Share

Birthday Card

SINADYA kong magpagabi ng uwi sa mansiyon para hindi na kami magkita pa ni Iñigo. Subalit sa kasamaang palad ay hindi rin umobra ang ideyang naisip ko. Dahil si Iñigo pa mismo ang nagbukas sa'kin ng pinto.

''Alas nuwebe na.'' Walang buhay na sambit niya habang nakatingin sa kanyang wristwatch.

''Alam ko, Iñigo. May inasikaso lang kami ni Nicole kaya hindi ako nakauwi agad.''

''Really? Magkasama kayo ni Nicole?'' sarkastiko niyang tanong.

''Eh ikaw, ba't hindi ka pa natutulog?'' pag-iiba ko ng usapan habang nakatingin ako sa wine glass na hawak niya.

''Tsk...hindi pa ba halata na hinihintay kita'ng makauwi? Kanina pa akong nag-aalala sa'yo. Ilang beses kitang tinawagan pero hindi ka naman sumasagot. At nang tawagan ko naman si Nicole, sinabi niyang alas sais pa 'lang ay naghiwalay na kayo.''

''Sorry.'' Tanging nasabi ko.''

Pagak itong natawa at talaga nga'ng mababakas sa mukha ni Iñigo ang labis na pag-aalala saakin.

''Sorry? 'Yon lang ba ang sasabihin mo, Sam?''

''Oo!''
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status