab!" "Faith, anong nangyayari? Nakita mo na ba sila?" boses iyon ni Ree. Pumikit ako at pinitik ang kamay pagkatapos ay nagbalik ang katawan ko bahay ni Zandrex. "Ayos ka lang ba? Ano? Nakita mo ba sila? tanong agad ni Ree. Umiling ako pagkatapos ay pinunasa ang dugo sa aking ilong. "Walang malay sina Aling Mumay at Margareth, Ree. Nasa condo mo pa sila pero hindi ko mahanap si Gabby. Kailangan nating bumalik doon ngayon din!" sabi ko pagkatapos ay lumabas ng silid. "Faith, sandali lang. Huwag kang padalos-dalos, hintayin mo munang magising si Zandrex." Habol ni Gladys sa amin. Tumigil ako at nilingon siya. "Malayo pa ang Luminos, Gladys, baka wala na kaming abutan
"Delcan? Galing sa angkan ng mga Delcan si Margareth?" Kahit ang sarili kong boses ay hindi ko marinig. Hindi pwedeng maging si Margareth ay malagay sa panganib. Marahang tumango si Tharia na tila ba pinapaintindi sa akin na wala na akong magagawa dahil itinakda na itong mangyari. Pero bakit wala kaming alam? Walang mga palatandaan na si Margareth ang reincarnation ni Lilia Delcan o baka naman hindi lang niya sinasabi sa amin dahil ayaw niya kaming mag-alala sa kalagayan niya. Hindi kaya ito rin ang dahilan kung bakit ko mapapatay si Ree? Sa kagustuhan niyang maligtas ang kapatid ay sinakripisyo niya ang sarili para lang mapigilan si Tharia o ako? "Alam mo namang kontrolado ko ang lahat ng nangyayari rito, hindi ba? Maging ang mga iniisip mo, Faith," turan ni Tharia dahil matagal bago ako naka-imik. "Kaya may ideya ka na kung gaano kita kinamumuhian, Tharia..." Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya. "Makapangyarihan ka, Tharia, at sinigurado mong katatakutan ka namin pero naisip k
Tharia Hinawi ko ang aking buhok nang dumaan ang malamig na simoy ng hangin. Napangiti ako nang sa wakas ay naramdaman ko ulit na buhay ako ngunit nawala rin bigla nang maalalang hindi pa buo ang kontrol ko sa katawang ito dahil unti-unti nang natutunan ni Faith na labanan ako. Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangang maging sapat ang oras ko para isagawa ang ritwal ng sakripisyo bago pa makabalik si Faith sa katawang ito. Pumikit pa ako ng isang beses bago inutusan ang hangin na dalhin ako kung nasaan si Gabriela Marshall ngayon. Sa isang iglap lang ay nasa skwelahan na nila ako sa Nuevo Pacto— ang lugar kung saan hindi gumagana ang ano mang itim na kapangyarihan. Alam kong may kinalaman dito si Sandrex Aragon. Nang nalaman niyang anak niya si Faith ay natutong lumaban ang taksil. Nag-aral siya ng iba't-ibang ritwal at pag gamit ng halamang gamot sa tulong ni Gladys Ortega. Kung inaakala niya ang kayang pigilan ng halamang gamot ang kapangyarihan ko ay nagkakamali sila, ako a
In Limbo Agad nanginig ang kamay ko nang makita ang kalagayan ni Gabby. Napuno ng dugo ang kanyang buong mukha at maging sa likurang bahagi ng kanyang ulo habang nakahandusay sa hallway. Sa likuran ko ay may babaeng nakahandusay din at mukhang wala ng malay. "Gabby..." natataranta kong tawag sa kanya. Natatakot din akong hawakan siya dahil baka mas lalo lang lumala ang kanyang sitwasyon. Pinilit kong mag-isip ng spell para makatulong sa kanya ngunit walang pumapasok sa isip ko. Sa huli ay napag desisyunan ko na lang na tumawag ng emergency hotline para makatulong sa amin. Nakompirma kong wala na ngang malay ang babaeng narito nang dumating ang ambulansya. Nang tinanong ako ng mga pulis kung ano ang nangyari ay wala akong maisagot. Maliban sa ngayon ko lamang nakita ang babaeng iyon ay wala rin akong maalala sa mga nangyari. Kanina lang ay nasa bungad ako ng La Verde tapos ilang oras lang ang nakalipas ay narito na ako sa aming paaralan. Alam kong sumanib sa akin si Tharia pero hin
Nagising ako dahil sa hapding naramdaman ko sa aking palapulsuhan at agad akong na alarma nang mapagtantong nakahiga ako sa isang malamig na altar habang nakagapos ang mga kamay at paa. Nahihilo pa ako ngunit nagawa ko pa ring i-eksamin ang paligid. May tatlong babaeng nakapalibot sa akin at pawang nakasuot ng itim na belo. Isa sa may bandang uluhan ko, sa harap ng altar, at isa sa may paanan. "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." "Abehmo Lefan dieneries Sheron." Naging klaro sa pandinig ako ang paulit-ulit na sambit nila at nagsimula akong mag panic nang naging pamilyar ako sa lengwaheng ginamit at kung para saan ang orasyong iyon. Balak nila akong gawing buhay na sakripisyo! Ang sinasagawa nila ay sacrificial magic upang buhayin ang isang napakalakas na nilalang na nag ngangalang Selitha. Minsan na itong binanggit ni Aling Mumay ngunit hindi ko napagtuonan ng pansin dahil wala naman itong kinalaman sa pino-problema namin. Parang dumaan lang sa pandin
Channel Nakita ko si Ree suot ang kulay abong v-neck t-shirt at maong na pantalon, matamis ang ngiti niya sa akin habang namumungay ang mga mata. Ngunit nawala rin kaagad ang kanyang ngiti nang maduwal siya ng dugo. Napaluhod siya, Doon ko lang nakitang maging ang kanyang dibdib ay duguan rin dahilan nang pagkakasaksak. "Ree!" tawag ko. "Bakit! Bakit mo iyon ginawa?" Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin nang mapagtanto kong ito ang nakita ko noon hinawakan ko siya. “Kuya…” D***g ni Margareth pagkatapos saluhin ang kapatid. Pareho silang nakaupo na sa semento habang si Levi naman ay tulala habang nakatingin sa hawak ko. "F-faith..." boses iyon ni Gabby ngunit hindi ko siya makita. "It's all your fault, Faith! It's all your fault!" Nakita ko ang pagbukas ng bibig ni Ree habang nakatingin sa akin ngunit walang mga salitang lumalabas doon. Si Margareth naman ay sinubukan ang ilang orasyon upang iligtas ang kapatid ngunit sa nakikita ko ay masyado na siyang mahina. Maliban sa umiiyak
Si Dahlia at Marcus, 1431 “Patay na si Tharia, Marcus! Bakit mo ba siya hinahanap? Simula ng bumalik ka rito ay si Tharia na ang iyong palaging bukambibig!” “Si Tharia lang ang makakatulong sa akin, Dahlia—” Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses nang narinig ang pangalan ni Dahlia. Kung ganoon ay napunta ako sa panahon kung saan buhay pa ang unang Dahlia Somerheld. Sigurado rin akong tapos sa panahong ito ang naging paglilitis ni Tharia sa plaza. “At paano mo nasabing hindi kita kayang tulungan, Marcus? Narito ako sa iyong tabi ngunit iba ang iyong hinahanap!” Nakita ko ang panliliit ng mga mata ni Dahlia. Wala siyang suot na balabal at lantad ang kanyang mukha— kung ganoon ang kasama niyang lalaki ngayon ay ang kanyang asawa o siguro’y katipan. “Hindi mo naiintindihan, mahal ko…” Umatras si Dahlia pagkatapos itulak ang kamay ni Marcus na gusto sanang humawak sa kanya. “Kung mahal mo talaga ako ay sasabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sa iyo, Marcus! Tatlong taon kan