Kinabukasan naging ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Napabaling ako sa kabilang higaan nakita kong masarap pa rin ang tulong ng asawa ko.Napangiti ako nang makita ko ang gwapong mukha ni William habang natatanggap ko ang tulong niya. Napakasarap sa pakiramdam na may asawa akong handang tumulong at magmahal sa akin.Hindi ko napigilan ang sarili na hinaplos ang pisngi niya, na sobrang kinis at walang kapintasan. Sa katunayan, mas maganda pa ang kanyang pisngi kaysa sa akin. Napakalambot at makinis nito, na kahit ang mga pimple ay mahihiyang dumapo sa kanyang perpektong balat.“Hmmm, kainis bakit ang kinis ng mukha mo samantalang ako kailangan ko pang mag pahid ng kung ano-ano sa aking mukha para lang di tubuan ng mga pimple sa pisngi ko!” mahinang bulong ko habang patuloy lamang ako sa aking ginagawang pag haplos sa mukha nito.Mabilis kong tinanggal ang aking daliri ng makita kong nagigising na ang aking asawa mabilis ako tumalikod rito. At nagpanggap na tulog pa.
William pov Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa aking labi habang pababa ng hagdan. Labis ako natuwa sa nalaman hindi ako ang totoong ama ng dinadala ni Elena at hindi ko rin ito ginagalaw ng gabing sinasabi nitong may nangyari sa amin dalawa. Sa hotel kung saan ako naroon ng panahon nasa macau ako.Ang laki ng pasasalamat ko sa aking asawa na si Belyn, napakatalino nito ang lahat at sa lahat ng tumulong para malaman ang totoo. Ito rin ang dahilan para sabihin nito ang totoo pagkatao sa akin. hindi naman ako nagalit kung naglihim naman ito sa akin ng katauhan nito. Na isa itong agent at nagtatrabaho sa malaking organisasyon. Hindi ko na kailangan pang magtanong dahil alam ko naman kung saan ito nabibilang isa lang ang humahawak sa aking asawa wala iba kundi ang pinsan kong si Agatha.Pagbaba ko ng hagdan ay nagmamadali na akong pumasok sa loob ng kusina upang ipagluto ng masarap na almusal ang asawa ko.Naabutan ko sina manang pati na rin ang ibang kasambahay na naghahanda ng ag
Pagkarating nila sa company agad silang bumababa ni William sa kotse ng iparada nito sa parking area ang sasakyan.Hawak kamay silang pumasok sa loob ng company.Halos lahat ng employee binabati silang dalawa.“Good morning, ma'am Belyn at sir William!” nakangiti bati ng mga staff.“Good morning guys!” tugon nilang mag-asawa.Napangiti ako sa mainit na pagtanggap ng mga empleyado ng aking asawa sa amin pagdating. "Magandang umaga sa inyong lahat!" Balik-bati ko sa mga ito na puno ng kasiyahan ang puso ko.nagpapasalamat rin nag aking asawa sa mga staff nito at binati rin ang mga empleyado. "Salamat sa inyong lahat! Masaya kami na makita kayong lahat ngayong umaga," sabi ni William sa mga staff nito.Habang naglalakad sila patungo sa kanilang mga opisina, hindi maiwasang mapansin hawakan ni William ang kamay ng asawa niya ng mahigpit. ang pagkakapit ng kamay nilang dalawa ni Belyn isang munting senyales ng pagkakaisa at suporta sa isa't isa.Napapangiti na lamang ako sa pinaggagawa ng a
"Ikaw, ano ang ginagawa mo dito?" balik-tanong ng babae, mataray na binalingan ako at tinaasan ang kanyang kilay.Natatawa na lamang ako sa sarili habang tinitingnan ang babae. Parang ang lakas ng loob nito na magtanong kung ano ang ginagawa niya sa opisina ng aking asawa.Nginitian ko siya at tinapatan ang kanyang mapanuring tingin."Luh! Dapat ako ang magtanong niyan sa'yo! Anong ginagawa mo dito sa opisina ng aking asawa!" pinagdiinan ko ang salitang "asawa" para malaman ng babae na alam kong siya ang hindi dapat nandito.Ngunit sa halip na matinag ang babae, ngumisi pa ito at tila nanalo na kung umasta sa akin."Ah, ikaw pala ang asawa ni William," sabi ng babae, kasabay ng kanyang paglapit sa amin ni William.Tumango ako, “Oo ako, nga!” seryoso sagot ko sa ex ng aking asawa.Bumaling ng tingin ni Elina kay William, nginisian pa nito ang aking asawa tila may nais ipahiwatig at alam na alam ko kung ano ibig nitong sabihin.At naiirita ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin asawa n
"Please, Elina, nakikiusap ako, tama na!" nakikiusap ni William sa babae, na pareho nating alam na walang nangyari sa ating dalawa."No!" mariin nitong sagot habang patuloy na umiiling. "Anak mo ang dinadala ko!" giit pa niya habang kita sa mukha ni Elina ang matinding galit."William, anak mo ito. Bakit ayaw mong maniwala! Hindi ba mahal mo naman ako? Noon pa tayo dalawa ang nagmamahalan at nangako sa isa't-isa na magsasama hanggang sa dulo ng ating buhay?" mariing sinabi ni Elina habang nakatitig sa mukha ng dating kasintahan."Oo, nagkasundo tayo. Noon. Ngunit ano ang ginawa mo? Mas pinili mo ang lokohin at saktan ako kaysa sa mahalin ako. Binigay ko ang lahat ngunit hindi ka nasiyahan at naghanap ka pa ng ibang lalaki. Sana matanggap at mapatawad kita kung isang beses mo lang ako niloko, ngunit hindi. Maraming pagkakataon na nagpaka-tanga ako para hindi masira ang ating relasyon, pero sa kabila ng aking pasensya at pagtitiis, nauubos din pala kaya napapagod na ako.“Ako na ang nak
Nagising si Belyn sa mga katok mula sa labas ng kanyang silid. "shit!" mura niya habang patamad na bumangon. sa kanyang kama."Ano ba yan ang aga naman mag bulahaw kitang inaantok pa ang tao eh!" bulong niyang reklamo sa sarili.Binuksan niya ang pintuan para malaman kung sino ang kumakatok. At nakita niyang ang kanyang Ina pala."Ma…naman ang aga naman ninyong mambulahaw natutulog pa po ang tao,oh!" reklamo turan niya sa kanyang Ina si Mama Ed's.Ngunit na paaray si Belyn nang bigla na lamang siyang kinurot nang kanyang ina sa may singit."Aray....Ma!" bakit naman kayo nangungurot diyan, ani niya pa sa ginang. "Ah, paano hindi kita kukurotin na babae ka anong ginagawa mo kagabi ah!" pag tatanong pa ni Ginang Ed's sa anak na si Belyn habang iniiwasan nitoa ng mga kurot ng ginang.Nakakunot ang noo ni Belyn sa sinabi ng ina. "Anong ginawa ko kagabi!" wika niya sa kanyang isipan. Ngunit na paaray pang muli siya nang hampasin naman siya sa balikat nang Ina."Mama naman masakit po!" an
"Boss nang ama mo si Sir William," saad pa ni Aling Ed's sa anak nitong si Belyn. Nag trabaho ang kanyang ama sa isang contration company. Bilang isang foreman. sa bayan nila."Sorry po talaga sir William, sa ginawa nang anak namin." paghingi nang sorry nang kanyang magulang sa binata."Teka lang po sir William mababawi pa po bang marriage certificate na napirmahan nang anak namin?" pagtatanong pa ni Mama sa lalaki.Bahagya umiling ang binata sa sinabi ni Mama."Sorry po Ma'am Ed's, hindi na po mababawi ang papel na may pirmahan nang anak ninyo, dahil na ka register na po ito mismong si Mayor montel ang nag kasal sa amin kagabi. At kaming dalawa nang anak ninyo ay kasal na mag asawa na po kami nang nag iisang anak ninyo." mahabang salaysay ng lalaki."Saka po huwag ninyo na po akong tawagin sir, dahil asawa na po ako nang anak ninyo kahit William na lang po at hindi ninyo mamasamain . Kung pwede ay Papa at Mama na rin po ang tawag ko sa inyo!" saad pa nang bin
Pumasok na siya sa loob nang banyo, upang maligo dahil naamoy na rin n'ya ang sarili. shit talaga pangako hindi-hindi na ako iinum pa nang alak. wala talagang maganda idudulot ang pag-inom. birthday pa naman niya oero siguro pag uwi sa bahay mapapalo na ako ni Mama. Wika niya sa kanyang isipan.Lumipas ang ilan sandali natapos na rin siya. Maligo balot nang towalya ay lumabas siya sa loob ng banyo. Ang sabi nang lalaking 'yong may damit raw ako sa loob nang cabinet. Pagkatapos niyang kumuha nang damit, bumalik siya sa kama upang magbihis na para makauwi na siyya sa kanilang bahay sigurado, sermon ang aabutin niya sa kanyang magulang lalo na kay Mama.Nang matanggal niya ang nakatapis sa kanyang katawan, sakto bumukas ang pinto at pumasok ang binata. Hindi niya alam kong ano ang uunahin takpan, para lang 'Di makita nang lalaki nag hubad na katawan niya."Aaaaahh---" "Ano ka bang lalaki ka hindi ka ba marunong kumatok?!" galit na sigaw niya sa pangas na lalaki. habang b