Share

Kabanata 06 - Denial

“ What did you do?!” 

I rolled my eyes at Stefan when I saw how amused his face are habang ikinukwento ko dito kung ano ang ginawa kong kahihiyan sa club. It’s been a week since that happen at hanggang ngayon ay hindi ko padin makalimutan ang kagagahang ginawa ko kay Matthew.

Pilit kong sinasabi sa sarili ko na it was just the alcohol in my system but there is a part of me that believes that it is a mixture of alcohol and temptation. 

“ I kiss him, okay?! Gosh! I kiss him and left him dumbfounded!” 

At isang linggo na ang nakalipas ay sobrang frustrated ko padin dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos ng bagay na iyon. 

Halos ilang araw din akong nakatitig lang sa aking cellphone contemplating if I will apologize through text or just call him para mag-explain pero I always ended up scared of the thought of him being disgust about me. 

“ You naughty girl!” 

Stefan chuckled while messing with my hair, it seems like he is proud that I did what I did. 

“ Shut up! It was embarrassing!” 

I never felt embarrassed about doing things like that but when it comes to Matthew everything seems different, I feel like everything needs to be perfectly aligned pero kabaliktaran naman ang nangyayari dahil lagi akong napapahiya sa kanya. 

I haven’t apologize doon sa nangyari sa orphanage pero heto ako at nakagawa nanaman ng kasalanan. Why did I kiss him again in the first place?

“ Tapos na’ko sa plates ko!” 

Malakas kong ibinato ang isang unan kay Stefan dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya.

 Akala niya ata ay wala ang daddy ngayon kaya todo ang sigaw niya pero oras na malaman niya na nandiyan lang si daddy sa study area ay sigurado akong sobra sobrang kaba nanaman ang mararamdaman niya.

 My dad is never a fan of Stefan dahil siguro lagi ko itong kasama sa kalokohan but he just learns to respect our friendship pero minsan nakikita padin talaga ang pagkadisgusto niya dito. 

“ Ako kagabi pa!” pagmamayabang ko sa kaniya habang ipinapakita ang gawa kong plates para sa isang subject. 

Kahit sobrang gulo ng lifestyle namin ni Stefan ay sinisiguro naman namin na nag-iinvest kami sa mga pangarap namin and that is to become a renowned architect. We want to be someone in this field. 

“ Iba ka talaga master Radia!” pagbibiro ni Stefan bago niya usisain ang ginawa kong plates kagabi habang marahan ko namang hinablot ang plates niya at suriin din ito.

 Napakurap nalang ako dahil kung papakinggan si Stefan ay aakalain mong sobrang humble nito pero kung tutuusin ay mas maganda pa ata ang ginawa nitong plates sa akin. His works looks clean and well-presented pati ang mga kulay na siyang nagpapatingkad sa ginawa niyang modern contemporary house, no wonder he is one of the dean’s lister in our batch. 

“ Umuwi ka na nga lang!” pagtataboy ko sa kanya dahil kanina pa siya nanggugulo dito. Nagulat na nga lang ako kanina dahil nandito na siya sa kwarto pagkagising ko at nag-uumpisa ng gumawa ng plate niya. 

“ Later love,” biro nito pero inambahan ko lang siya ng suntok kaya natatawa siyang naglakad palabas ng pintuan ng kwarto ko. Babalik na sana ako sa kama ng makita ko siyang nakangising sumilip sa pintuan at umaktong animo’y hinahalikan ako. 

Agad kong hinablot ang katabing t-square upang batuhin siya pero mabilis niyang isinara ang pinto at tumatawang umalis. 

“ Ay gago!” 

Napasabunot nalang ako sa sarili dahil nakita ko ang tapos ko ng plates na nabahiran ng tinta sa gilid dahil sa paghablot ko ng t-square mula dito. Sinubukan kong alisin ito pero mas lalo lamang itong kumalat. Kasalanan ito ni Stefan! Inis kong kinuha ang aking telepono at i-dinial ang kanyang numero. 

“ Putangina mo!” malutong kong mura pagkasagot niya ng tawag bago ko siya binabaan nito hindi na inantay ang sasabihin niya. 

Suot ang aking pajama ay mabilis kong kinuha ang lahat ng kailangan kong corrector bago ako lumabas sa kwarto at dumiretso sa living room. Doon ko nalang i-rerepair ang plate dahil sobrang gulo nadin dito sa loob ng kwarto ko.

Inilatag ko ang mga gamit sa coffee table at nagsimula ng i-repair ang nasirang bahagi ng drawing ng biglang tumunog ang telepono sa living room.

 Sinulyapan ko ang paligid at hinanap ang mga kasama namin sa bahay pero siguro ay abala sila lahat sa mga gawain kaya ako na ang sumagot sa telepono. 

“ Dad?!” sigaw ko matapos malaman na hinahanap ng nasa kabilang linya si daddy. 

“ Daddy, may naghahanap po sayo!!” 

Sinilip ko ang study room kung saan lagi siyang naglalagi pero kahit na anino niya’y hindi ko nakita doon hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa labas ng bahay at doon ay parang huminto ang mundo ko ng matanaw ko siyang nakikipag-inuman pero ganoon nalang ang gimbal ko ng makita kung sino ang kaharap niya at kasamang tumatawa. 

“ Matthew?!” 

Literal na nanlaki ang paningin ko at nagtago sa isang poste ng mamukhaan ko si Matthew sa bandang hardin namin. Napahawak pa ako sa bandang d****b ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

“ What is it Radia?!” 

Napapikit nalang ako dahil nakita ako ni daddy na nagtatago kaya wala akong choice kung hindi ang humarap dito at harapin ang seryosong titig ni Matthew.

 Napangiwi ako dahil sa sobrang seryoso ng titig niya na para bang tulad ko ay hindi din niya malimutan ang ginawa kong atraso. 

“ Phone po.” 

Pinanood ko si daddy na magpaalam kay Matthew bago ito naglakad papasok sa bahay at iwan kaming dalawa ni Matthew doon.

Hindi ko alam kung ihahakbang ko ba ang paa ko papunta sa kanya o ihahakbang ko ang paa ko palayo sa lugar na iyon dahil hindi ko matake and sobrang seryoso ng titig niya. 

“ Come here.” 

Pilit ang ngiti kong lumapit dito habang kunwari’y tumitingin sa paligid para lang iwasan ang titig niya. 

“ Hi! Andito ka pala?!” kunwari’y masaya kong tanong bago pasadahan ang nasa kanilang lamesa. Maliwanag palang ngunit umiinom na sila ni daddy. 

Narinig kong tumikhim siya ng mapansin niyang nakatingin ako sa mga alak na nasa lamesa nila at pinilit na hinuhili ang titig ko kaya sa huli ay wala akong nagawa ng tumayo siya at humakbang palapit sa akin. 

“ B-Bakit?” utal kong sabi dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko at ang pangangatog ng mga tuhod ko dahil sa distansya naming dalawa. 

“ Were you avoiding me?” mahina niyang bulong sa aking tainga bago sakupin ang mga buhok kong tumatabing sa mukha. 

“ H-Huh?” lutang kong sabi dahil tanging tibok ng puso ko nalang ang naririnig ko noong oras na iyon. Sobrang lapit ni Matthew na para bang naliliyo ako dahil sa presensya niya. 

“ Don’t avoid me please,” mahina niyang sambit na siyang mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status