Share

KABANATA 54

Ala sais pa lang ng umaga, gising na si Isabella upang magluto ng pagkaing ipapabaon kay Gael na pupunta ng ospital para makipagpalit kay Franco sa pababantay kay Frances.

" Leonel, anak, pakibantayan muna saglit itong niluluto ko. Halu-haluhin mo na rin at kukuha lang ako ng okra sa bakuran, " ani Isabella nang ibaba sa mesa ang sandok.

" Hahaluhin lang po ba, Ma? " Paniniguro ni Leonel saka hinila ang isang silya upang tuntungan ito at makita ang niluluto ng ina sa kalan de uling sa likuran ng bahay. " Ano po ba niluluto niyo? Isda? "

" Sinigang na bangus, anak. Paborito ng Papa mo, " sagot ni Isabella, saglit na sinilip ang paraan ng paghalo ng anak sa niluluto niya bago ito iwanan para magtungo sa bakuran kung saan may mga pananim na gulay.

Maganda ang sikat ng araw ngayon katulad kahapon, at dahil mahaba-haba ang naging pahinga ni Isabella, pakiramdam niya ay marami siyang lakas ngayon para kumilos at abalahin ang sarili sa pag-aasikaso ng mga gawaing bahay.

" Ang lalaki ng bu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status