KABANATA 3
“LETSE talaga si Miss Cantar! Kung hindi lang ‘yan teacher, sinabunutan ko na ‘yan, e!” himutok ng kaklase at kaibigan kong si Chariol. “Mabuti nga’t pumapasok pa tayo sa klase niya kahit wala naman tayong natututunan! Ang boring niyang magturo!”
“Huwag mo na ngang pinoproblema ang hukluban na Cantar na ‘yon. Dapat tayo ang pinoproblema niya,” sambit ko at unti-unting ibinuga ang usok sa aking bibig. Napangiti ako nang makita ang bilog na hugis ng usok. “Tatlong beses ba naman tayong nag-first year. Ewan ko lang kung hindi pa naging miserable ang buhay niya dahil sa ‘tin,” nakangising wika ko.
“Sabagay,” aniya na parang nahimasmasan bigla sa sinabi ko. “Teka, ano ‘yan?” Inginuso niya ang mga sariwang sugat sa braso ko. “Nagpaka-emo ka na naman?”
Inirapan ko siya at itinago sa mapanuring tingin niya ang braso ko. “Wala ‘to.”
Isang hilaw na ngisi ang gumuhit sa kan’yang labi. Ilang saglit pa ay itinikom niya ang bibig at hindi na nagtanong pa.
Dumiretso kami rito ni Chariol sa tambayan namin sa likod ng lumang library nang palabasin kami ng hukluban naming adviser nang mahuli kaming nangongopya roon sa matalino naming kaklase.
“Ano’ng plano mo? Papupuntahin mo ba ang mga magulang mo? Baka ibagsak ulit tayo ng Cantar na ‘yon. Pota! Babalik na naman tayo sa 1st year niyan.” Napailing siya at binuga ang usok sa bibig. “Sukang-suka na ako sa pagmumukha ng hukluban na ‘yon.”
Bahagya akong natawa. “E, ‘di ibagsak niya kung gusto niya,” nakangising tugon ko. “Pero papuntahin ang magulang? Hinding-hindi ko gagawin ‘yon.”
Tutal, wala rin namang pakialam sa akin ang mga iyon. Mas mabuting wala na lang silang alam.
“Ba’t hindi mo na lang ulit arkilahin ‘yong tiyahin ni Roan para magpanggap na nanay mo? Laki-lakihan mo na lang ang bayad para naman galingan niyang umarte,” suhestiyon niya at muling humithit sa hawak na sigarilyo.
Isang malawak na ngisi ang kumurba sa mga labi ko. Tama siya at ginawa ko na iyon noon nang minsan kaming nag-cutting class ni Chariol. Wala akong makasamang magulang noon kaya naisip kong bayaran na lang ang tiyahin ni Roan para magpanggap na nanay ko.
Tumango-tango ako at itinapon ang sigarilyong hawak ko. Inapakan ko iyon hanggang sa mamatay. “Ano pa nga ba? Dadagdagan ko ng bente ‘yong ibabayad ko para naman maging arteng pang-one hundred fifty ‘yong gawin niya.”
Humagalpak nang tawa si Chariol, saka may inginuso. “Oy, syota mo.”
Napatingin ako roon at sumalubong sa akin ang mukha ng pinakaguwapong lalaking nakilala ko. Isang ngiti ang pinakawalan niya habang nakatitig sa akin. May kung anong kumiliti sa tiyan ko sa matamis na ngiting iyon.
“Randolf—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong isinandal sa pader. Mabilis niyang sinakop ang labi ko at ginawaran ng isang agresibong halik na puno ng pananabik. Ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok niya kasabay nang pagpikit ng aking mata. Kahit na hindi ko masabayan ang mapusok niyang halik.
Bahagya ko siyang naitulak nang halos kapusin ako ng hininga. Isang mapaglarong ngiti naman ang gumuhit sa kan’yang mga labi.
“Wow! Lakas, ha?” nakangising komento ni Chariol na pinanonood pala kami.
“Mahal, mauna na 'ko. May laban pa kami. Gusto lang talaga kitang makita,” biglang sabi ni Randolf at humilig sa leeg ko. Iyon naman ang pinuntirya ng halik. Malikot ang mga kamay niya at kung saan-saang parte ng katawan ko napunta.
“Laban?”
Naramdaman kong tumango siya. “Laban sa Mobile Legends.”
Napabuntonghininga ako bago iniangat ang ulo niya. Sobrang lapit na ang mukha namin kaya kitang-kita ko ang namumungay niyang mata na para bang nagpapaawa pa sa akin. “Ano ba ang mayro’n sa Mobile Legends na ‘yan at adik na adik kayong mga lalaki?”
Umayos ng pagkakatayo si Randolf at bigla akong kinabig palapit sa kanya. “Masayang maglaro ng ML.” Imbis na sa baywang, naramdaman ko ang mga kamay niya na nasa pang-upo ko at marahang pinisil ito. “Pero mas masaya ako kapag kasama kita.”
Unti-unting kumurba ang ngiti sa aking mga labi. “Sige na. Binobola mo na naman ako.”
Kung hindi lang kita mahal.
Mas lalo siyang napangiti. “Mahal, ‘yong usapan natin mamaya, ha?” paalala niya at muli akong kinintilan ng mabilis na halik sa mga labi.
Tumango ako. “Sige. Susubukan ko.”
“Hihintayin kita,” sabi niya. Kinindatan pa niya ako bago umalis. Iyan tuloy, mas lalong nag-alboroto sa sobrang kilig ang puso ko.
“Muntikan na ‘kong langgamin sa sobrang tamis ninyo. Kaumay!” komento ni Chariol at inihagis sa akin ang isang maliit na bote ng C2.
“Kung ako sa ‘yo, maghanap ka na rin ng syota para hindi ka naiinggit sa iba!” wika ko at inirapan siya.
Muling napahalakhak si Chariol. “Syota? ‘Sus! C2 lang sapat na. Kampai!” sabi niya at tinungga ang bote ng C2 na alak ang laman. Ito ang palagi naming ginagawa kung gusto naming uminom ng alak kahit nasa eskuwelahan. Pinapalitan namin ng alak ang laman ng C2 at hindi kami nahuhuli dahil magkakulay naman ang mga ito.
“Kampai!” Tinungga ko rin ang laman ng C2 nang makita ko ang seryosong mukha ni Roan na papalapit sa amin.
“Everlyne, tigilan mo nga ‘yan. Baka may makahuli pa sa ‘yo,” paalala ni Roan.
“Mag-shot ka muna,” nakangising sabi ni Chariol pero inirapan lang siya ni Roan. Mainit ang dugo ng huli kay Chariol dahil masamang impluwensya raw ito sa akin. Nakakatawa nga’t hindi niya naisip na ako talaga ang tunay na masamang impluwensya.
Modernong Maria Clara ang bansag ko kay Roan. Bukod sa napakahinhin niya at hindi makabasag pinggan, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-aral nang mag-aral. Sa lahat ng kaibigan ko, si Roan lang ang malapit nang makapagtapos ng High School. Hindi ko nga matandaan kung paano kami naging matalik na magkaibigan dahil siya ang maituturing na kabaliktaran ko sa lahat ng aspeto.
“Roseangela, gamitin mo nga ‘yang isip mo,” bulalas ko. “Malalaman lang nila na alak ang laman ng bote na ‘to kung mag-iingay ka riyan.” Inirapan ko siya. “Kaya puwede ba, kung ayaw mong uminom, manahimik ka na lang.”
Nang marinig naming mag-bell, isang hudyat na uwian na, umalis na kami sa tambayan. Palabas na kami ng eskuwelahan kasama ang iba pang kaibigan nang bigla akong mapahinto sa paglalakad. Isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin.
Biglang tumaas ang dugo ko sa sobrang inis lalo na nang mapangiti pa siya nang makita ako. Hindi pa nakuntento. Lumapit pa siya at sinenyasan ako. Sandali akong napapikit upang kumalma.
Peste! Ano’ng ginagawa niya rito?
KABANATA 4“SINO ‘yan?” tanong ni Wency at napatingin ang lahat sa akin.Mas lalo pa siyang napangiti at sinenyasan sila, na hindi rin maintindihan ng mga kaibigan ko. Parang tanga.“Ansabe?” naguguluhang tanong ni Sheryna.“Tao? Hayop? Bagay? Lugar? Pangyayari? Nakakain ba ‘yon?” pabirong wika ni Loira.“Ha?” sakay naman ni Thelma. “Hakdog.”Nawalan ng kulay ang mukha ko nang makitang nagtatawanan ang mga kaibigan ko. Hindi ko mailarawan ang hiyang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.“Mama mo ‘yan, Lyne? Bakit hindi nagsasalita? Bakit puro senyas lang? Pipi ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Chariol.Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na umusbong ang pinaghalong kaba at hiya sa dibdib ko. “Mama?” Sunod sunod ang naging pag-iling ko habang nakangisi. “Hindi. Nasa
KABANATA 4“NAPAKASAMA mo talaga, Elyne. Hindi ko alam na magagawa mo ‘yon sa kapatid mo,” hindi makapaniwalang wika ni Chariol na sinabayan pa ng tawa.“Tama lang ‘yon sa kan’ya,” sabi ko habang pinaglalaruan ang kalalagay pa lang na piercing sa mga labi ko. “Isa pa, hindi kami magkapatid. Wala akong kapatid na tanga at uto-uto.” Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang muling maalala ang nangyari kagabi.“Elyne, ito na ‘yong susi. Bilisan mo lang dahil baka magising si Papa,” halos pabulong na sabi ni Miana.Nakahalukipkip ako habang nakatitig sa kan’ya. Nakakabilib din ang isang ito. Kinuha talag
KABANATA 6“BAKIT mo ako pinapunta rito?” tanong ko. Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Abandonado na ang lumang Faculty Room na nasa kasuluk-sulukan ng eskuwelahan. Hindi ko tuloy alam kung bakit dito ang napili niyang lokasyon.Nagulat ako nang biglang inilapit ni Randolf ang ulo niya sa mukha ko. “Mahal naman. Alam mo na ang sagot nagtatanong ka pa.” Kinilabutan ako nang dumampi sa balat ko ang hininga niya. Mas lalo akong nagulat nang bigla niya akong hinila papasok sa silid at isinaradong mabuti ang pinto.Isang malutong na mura ang namutawi sa isip ko, lalo na nang umupo siya sa isang upuan at sinenyasan akong lumapit. Nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong hinila at paharap na iniupo sa kandungan niya.
KABANATA 7“ANO ba, Elyne? Sumagot ka naman, o!” Narinig ko ang pinaghalong kaba, takot, at pagkataranta sa nanginginig na boses ni Roan sa kabilang linya. “Everlyne, pakiusap, sumagot ka! Huwag mong gawin ‘yan!”Hindi ako nagsalita, ngunit mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang pigilang humikbi. Napagtagumpayan ko naman iyon pero nangilid ang luha sa mga mata ko.Roan, alam ko na kapag nabasa mo ‘to, wala na ako. Baka ginawa ko na ‘yong matagal kong pinaplano. Ayoko na. Suko na ako. Oo, duwag ako. Oo, mahina ako. Nakakasawa kasing lumaban kung wala rin namang kabuluhan ‘yong pinaglalaban ko. Nakakasawang mabuhay kung wala rin namang kuwenta ang buhay ko. Gusto ko nang pumikit at huwag nang d
KABANATA 8HINDI ko lubos maisip na magagawa nila sa akin iyon. Pinagkatiwalaan ko silang dalawa pero palihim pala nila akong ginagago. Hindi ko matanggap na matagal na silang nagkabalikan. Hindi ko matanggap na matagal na nila akong niloloko!“Mga hayop kayo!” malakas na sigaw ko at unti-unting napaupo. Nahihirapan na akong huminga. Kaya pala nanlalamig na si Randolf sa akin dahil may bago nang pinag-iinitan.Tangina.Iyong mahigit isang taon na relasyon namin, tinapos lang ni Randolf sa anim na salita. “Ayoko na. Hindi na kita mahal.” Ganoon lang kadali sa kan’ya na sabihin ang mga iyon. Marami akong gustong itanong, ngunit ayaw lumabas ng boses ko. Bigla akong napipi.
KABANATA 9HUMITHIT ako sa sigarilyong hawak ko at itinapon iyon sa kung saan nang makita si Roan na papalapit sa akin. Mahigit dalawang linggo na nang mangyari iyon. Hindi ko na ulit nakita ang pagmumukha ni Chariol at Randolf. Balita ko, lumipat na sila ng eskuwelahan at magkasama sila roon. Mabuti nga iyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanilang dalawa kapag nakita ko ulit silang magkasama. Mga manloloko.Sabi nga ni Roan, tutulungan niya ako basta tulungan ko rin daw ang sarili ko. Nangako akong susubukan ko nang ayusin ang magulo kong buhay. Susubukan ko nang tanggalin ang lahat ng bisyo ko. Pero hindi pala madali lalo na kung nakasanayan na. Hinahanap-hanap ng sistema ko ang alak at sigarilyo kaya naman pinagbigyan ko muna ang sarili ko.Isang
KABANATA 10MAHIGIT isang linggo nang hindi umuuwi si Miana simula nang magkaharap kami sa parke. Nag-alala na sina Mama at Papa. Sinubukan siyang hanapin ng mga ito, ngunit hindi alam kung saan magsisimula. Hindi namin siya matawagan. Pati sa eskuwelahan ay hindi na rin siya pumapasok. Hindi na nga natutulog si Papa. Halos araw-araw na hinahanap si Miana. Humingi na rin kami ng tulong sa mga pulis.“Hindi pa rin ba tumatawag si Miana?” tanong ni Papa na bakas ang matinding pag-aalala sa mukha. Isang malungkot na iling ang naging tugon ni Mama. “Nasa’n na kaya siya? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi?”Lumabas ako ng bahay. Naisip kong maglakad-lakad muna. Sa totoo lang, dapat wala akong pakialam sa problema nila. Labas na ako roon. Pero kahit ano ang pangongontra ng isip ko, sa puso ko ay hindi ko maiwasang mag-alala. Kung nasaan man ngayon si Miana, sana ay ligtas siya. At malakas ang kut
KABANATA 11“PATAY na si Miana Devera.”Nilagok ko ang huling bote ng alak at tiningnan ang mga tao sa paligid na masayang sumasayaw sa gitna. Narito ako ngayon sa isang bar. Lasing na lasing na ako sa dami ng nainom kong alak. Gusto kong makalimot nang panandalian. Gusto kong takasan ang katotohanang patay na ang kapatid ko. Wala na si Miana. Pero mas lalong sumakit ang ulo ko, hindi dahil sa maingay na musikang naririnig ko o ng alak na ininom ko, kundi dahil naghalo-halo na ang mga iniisip ko at pakiramdam ko, sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit.Inisang lagok ko ang alak bago ko inginudngod ang mukha ko sa lamesa. “Tanginang buhay ‘to.”Lahat kami ay hindi makapaniwala sa balitang iyon. Namanhid ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi ng pulis. Para akong nabingi.“Paanong patay na ang anak ko? Patay na si Miana? Hindi ‘yan totoo! Hindi pa siya pa