Share

Chapter 14

"M-Mama..."

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis ko nang niyakap si mama. Hindi ko mapigilan na maiyak. Sobrang na-miss ko kasi siya. Ang tagal ko na rin kasi siyang hindi nakikita.

"M-Mama, sorry po..." Humihikbi na wika ko. Nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya. Panay lang naman ang hagod niya sa likod ko.

"S-Shhhh... bakit ka naman umiiyak? Ang tapang mo nga maglayas." Hindi ko alam kung sa part na 'yon, dapat ba akong maiyak pa dahil concern siya? O dapat ba akong mainis, dahil parang pinapamukha niya na kasalanan ko pa iyon. Ramdam ko kasi sa tono niya ang pagiging sarkastiko sa kanyang sinabi. Kung hindi lang siguro kami sa publiko na lugar kanina pa niya ako nakurot.

Humiwalay ako sa yakap niya. Nawala tuloy ang iyak ko. "Ma naman, eh." Hindi ko maiwasan na magreklamo. Ang ganda na noong moment, eh. Tapos biglang ganoon ang sasabihin niya.

"Oh, bakit totoo naman?" Tinaasan na nga ako ng kilay, nag sumbat pa. Akala mo naman hindi nagda-drama sa Facebook, malinaw pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status