Share

CHAPTER 4

"Excuse me? Ako mang-aagaw? Sa pagkakaalala ko hindi naman naging kayo nang ASAWA ko? Saka masyado kang feeling, kahit isang dangkal lang di ka makalapit sakanya kaya pano naging kayo? Pano ako naging mang-aagaw huh?" Taas kilay kong tanong sakanya.

"Basta! Hindi kayo bagay! Maghihiwalay din kayo kaya pakasaya ka lang muna--"

"Uhm, sa pagkakaala ko noon mo pa yan sinasabi sakin pero di naman nangyayari? Biggest wish mo ba yan kada pasko o di kaya sa birthday mo? How sad kase kahit kailan hindi mangyayari yang hiling mo, yang kahilingan ninyo lahat. Mabuti pang maghanap ka ng sarili mong kaligayahan para hindi ka na maging bitter at manira ng iba!"

Dahil sa inis ay agad kong in-end yong video call. Alam kong inis na inis sya sakin ngayon, hindi siguro maipinta ang pagmumukha nong Dana na yon. 

Napapikit ako ng mariin at tinapik-tapik ang dibdib ko. "Kalma ka lang dyan, sabi nga nila let the haters hate. Ignore them period!"

Nag walis-walis muna ako dito saglit pagkatapos ay kinuha ang yong labahin ko sa loob ng kwarto namin ni hubby. Malaki naman ang banyo dito sa loob ng kwarto pero mas gusto ko talagang maglaba sa labas, malapit don sa pool.

Bitbit ko na itong nga damit namin at dahil medyo lampa ako ay bigla akong natapilok at natumba. "A-Aray..." Mahinang d***g ko.

Dahan-dahan akong tumayo at kinuha itong nakasabit sa ulo. "Oh my god! Ba't ka napadpad dyan sa ulo ko huh? Ang likot-likot mo talaga para kang si Elthon!" Pagkausap ko don sa brief ni hubby.

Pagkarating ko sa labas ay kinapa-kapa ko yong cellphone ko sa bulsa dahil bigla itong tumunog. Kagad kong sinagot yon ng makitang si Elthon ang tumatawag.

"Hello--"

[Video tayo!] Tanging sabi nya at binabaan ako ng linya.

Nag online ako at ilang segundo lang ay nakipag video call ito sakin.

[Wife! I miss you!] Bungad nya sakin at sumimangot.

"Miss na rin kita!" Sabi ko at ginaya sya.

[Anong ginagawa mo ngayon wife?]

"Maglalaba sana kaso ito ka, biglang nakikipag video call sakin." Umupo muna ako sa damohan.

[Bakit? Hindi ba pwede yon! May iba ka sigurong ka video call no!] Sinamaan nya ako ng tingin pero ang labi ay nakasimangot pa rin.

"Sus, ito talaga seloso. Sino namang baliw ang maghahanap pa ng iba kong ang isang kagaya mo ang naging asawa huh?"

"Ang swerte ko na nga sayo tapos maghahanap pa ako ng iba." Dagdag ko.

Bigla itong natahimik at yumuko lang pero kitang-kita ko parin ang ngiti nito na abot hanggang tenga.

Sa aming dalawa talaga sya yong madalas kinikilig, naguguluhan ako minsan kong sino ang babae saming dalawa. Simpleng salita lang ay madali syang kiligin at kapag nagtatampo ay yakapin ko lang o di kaya halikan ay okay na kami.

"Kilig yarn?" Pang-aasar ko.

[Habang tumatagal talaga ay mas lalo pa akong nahuhulog sayo wife.] Napatikom ako ng bibig, sinusubukang hindi ipahalata na ako naman ngayon ang kinikilig.

"Ako din naman eh," napatakip ako sa mukha ko dahil sa iya at pagtingin ko sakanya ay ganon din sya.

Para talaga kaming mga tanga minsan, hanggang ngayon ay di parin nawawala ang kilig sa pagitan naming dalawa, para parin kaming mga highschool. 

Natigil kaming dalawa nang marinig ang isang pamilyar na boses.

[Sino yang kausap mo?! Oras ito ng trabaho Elthon sana ay di mo nakakalimutan 'yon!]

Sinasabi ko na nga ba, ba't kase nakalimutan ko na ilang beses na kaming nahuli ni Tita na nag-uusap habang si Elthon ay nasa trabaho. Paniguradong magiging kasalanan ko na naman ito, ako ulit ang sisisihin nya.

[Mom, ginagawa mo naman akong bata. Dapat talaga araw-araw nandito ka para bantayan ang bawat galaw ko!]

[Malamang! Dahil alam kong di mo nagagawa ng tama yong mga trabaho mo dito sa kompanya kung hahayaan lang kita dito mag-isa!]

God, feeling ko tuloy kasalanan ko kung bakit sila nag aaway ngayon.

[Mom, I'm not alone. May mga empleyado ako dito, secretary at marami pang iba. Besides kong malulugi man ang kompanya ay responsibilidad ko na 'yon. Saka hanggang ngayon ba wala ka paring tiwala sakin? I already prove myself that I can do it on my own, that I don't need you by my side anymore.]

[Ang gusto mo bang iparating sakin na porket malaki ka na ay hindi mo na aki kailangan? Na wala na akong silbi sayo Elthon? Kakalimutan muna ba ang sakripisyo namin ng Daddy mo?]

Ang Daddy nito ay ayaw din sakin para kay Elthon nong una pero habang tumatagal ay di na sya umangal saming dalawa. Ibang-iba parin si Tita Ella, kahit ilang taon na ang lumipas ay parin nawawala ang galit at inis nya sakin.

Sa pagkakaalala ko ay wala akong nagawang masama sakanya, ang tanging rason na alam kong ikinakagalit at ikinaiinis nya sakin ay ayaw nya ako para kay sa anak nya.

[No, of course! Ang gusto ko lang sabihin ay pagkatiwaalan mo ako at hayaan na gawin ang gusto ko Mom. Have you forgotten that I am not a teenager anymore, for heaven’ sake I’m already 28 years old and turning 29 this year!]

Napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit ito dahil sa lakas ng boses nila. Minsan ko lang marinig na nagtataas ng boses si Elthon at mas madalas ay naririnig ko lang syang ganyan kapag kausap ang mommy nya o di kaya ang ibang tao. 

[Hello, wife? Mag usap nalang tayo mamaya pag-uwi ko.] Malambing na saad nito sakin.

"S-Sige,"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status