Share

Special Chapter

Tadeo's Wedding Vow

HINDI siya mapakali habang hawak ang ballpen sa kaliwang kamay at nakatitig sa blangkong papel kung saan niya gustong isulat ang makahulugang wedding vow. Isang linggo na lamang ay kasal na nil ani Andrei, ang babaeng kanyang pinakamamahal at ang kanyang unang pag-ibig. Hindi niya akalain na totoo pala ang sabi nila na ang pag-ibig ay tila fairytale.

Sa isiping mag-iisang dibdib sila ng babaeng pinakamamahal ay nag-uumapaw na ang kanyang kaligayahan. Handa siyang gawin at isakripisyo ang lahat para kay Andrei. Alam niya wala na siyang ibang babaeng iibigin maliban sa dalawa.

Nakaupo siya sa kawayang upuan at kaharap niyon ay ang kanilang munting lamesa. Malalim na ang gabi at tulog na ang kanyang kapatid at mga magulang. Hindi pa man niya naisusulat ang mga pangakong handa siyang tuparin para sa kanyang kasintahan ay naiiyak na siya. Malalim ang buntong hininga ang pinakawalan niya upang maibsan ang nag-uumapaw na saya sa kanyang kalo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status