Share

Kabanata 45 May Mali Ba Sa Sexy Ko na Damit?

Nakaramdam si Nathan na may mali kay Joseph.

Nang makita si Chloe sa ibaba, lumiit ang dilat ng mga mata ni Nathan. Agad niyang naintindihan kung bakit gusto na kaagad umalis ni Joseph kahit kararating palang nila. Isang ngiti ang masisilayan sa labi ni Nathan.

‘Kaya naman pala gusto agad niyang umuwi. Tila ba’y may inlove ngayon.’

Hindi naman malayo ang mart mula dito, at pinlano ni Chloe na siya ang magbubuhat ng mga bag pauwi. Matamis ang ngiti ni Chloe nang siya ay nagtanong, “Anong ginagawa mo rito?”

"Tumatambay lang kasama ang kaibigan ko," ani Joseph, na maingat na kinuha ang mga bag mula sa kanyang kamay.

"Ah ganun ba." Sinundan ni Chloe si Joseph patungo sa parking lot. "Nagbigay yung cooking class ng mga sangkap para sa cake ngayon. Gagawin ko para sa'yo pagbalik natin."

"Okay." Habang naglalakad sila na magkasama sa ilalim ng palubog na araw, nag-overlap ang kanilang mga katawan at bumubuo ng magkahalong anino sa lupa. Mukhang silang magkasintahan na nagmamahalan.

Mak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status