Agad namang naakit si Ava sa sapphire dress na suot ni Chloe sa unang tingin.Nag-aalala siya kung ano ang isusuot para sa kanyang engagement party, at ang damit na ito ay perpekto para sa isang mahalagang okasyon.Nilingon ni Ava ang tindera nang hindi man lang tumitingin kay Chloe at sinabing, "Gusto kong subukan ang damit na suot niya."Nakangiting sinalubong siya ng tindera at sinabing, "Sige po, kukunin ko ito para sa iyo."Ang damit na ito ay limited, dalawang piraso lamang ito at maaaring pareho silang ibenta ngayon. Ang salesperson ay magkakaroon ng malaking komisyon mula sa pagbebenta nito.Pagkaalis na pagkaalis ng tindero, tiningnan ni Ava si Chloe at masamang sinabi, "Ang damit na ito ay nagkakahalaga ng 70,000 dollars. Dapat mong hubarin ito bago mo sirain. Hindi mo kayang bayaran ito kung masira ito."Bagama't noong una ay nabigla siya sa presyo, may sapat na pera si Chloe para makabili ng damit."Kung talagang gusto mong bilhin ang brand na ito, bakit hindi mo tin
"Hah!" Hindi napigilan ni Chloe na matawa.Binigyan niya ng mapanlait na tingin si Ava mula ulo hanggang paa, hinahangaan kung paano naging pula ang mukha ni Ava. Nang may kumpiyansang hakbang, lumapit siya sa salamin, umikot-ikot, at tinanong ang tindera, "Bagay ba sa akin ang damit na ito?"Napakahusay ng tindera sa pambobola, lalo na kapag nasa presensya ng napakagandang indibidwal. Pinaulanan niya si Chloe ng napakaraming papuri nang walang pag-aalinlangan."Okay, i-swipe mo na yung card," sabi ni Chloe."Gusto mo ba ng isa o dalawa?" tanong ng tindera."Yung isa lang ang gusto kong isuot sa akin," sagot ni Chloe, "Hindi ko gusto ‘yung isa."Mabilis na lumingon ang tindera para tanungin si Ava, "Isa lang ang gustong bilhin ng babaeng ito. Gusto mo pa ba ang damit?"Napakagat labi si Ava. Bakit niya kukunin ang mga bagay na ayaw ni Chloe?Sinamaan niya ng tingin ang tindera at bumalik sa fitting room para magpalit. Pagkatapos nito, umalis siya sa tindahan nang hindi na nagsa
May mga sili, karne, kamatis, at kidney beans sa ulam ni Chloe. Hindi ito mukhang masarap.Nakaupo lang si Chloe at diretso ang tingin sa kanya."Ito ay chili con carne," sabi niya.Ito ay isang authentic dish, at ipinapalagay niya na hindi pa siya nakakain nito noon.Si Joseph ay nanatiling dismayado at hindi kumagat kahit isang kagat sa buong pagkain.Si Chloe naman ay sarap na sarap sa pagkain at kumuha pa ng ilang litrato para i-share sa kanyang social media, ipinamalas ang kanyang mga bagong damit at ang hapunan nila.Si Harold ang unang nag-like at nagkomento sa kanyang post.[Coco, nakikipag-date ka ba sa bastos na iyon?][Oo, Lolo. Lumabas kami at nag-date, sobrang saya ko.]Pagkatapos niyang sumagot kay Harold, ipinakita niya kay Joseph ang kanyang telepono."Kita mo? Tinutulungan kitang makumpleto ang misyon mo," sabi niya."Okay," matipid niyang sagot bago tumayo para bayaran ang bill.Pagkatapos noon ay umuwi na sila at pinasyal si Toto. Nang makarating sila sa
Pagkatapos ng klase, nakita ni Chloe na nandoon pa rin si Icarus at nagtanong, "May hinihintay ka ?""Hinihintay ko ang mga kamag-anak ko, may pupuntahan kaming forum mamayang hapon," sagot niya."Okay, sige paalam," sabi niya.Si Icarus ay nakasuot ng puting kaswal na suit, at ang kanyang gintong-rimmed na salamin ay sumasalamin sa banayad na liwanag nang siya ay nagsalita, "Chloe.""Oh?" Napalingon si Chloe."Anong klaseng bulaklak ang gusto mo?" sincere niyang tanong."Hindi ako mahilig sa bulaklak," sagot niya.Nawala ang ngiti niya at natahimik siya sandali."Naiitindihan ko," sabi niya.Hindi maintindihan ni Chloe kung bakit bigla niyang naitanong ang tanong na ito, ngunit hindi na rin niya gusto malaman ang dahilan.Gayunpaman, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabangga niya si Jake.Hawak ang isang bagong set ng susi ng kotse sa kanyang kamay, tumingin siya sa paligid. "Dito ba nakatira ang matandang manliligaw mo?"Ito ang upscale villa area ng Aesper."Ayusin mo
Lumitaw sa isip ni Icarus ang imahe ni Chloe at napangiti siya, "Isang taong masungit pero matalino."Bihira lang si Icarus mag-rate ng babae nang ganoon kataas, at dahil sa curiosity ay nagtanong si Jake, "Galing ba siya sa Aesper?""Siguro."Lalong naguluhan si Jake. Mahigit dalawampung taon na siyang naninirahan sa Aesper, ngunit wala siyang impresyon sa isang babae tulad ng binanggit ni Icarus."I-uuwi ko siya para makilala ang pamilya pagdating ng tamang panahon," paniniguro ni Icarus sa kanya."Okay. Magiging mabait ako sa kaniya," sagot ni Jake.*Ang matayog na skyscraper ng Fairlight ay nakatayong mataas sa sentro ng lungsod, ang pangalan nito ay nakaabang sa mga ulap sa itaas.Kinahapunan, nagkaroon ng financial forum sa sentro ng lungsod.Bilang isang espesyal na panauhin, ginawa ni Joseph ang final appearance, nakatayo sa mataas na plataporma na ang lahat ng mga ilaw ay nagniningning sa kanya, na nakakuha ng atensyon ng lahat. Saglit siyang nagsalita at saka pumunt
Napansin ni Joseph ang reaksyon niya at napangiti.Inunat nito ang braso at kinurot ang pisngi nito."Hoy! Hoy! Hoy!" Biglang dumilat ang mata ni Chloe at inalis ang kamay nito.Akala niya talaga hahalikan siya nito.Isang banayad na ngiti ang naglaro sa mga labi ni Joseph habang siya ay naka-upo sa sofa, ang kanyang mga daliri ay nakasabit sa kanyang dibdib habang siya ay nakatitig sa kanya nang mapaglaro.“‘Hoy’ ano?” pang-aasar niya.'Putcha naman!' Nagmura si Chloe sa kaloob-looban nang mapagtantong tinutukso na naman siya ni Joseph.Huminga nang malalim si Chloe, sinusubukang pakalmahin ang tumitibok na puso."Wala," sabi ni Chloe at nagpapanggap na parang wala lang.Pinanood siya ni Joseph na umalis na may dismayadong ekspresyon. Hindi niya alam kung bakit pero nakita niyang medyo cute siya.Samantala, bumalik si Chloe sa kanyang kwarto, bumagsak sa kama sa pagkabigo. Kailan kaya niya magagawang manalo kay Joseph? Sinadya niya ba talaga noong sinabi niyang impotent siya
Nakita ni Chloe ang ginawa niya at napakuyom ang mga kamao sa kaba.Natatakot siya kung magkakaroon man siya ng reaksyon o hindi. Lalo na at ito ang unang beses niyang gawin ang ganitong bagay. Natatakot siya. Namula ang kaniyang mga pisngi, para bang kaya niyang magpakulo ng isang kalderong tubig dahil sa init na nararamdaman niya.Nang malunod na siya sa kaniyang kaba, binato ni Joseph ang woolen shirt nito sa ulo niya!Nagulat si Chloe at dumilim ang paligid niya.“Kapag ginawa mo ulit ‘yan, may kapalit na.”Umalingawngaw ang boses nito sa mga tainga niya, wala itong anumang init o emosyon. Katunog talaga ito ng sasabihin ni Joseph—kasing tigas ng bato at kasing lamig ng yelo.Nahiya si Chloe, pero matapos ang ilang segundo, naglaho ang init sa katawan niya, naiwan siyang nanginginig na para bang dumaan siya sa apoy at yelo.Inalis niya ang woolen shirt sa ulo niya at mabilis na nagsuot ng damit bago tumakbo papunta sa kwarto. Tinawag niya si Emily at nilabas ang inis niya sa
“Hindi ako makapaniwala. Model couple kayong dalawa.”“Totoo ka ba? Nagbibiro ka, tama?”“Napaka gwapo at devoted ni Jake. Bakit kayo naghiwalay?”Hindi makapaniwala ang grupo. Sa sandaling yun, sumingit naman ang sarkastikong sagot ni Emily. “Oo, nagloko lang naman ang devoted niyong Jake, at ang kabit niya ay ang half-sister ni Chloe.”Nagpalitan ng tingin ang grupo at hindi makapaniwala, hanggang sa ang ex-class monitor na si Peter ay binago ang usapan, inudyok niya ang lahat na ituon ang atensyon sa pagkain. Natigil na rin ang usapan, pero may mga ilang coursemates nila ang lumapit para pagaanin ang loob ni Chloe.Pagkatapos makainom ng tubig, tumayo si Chloe para magpunta sa banyo. Napansin yun ni Peter at sinundan siya. Nang lumabas siya sa banyo, nakita niya si Peter na naghihintay sa hallway. Tinanong niya ‘to, “Magba-banyo ka rin ba, Peter?”“Hindi, hinihintay kita.”“Hinihintay mo ako?”Nakainom na rin si Peter, at mabagal na ang pagsasalita niya habang sinasabi, “Chl