Share

Chapter 44

Nakangiti siyang naglahad ng kamay na hindi ko na ikinagulat pa. Gaya ko ay pinagmasdan din nang mariin ni Biguel ang kamay na inilahad sa 'kin bago bumaling ng tingin sa babaeng nasa gilid niya.

Maayos naman ang itsura niya. Hindi naman siya mukhang aligaga kagaya na lamang ng unang kita ko sa kanya.

Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya bago tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

“I'm Arestt Penelope Ramirez, but you can call me Penny,” pakilala niya na tinanguan ko.

“I'm Kimberly Jade Quesada—”

Natigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Biguel na nakatalikod sa gawi ko habang nakahawak sa ulo. Ramdam ko ang pagtaas ng mga kilay ko nang nagmamadali niyang binuksan ang nakasaradong pintuan at tumakbo palayo. Mukhang hindi lang naman ako ang nakakita sa tinuran niya dahil maging si Bryan ay nagtaka sa ikinilos niya.

“Anong meron do'n?” tanong ni Bryan ngunit ni isa sa 'min ay walang sumagot.

M

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status