Share

Chapter 36

Bakit gano'n?

Kung sino pa ang kailangan natin sa buhay, sila pa ang namamatay. Kung sino pa ang kinamumuhian nating makasama, sila pa ang natitira. Minsan ka na nga lang makaramdam ng alaga sa isang tao, mawawala pa.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang naging kasalanan ko sa Diyos. May nagawa ba akong mali at ganitong klase ng pagpaparusa ang ginagawa at ipinaparamdam niya sa 'kin?

Naging mabuting anak naman ako sa kanya. Sinusunod ko lahat ng utos niya. Lahat ng nakalakip sa sampung inutos niya ay ginawa ko. Buong loob ko itong sinunod, pero bakit ganito?

May karapatan ba akong magalit sa kanya dahil kinuha niya si Mama nang hindi ko man lang nakakasama ng matagal? Ano ba kasing mali ko at bakit niya ako pinarusahan ng ganito?

Alam niyang si Mama lang ang takbuhan ko sa lahat ng bagay, pero bakit niya kinuha?

Naging masama ba akong anak sa kanya?

Bakit ako?

Dahan-dahang pumatak ang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ko an

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status