HINDI MAKAPAGFOCUS si Tadeo sa pagtatanim ng mga palay, panakanaka siyang tumitingin sa daanan ng mga tao sa gilid ng sakahan. Tulad niya, nagtatanim din ang mga kasamahan. Lahat ay abala sa kanya kanyang gawain. Tirik na tirik ang araw, tagaktak ang kanyang pawis suot ang kanyang karaniwang kasuotan na kamisa at itim na pangbaba na tinupi hanggang tuhod, suot niya rin ang sombrerong buli panangga sa napakainit na araw.
Nang maubos ang hawak na pananim tuwid siyang tumayo, basang basa ang kanyang likod. Pinunas niya sa kanyang mukha ang malinis na parte ng medyo putikan niyang good morning towel na nakasabit sa kanyang leeg.Muli siyang tumingin sa daan. Napailing nang hindi pa rin makita ang pakay."Ganitong oras dumadaan ang kabayo niya araw araw," aniya sa sarili. Bumalik siya sa pagtatanim.Ilang minuto ang lumipas nang makarinig siya ng yabag ng kabayo. Napangiti siya nang matanaw si Pulahan, agad siyang humarap sa kapwa magsasaka na nasa"ALAM MO bang matagal na kitang gustong puntahan sa inyo, hindi lang ako magkaroon ng oras." Nakaakbay pa rin sa kanya si Gobernador Isiah hanggang sa tuluyan silang makapasok sa kabahayan ng mga De Catalina. Panay ang tingin niya sa paligid upang maghanap ng dahilan na makalayo dito. Ramdam na niya ang magiging takbo ng usapan at ayaw niyang dumating sa puntong 'yon. Ayaw niyang sumama ang loob nito sa paulit ulit niyang pagtanggi. Kahit siya ay nahihiya na hindi ito mapagbigyan. Lihim siyang napapangiwi habang nagsasalita ito. Napangiti siya nang makita si Cathy na palabas ng harden. "Cathy," tawag niya. Bumaling ito sa kanya, agad na sumilay ang masayang ngiti. Tumakbo ito palapit sa kinatatayuan nila. "Kuya Tadeo, mabuti po at nandito na kayo. Balak ko sanang lumabas para tignan ka, baka kasi nahiya kang pumasok e." Napatingin ito sa gobernador. Bahagyang yumuko ang dalagita. "Magandang gabi po."Bumaling din siya dito, pasimpleng inalis an
INAYOS NIYA ang basket upang hindi madumihan ang pagkain na naroon. Madaling araw palang n'ong bumangon siya kanina, halos wala siyang tulog sa sobrang excitement. Nagluto siya ng turon, lumpia, ginataan at bumili ng slice bread. Sinamahan na rin niya ng bagong pitas na prutas. Isinilid niya iyon sa dalawang basket, dinala sa sapa upang may pagsaluhan sila ni Andrei. Gusto niya ring ipatikim dito ang mga niluto niya. Tumingala siya sa kalangitan, nasisinagan na ng araw ang kabilang parte ng sapa, no'ng dumating siya dito ay madilim na. Wala siyang dalang relo kaya't hindi niya alam kung ilang oras na siyang naghihintay.Hindi niya alintana iyon, si Andrei ang hinihintay niya at hindi siya mapapagod kahit gaano pa 'yon katagal. Inilublob niya ang paa sa tubig at nilaro iyon. Preskong presko ang simoy ng hangin, nakakahalina ang paligid na halos kulay berde ang lahat. Nakaupo lamang siya sa bato, pinagmamasdan ang bawat kaluslos. Nang magsawa sa
"WHO ARE you to talk to me that way?" Kahit na ilang ulit na napalunok nilakasan niya pa rin ang loob na salubungin ito. Mula sa pagkakatayo sa harap ng kanyang mesa lumapit ito papunta sa kanya. Mabilis siyang napatayo. Mas lalo itong lumapit hanggang sa magitgit siya sa upuan. Sinubukan niya itong itulak ngunit hindi pala magandang ideya 'yon. Dumagsa ang tila kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan dahil nahawakan niya ang matigas nitong dibdib. "Hindi na ako natutuwa," asik niya. Wala siyang takot na maramdaman para sa lalaki dahil alam niyang hindi siya nito sasaktan, ang ikinakatakot niya ay ang pagbigay dito. Iyon na siguro ang pinakatangang bagay na magagawa niya. Pinipilit niyang magtiis na hindi mapalapit dito pero sa presensya palang nito natitibag na ang pader na pilit niyang binubuo sa pagitan nilang dalawa. "Ako rin e, hindi rin ako natutuwa sa mga nangyayari. May usapan tayo pero hindi mo sinabing papahirapan mo lang ako."
AS A CELEBRATION sa naisaradong deal para sa kanyang kompanya, inimbitahan niya si Tadeo para sa isang dinner. Malaki ang naging ambag nito para makuha niya ang deal, nakahinga rin siya ng maluwag dahil mababawasan na ang mangungulit sa kanya. Hindi na niya kailangang tiising pakisamahan si Primitivo para lamang pirmahan nito ang dokumento. Hitting two birds in one stone. Ininom niya ang natitirang wine sa kanyang hawak na goblet. Inilapag ni Pulahan ang mga pagkaing pinaluto niya. Nasa garden siya habang hinihintay ang pagdating ni Tadeo. "Alam mo ba 'yong trivia tungkol sa mga lalaking magaling mangabayo?" Naagaw ang atensyon niya sa tanong nito. "No."Nakakaloko ang ngisi nitong tumingin sa kanya. "Sabi nila na kapag magaling magpatakbo ng kabayo magaling ring mangabayo ng babaye." Malakas itong tuwa. Napangiwi siya. "Ang lame ng trivia mo. It's not even true.""Totoo 'yon." Kumindat ito at tinapik ang braso niya.
TADEO is smiling from ear to ear while watching Andrei picking the fruits in the apple plantation. Niyaya niya itong mag-date at gusto niyang maranasan nito ang buhay niya para maintindihan nito lalo ang mga katulad niya. Gusto niyang unti-unti itong mamulat sa perspektibo ng mga magsasaka. Alam niyang kapag naintindihan nito ang mga magsasaka ito na mismo ang magbibigay ng mga kailangan nila para mas lalong mapalago ang ani ng hacienda. Una nilang pinuntahan ay ang apple plantation, kasama nila ang mga fruit picker ng hacienda. Halata sa mukha nito na hindi natutuwa sa ginagawa lalo at nadudumihan ang kamay nito. But he knows that when the time passes by she will love what she is doing right now. Tulad niya, may pasan itong malaking basket sa likod. May damit na nakapandong sa ulo. Naka-long camisa de chino at nakabota din. Natawa siya nang mapangiwi ito dahil nahulog ang pinitas na mansanas."My gosh, why I am doing this?" reklamo nito. "Kaya
MAHIGPIT ANG PAGKAKAHAWAK niya sa cellphone habang paulit ulit na tinatawagan si Pulahan. Ngayon niya lamang nabasa ang text nito dahil buong hapon siyang naglinis ng maliit na apartment na inuupahan nila. "Anong sabi?" bungad niya nang sagutin nito. Hating gabi na ngunit ngayon lamang siya nagkaroon ng oras na umupo. Pinunasan niya ang mukha at leeg habang ang cellphone ay nakasiksik sa pagitan ng leeg at balikat niya. Kinabahan siya nang hindi agad ito nakasagot. Sabi nito sa text ay walang balak na bilhin ni Tadeo ang hacienda. "Hindi siya pumayag, nasa bus ako ngayon pauwi diyan."Napatayo siya. "Bakit hindi siya pumayag?"Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. Maingay din ang background kaya halos hindi sila magkarinigan. "Sabi niya hindi na daw malakas ang ani sa hacienda dahil sa mga pesteng dumating.""Anong peste? Ni minsan hindi naging matumal ang ani simula n'ong hawakan niya ang hacienda, nalalaman naman na'tin
"INGAT HO kayo, Boss Andrei," bilin ng lalaking nagtawid sa kanya. Hindi siya nakasagot. Kanina pa ito nakikipag-usap sa kanya at palaging may paggalang iyon. Hindi na siya sanay na may taong tumatawag sa kanya ng gan'on. Isang simpleng mamamayan nalang siya ng Pilipinas at wala na siyang maipagmamalaki tulad noon. Tiningala niya ang mataas na welcome logo ng Isla De Kastilyo. Nalalanghap na niya ang preskong hangin na wala sa Maynila. Pamilyar pa rin ang pakiramdam na iyon sa kanya. Gumaan ang loob niya sa kabila ng mga iniisip. Perpekto talaga ang lugar para pagbakasyonan, kung isa siyang bakasyonista siguradong mag-eenjoy siya. Mas naaappreciate na niya ngayon ang simpleng buhay ng mga tao. Isinukbit niya sa kanyang braso ang dalawang bag, naglakad papasok sa isla. Halos lahat ng nakikita niya ay kulay berde, nagtataasang mga puno at patag na mga palayan. Walang katao tao sa entrada ng lugar. She take her time savoring the peace that welcome her. Kay tagal na n'ong huli niyang
BINATI SIYA ng guard nang makarating siya sa harap ng munisipyo. Sa ilang minuto niyang paglalakad halos lahat bumabati parang noon. Sa hiya hindi na lamang niya pinapansin. Hindi siya donya para yukuan kaya naiilang siya. Suot ang plain blue t'shirt at loose jeans nagtungo siya doon. Sinuot rin niya ang maputik na sapatos. Agad na tumayo ang lalaking nasa loob ng isang cubicle malapit sa pintuan ng office ni Mayor. "Magandang hapon ho, Boss Andrei."Ngumiti siya. "Pwede ba akong pumasok?" Itinuro niya ang pinto. Tumingin naman ito doon. "Wala naman hong ginagawa ngayon si Mayor," imporma nito. Kumatok ito at dumungaw doon. "Mayor, nandito ho si Boss Andrei."Wala siyang narinig na sagot. Nakangiting humarap ulit sa kanya ang hinuha niya ay sekretarya ni Tadeo. "Pasok na daw ho kayo.""Salamat." Pinagbuksan siya nito ng pinto. Sa kabila ng kaba nagawa niyang iangat ang mga paa upang pumasok. Kahit