Share

Chapter 33

Hindi ko alam kung bakit biglaan na lang ang pagkulo ng dugo ko kanina. Tila ba sunod-sunod ang mga masasamang bagay na nangyari sa 'kin ngayon araw, idagdag mo pa dito 'yung nasaksihan ko ngayong kauuwi ko lang.

“Anong nangyari kanina, Mama?” walang gana kong tanong habang abala sa paglilinis ng mga sugat na natamo niya sa away nilang dalawa ni Tita Hyacinth.

Hinagkan ko ang namamayat niyang braso. Halos manlata ako nang tila ba maramdaman kong gumaan at namayat ang kamay niya. Bihira lang siyang kumain at aware naman ako doon, hindi ko lang lubos na maisip na ganito kalaki ang mawawala sa timbang niya gayong ilang buwan pa lang naman ang nakakaraan.

Wala pa man ay nangungulila na ako sa dati niyang itsura. 'Yung tila ba tinitingala siya ng lahat dahil sa angking buti ng kanyang kalooban, pati na rin ng kanyang kagandahang mukha. Hindi ko lang maisip na mauuwi sa ganito ang lahat.

“Hindi lang pagkakaintindihan,” nanghihina niyang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status