Share

Ika pitumpu’t isang kabanata

Alas dos ng hapon ay kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa sala’s kausap ang aking mga tauhan.

“Sir, na detect po namin kahapon mga bandang five thirty ng hapon ay nakalabas na ng bansa si Ma’am Vernice kasama ang kanyang ama na si Mr. Aiguo at ang mga anak ninyo.” Lalong nagdilim ang mukha ko dahil sa report na natanggap ko mula sa aking tauhan. Kung ganun ay talagang iniwan na ako ni Vernice at mas pinili nito ang bumalik ng China.

“Sir may tao po na naghahanap sa inyo, nais daw po kayong makausap, Atty, Salazar daw po.” Magalang sabi ng katulong na nakatayo sa bungad ng pintuan. Nagtataka na lumingon ako sa direksyon nito maging si Olga na nakaupo sa aking tabi at napalingon din dito.

Simula kahapon ay hindi na umalis si Olga sa aking tabi upang damayan ako sa problemang kinakaharap ko.

Ilang sandali pa ay pumasok ang isang may edad na lalaki na may bitbit na isang itim na attache case. Tahimik na lumapit ito sa akin hanggang sa huminto sa mismong harapan ko.

“Good afternoon, Mr.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status