Share

KABANATA 67

" Pasensya na, pero hindi ko kayang talikuran ang buhay na mayroon ako ngayon nang dahil lang sa mga sinabi niyo. "

Hindi na mabilang ni Maximo kung makailang beses na niyang naririnig sa isip niya ang huling katagang sinabi ni isabella bago siya nito iwanan sa tindahan. Hindi sa ganoong paraan niya nais matapos ang usapan nila ngunit wala siyang nagawa para ito'y ayusin dahil hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong habulin ito kanina sa takot na baka sundan siya ni Catriona na simula't sapul pa lang ay hindi na nya pinagkakatiwalaan.

Tiim-bagang na sinandal ni Maximo ang ulo sa sandalan ng kaniyang inuupuan sa loob ng kotse. Kalahating oras magmula nang makarating siya sa mansyon pero hindi pa siya bumababa ng sasakyan. Wala siyang lakas na kumilos dahil sa bigat sa kaniyang dibdib. Sa kabila ng pag-asang nakikita, naroon ang pangamba na baka yakapin na ng tuluyan ni Isabella ang buhay na mayroon ito ngayon bagay na kinakatakutan niyang mangyari.

Napalingon si Maximo nang may kumato
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status