Share

KABANATA 62

Hindi malaman ni Isabella kung paaano kauusapin si Gael, ramdam na ramdam niya ang lamig ng pakikitungo nito sa kaniya magmula pa kanina at alam niyang wala siyang karapatang magalit o mag reklamo dahil may kasalanan siya. Mabigat sa loob niya ang nangyaring pagtatalo na sinamahan pa ng konsensya dahil palaging sumisingit sa isip niya ang lalaking nakausap kanina sa parke. Hindi maunawaan ni Isabella ang nangyayari sa kaniya dahil tila hindi magkasundo ang isip at puso niya sa kung ano ba ang dapat na pagtuunan niya ng pansin ngayon.

“ Mama? “ Nilingon ni Isabella ang anak niyang kumakalabit sa kaniya habang siya’y abala sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila sa lababo. “ Inaatok na po ako, Ma. Punta na po ako sa kuwarto? “

“ Nakapagsipilyo ka na ba? “ Tumango-tango naman si Leonel sa tanong ng ina sabay pakita ng ngipin niya. Pinatay ni Isabella ang gripo at idampi ang basang kamay sa tuwalyang nakasabit sa gilid ng lababo habang tila may hinahanap sa salas. “ Ang Papa mo? Nasaan? “

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status