Share

Chapter 42

Nakatingala kong pinagmasdan ang mga dahon na unti-unting bumabagsak sa lupa. Ngayon ang ika-walo ng Agosto, at ngayon din mismo ang kaarawan ko.

Maraming dumalo, at gaya nga ng inaasahan ay puro na naman matatanda at kasamahan sa trabaho nila Daddy ang bisita sa garden. Hindi na rin naman ako nag-abalang imbitahan ang mga kaibigan ko sa simpleng pagdiriwang na ito dahil ayokong makita nila ang kasamaan na dumadaloy sa dugo ko.

Oo, may plano ako para sa kanya at ayoko namang ipakita sa mga kaibigan ko ang plano kong iyon. Ayokong makita nila ang tunay kong ugali dahil natatakot akong mahusgahan ng mga taong nasa paligid ko. Natatakot akong maiwanan, natatakot akong masaktan nang walang makakapitan.

Simple lang ang selebrasyong hiningi ko kay Daddy na inaprubahan niya rin naman 'di kalaunan. Si Tita Hyacinth ay naging mapilit kahit na papaano. Wala rin naman siyang nagawa kapag ipinilit ko sa sarili kong ayoko sa mga plano niya.

“Ta-te?” ani ng

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status