Share

Kabanata 14 Hindi Lahat ay Pwede sa Fairlight

Malamig na tinignan siya ni Joseph at sumagot, “Hindi.”

“Okay…”

Hindi na ito inisip pang muli ni Chloe, iniisip na marahil nakakarinig lang siya ng mga bagay-bagay.

“Lahat ba ng damit mo ay ganito ka-revealing?” Biglang tanong ni Joseph na may malamig na boses.

Nagulat, napatingin siya sa ibaba sa kanyang nightgown na umabot sa kanyang ibabang binti. “Revealing? Anong ibig mong sabihing revealing?”

“Yung kwelyo mo,” sagot niya.

Hindi makapagsalita si Chloe. “Kaunti lang naman ng collarbone ko ang nakalabas…”

Hindi malayo ang agwat ng edad ni Joseph kay Jake. Ipinagpalagay niyang mas matanda ito nang hindi lalagpas ng walong taon sa kanya kaya bakit masyado siyang konserbatibo?

“Walang makikita ang iba pero paano kung humiga ka?” Nakatingin si Joseph sa kanya at ang kanyang boses ay masarap sa pakinggan.

Natigilan si Chloe nang kanyang marinig ang kanyang sinabi at agad na napagtanto kung ano ang pasarang tunog kanina. Nag-init ang kanyang mga pisngi pero pinilit niyang kumalma at sinalubong ang kanyang tingin. “Hihiga lang naman ako kung nasa kwarto ko ako. Maliban kung…may iba kang iniisip na hindi maganda at pasikreto mo akong panuorin.”

Tumawa si Joseph at sinabi nang may kalmadong boses, “Pasensya ka na, pero mas gusto ko ang mga D cups.”

Sa ibang salita, hindi niya tipo si Chloe.

Namula ang mga tenga ni Chloe nang mapagtanto niya na walang-hiya ang lalaki na iyon sa ibang paraan, ininsulto siya dahil sa kawalan ng dibdib. Nakakibot ang kanyang mga labi habang tinitignan niya si Joseph na tamad na naka-upo sa kanyang upuan.

Ang makisig niyang postura ay para bang pinaka-perketong gawa ng Diyos, pero ngayon na nasira na ang ilusyon na iyon. Alam niyang siya ay mapanuya, pero kahit kailanman hindi niya inaasahang ito ay ganito ka-walanghiya.

Sa sobrang galit, padabog siyang bumalik sa kanyang kwarto.

Kina-umagahan, Nakatanggap si Chloe ng tawag galing sa human resources department ng Fairlight habang siya ay natutulog.

“Hi, Ms. Chloe, maaari ka bang ma-interview ngayong hapon? Kung oo, magdadala ako ng imbitasyon sa inyong email.”

Agad siyang nagising at sumagot, “Oo, pwede ako ngayon. Pupunta ako ayon sa oras. Inaasahan kong makilala kayo mamayang hapon.”

Pagkatapos ibaba ang tawag, nag-message si Chloe kay Emily para sabihin ang magandang balita, at agad na sumagot si Emily.

[Emily: Mahusay talaga ang Fairlight! Kailangan mong maghanda para sa interview. Madalas ang malalaking kumpanya ay mayroong ilang rounds ng screening.]

[Chloe: Sige! Maghahanda na ako ngayon!]

Agad na nag-ayos ng sarili si Chloe. Nagdala siya nang maliit na notebook para isulat ang ilang tanong na maaaring lumabas sa interview. Habang nasa bus, paminsan-minsan niyang nilalabas ito para suriin kung ano ang mga sinulat niya.

‘Di kalaunan, nakarating na siya ng Fairlight at sumunod sa receptionist papuntang interview waiting area. Ang unang taong nakita niya na pumasok ay taong kilalang-kilala niya—Melody Grace. Best friend siya ni Ava.

Nagulat si Melody at kitang-kita na hindi niya inaasahang makita si Chloe dito.

Nang umalis ang receptionist, lumapit siya kay Chloe na naka high heels at sinabi na may mapagmataas na tono, “Oh, bakit ka nandito Ms. Chloe? Nandito ka ba para kumuha ng trabaho, payo ko sayo ay mahiya ka naman at umalis na. Ang Fairlight ay hindi lugar para sa kung kani-kanino lang.”

“Tama ka. Hindi para kanino lang ang Fairlight lalo na sa iba diyang hindi man lang nakuha ang university diploma nila.” Ngisi ni Chloe.

“Sinong sinusubukan mong asarin?” Angal ni Melody.

“Sinasabi ko lang sa ‘iba diyang’ kumakausap sa akin,” malamig na sagot ni Chloe.

Sobrang galit ni Melody na halos hindi na makapagsalita. “Ano naman kung hindi ako naka-graduate sa university? Mayroon pa rin naman akong pamilyang sinusuportahan ako at kayang makahanap ng disenteng trabaho. ‘Di tulad mo na siguro hindi man lang makabili ng pagkain ngayon.”

Nagdilim ang ekspresyon ni Chloe nang banggitin ang kanyang pamilya. Hindi na siya nag-abala pang sumagot kay Melody at tumahimik na lang habang binabasa ang kaniyang notes.

Palihim na kinunan ng litrato ni Melody si Chloe at pinadala ito kay Ava.

[Melody: Yung kapatid mo, nandito ngayon para sa isang interview dito sa Fairlight. Saktong isa sa mga interviewers ang tiyuhin ko. Paalisin ko ba siya?]

Pagkatapos ay itinago niya ang kanyang phone at tumingin sa interview number ni Chloe sa kanyang braso.

Agad siyang nagpadala ng message sa kanyang tiyuhin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status