"WHAT the hell is going on sir? Akala ko ba ako lang ang bisita?'' puno ng iritasyon sa aking tinig matapos namin'g huminto ni Iñigo sa kusina."Sam, i'm sorry...hi-hindi ko talaga alam na inimbita ni dad si Miss Shane.''"Sir, sa totoo lang ay nawalan na ako ng gana'ng bumalik do'n.'' Patuloy kong pagrereklamo. "Puwede ba ihatid mo na nga lang ako pauwi!''''No! Babalik pa rin tayo do'n! Nakakahiya kay dad!'' giit nito ngunit patuloy pa rin akong nagmamatigas."Kung ayaw mo akong ihatid, eh 'di ako na lang ang uuwing mag-isa!'' Nakakadal'wang hakbang pa lang ako nang muli siyang magsalita, dahilan upang muli ko siyang lingunin ngunit hindi rin kaagad ako nakakibo.''Sam, bakit ba kasi big deal sa'yo na nandito si Miss Shane? Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo? At saka si dad naman ang nag-imbita sa'yo dito di'ba?'' Tila ba napipikon na ito saakin. Hindi pa rin ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kawalan. Kaya't siya na mismo ang kusang lumapit saakin.Hinawakan nito ang magkabi
KINABUKASAN ay tila wala pa rin ako sa sariling katinuan habang naglalakad papunta sa banyo. Muntik ko pa nga'ng masagi ang kape ni Nicole na nakapatong sa gilid ng mesa."Hoy, Samantha! Tulog ka pa ba?" Aniya. Buong akala ko ay nakaligtas na sa kanyang paningin 'yon ngunit hindi pa rin pala. "Inaantok pa ako." Tinatamad na palusot ko sa kanya."Sus, anong petsa ka na kasi inihatid ni Daddy Iñigo kagabi eh. Hayan tuloy, para kang lasing diyan!""Oo nga eh." Tanging nasabi ko na lang."Naku, bilisan mo na diyan at ipagtitimpla na kita ng kape para mawala 'yang antok mo!" Dagdag pa ni Nicole habang naroon ako sa loob ng banyo.Maya-maya pa ay magkaharap na kami sa hapag. Siya na rin ang nagluto at naghain ng almusal namin. Pati ang masarap na kape ko ay siya rin ang nagtimpla kaya wala na akong ibang gagawin kundi ang umupo na lang at kumain."Hmm...Sam, hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" Anang kaibigan ko nang mapansin na kakaiba at malamya pa rin ang kilos ko."Huh? Syempre, nagustu
PAREHO kaming natigilan ni Iñigo sa biglaang pagsulpot ni Lesley."Oh, ba't para kayong nakakita ng multo?" Ani Lesley na siyang dahilan upang mapilitan akong magsalita."A-anong ginagawa mo rito?" Bahagya pa akong nautal. Si Sir Iñigo naman ay tahimik lang na nakatayo sa aking likuran.''Tsk...ang pangit niyo naman mag-approach ng bisita.'' Magkakrus ang mga braso na saad ni Lesley."Excuse me! M-may kailangan ka ba dito sa kompanya ko?'' Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Sir Iñigo."Hmm...actually, wala akong kailangan sa'yo Iñigo. Pero sa babaeng ito ay may kailangan ako.'' Ani Lesley na bahagya pa akong dinuro sa mukha. Kaya naman hindi ako nakatiis at nakakuyom ang kamao na bigla akong tumayo. Subalit muli rin akong naupo ng agad akong awatin ni Sir Iñigo.''Ang kapal ng mukha mong duruin ako Lesley!"Nanggagalaiting singhal ko sa kanya."Really? Ako talaga ang makapal ang mukha, Sam?'' Mapakla itong natawa at mas lalo pa'ng lumapit sa kinauupuan ko.''Ano ba talaga'ng kailangan
SIMULA pa kanina ay hindi ko pa rin matanggap sa aking sarili na palagi na lang si Miss Shane ang kinakampihan ni Iñigo. Kaya naman ang kawawang pagkain na inihanda ni Nicole ang napagbuntunan ko pa ng sama ng loob. Sa halip na kumain na ay nakapangalumbaba lamang ako habang tinititigan ang mga iyon."Hoy! Anong kadramahan na naman 'yan?'' sita sa'kin ni Nicole.Umiling lang ako bilang tugon."Sus, nagsisinungaling ka na naman!''Hinayaan ko lang na magdaldal ito.Wala talaga ako ngayon sa mood para makipagtalo. Dahil okupado ang isip ko ng mga bagay na patungkol samin'g tatlo nina Iñigo at Shane.."Matutulog na ako Nicz. Bukas na lang siguro tayo mag-usap.''''Ano? Eh pa'no 'to? Ang dami kong inihain na pagkain? Ano, wala ka bang balak na maghapunan?''''Busog pa ako." Tipid kong sagot."Haist, bahala ka nga!'' aniya na puno ng iritasyon ang tinig.Dumiretso na ako sa aking silid. Ni-hindi ko na nagawang magpalit pa ng pantulog na damit. Basta na lang ako humiga sa kama at ginugol ko
ALAS diyes na ng umaga nang magising ako kinabukasan. Kaya naman nagmamadaling lumabas ako ng silid. Hindi na naman sana ako magkandaugaga sa pag-aasikaso. Mabuti na lang at nabasa ko ang sticky note na nasa pinto ng refrigerator."Frenny! Tutal, sunday naman ngayon eh,hindi na kita ginising para lang makapagpaalam ako. Gabi na nga pala ako makakauwi, kasama ko si Dylan eh."Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad. "Ang bobo ko, sunday nga pala ngayon!''hindi ko maiwasan'g kausapin ang sarili ko.Sa halip na magluto ng almusal ay bumalik na lang ako sa silid at muli akong natulog. Subalit wala pa yata'ng isang oras ang nakalipas ay bigla akong naalimpungatan dahil sa sunud-sunod na pagkatok sa pintuan.''Sino bang-'' Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin dahil guwapong mukha agad ni Iñigo ang una kong nabungaran..''Hi!'' Nakangiti niyang bati sa'kin.''A-anong ginagawa mo dito?''''Hindi mo man lang ba ako patutuluyin sa loob?''tanong niya pabalik saakin."Sir, kung nandito
DALAWANG linggo na rin buhat ng maging kami ni Iñigo. At walang sino man ang nakakaalam no'n kundi kami lamang dal'wa. Napagkasunduan kasi namin na ilihim na lang muna ang aming relasyon para iwas na rin sa mga pakialamera at tsismosa sa paligid. Maging kay Nicole ay hindi ko pa ito sinabi. Hindi ko rin kasi alam kung paano kong ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Kaya naman hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung tama nga ba ang ginawa ko. Paniguradong magagalit 'yon saakin sa oras na malaman niyang naglilihim ako sa kanya. "Oh, ba't hindi mo ginagalaw 'yang pagkain mo? H-hindi mo ba nagustuhan ang pinadeliver ko?'' Sita sa'kin ni Iñigo habang sabay kaming nagtatanghalian sa loob ng office niya.''Huh? So-sorry, may bigla lang akong naalala.'' Nakasimangot na sagot ko sa kanya.''What is it baby? You can share it to me para hindi ka diyan nalulungkot. Tsk...daig mo pa 'yong batang inagawan ng lollipop sa sobrang pagbusangot niyang mukha mo eh.'' Ani Iñigo na sinabayan pa ng pang-aasar
LAKING pasasalamat ko na wala pa si Nicole nang dumating ako sa bahay. Kaya't dumiretso na ako sa aking silid. Ngunit, wala pang isang oras na nagmumuni-muni ako ay may kumatok na agad sa pintuan. Wala sana akong balak na buksan iyon ngunit nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko ay wala rin akong nagawa kundi ang buksan 'yon."Ba't ka ba sumisigaw? Eh may susi ka naman diyan at saka-" Hindi ko na natapos pa ang iba kong sasabihin dahil bigla na lang lumitaw si Iñigo mula sa kanyang likuran."I-Iñigo?" Nauutal kong pag tawag sa kanya.Tiningnan niya lang ako at nanatili lamang ito sa kanyang kinatatayuan."Hoy frenny! Kausapin mo nga 'yang boyfriend mo! Huwag niyo na akong idamay pa sa tampuhan niyo ah!" Ani Nicole."Nicz,, bakit magkasama kayo ni Iñigo?" Bulong ko sa kanya.''Huwag mo ng alamin? Just talk to him at pagkatapos ay mag-uusap rin tayo." Pabulong rin na sagot niya. "May hindi ka pa sinasabi sa'kin Sam!" Mahina subalit madiin niyang sambit. Kapagkuwa'y nilampasan na ako.N
ILANG beses ko ng pinraktis sa harap ng salamin ang mga dapat kong gawin at sabihin mamaya pagdating sa kompanya. Sa totoo lang ay hindi pa ako handang harapin ngayon si Iñigo. Wala rin sana akong balak na pumasok pero ayoko naman na madamay pati ang trabaho ko.Isinukbit ko na ang aking bag. Dinampot ko na rin ang susi ng aking kotse at nagmamadaling lumabas ako ng silid. Tinanghali rin kasi ako ng gising kaya't paniguradong traffic na naman."Sumabay ka na sa'kin!" Bahagya akong napaigtad ng marinig ko ang boses ni Nicole. Buong akala ko ay nakaalis na ito."Ginulat mo 'ko do'n ah! Teka, ba't nandito ka pa?''"Naku naman Sam! Syempre hinintay kita! Dalian mo na. Late na ako oh.""Eh, wala naman kasi tayong usapan na magsasabay -"''Huwag ka ng magreklamo. Sumakay ka na sa kotse ko at ihahatid na kita sa kompanya ni Daddy Iñigo." Ani Nicole na halos kaladkarin na ako papasok sa kanyang sasakyan.Wala naman na akong nagawa kundi ang sumunod na lang.Nang pareho na kaming lulan sa kanya