WHAT SHOULD I DO?Dahlia's PovKinabukasan ay pinatawag ang lahat ni Bernard sa laboratory. Mag-isa akong pumunta roon dahil ang kasama ni Lexux ay si Blyte, syempre. "Dahlia.." tawag ni Keo sa akin."Hi, Keo," natigilan ako saglit nang maalala ang sinabi ni Lexux na bawal ako makipag-usap sa iba.May inis akong nadama dahil sa isipin na kasama niya si Blyte kaya kahit nandidiri ako ay nakipag-usap ako kay Keo. Nagseselos ako kaya gusto ko suwayin siya ngayon."Keo, baka mamaya paglalamayan ka na namin," pagsalita ni Ace na bagong dating lamang."Tingnan mo si Lexux, Keo," dugtong ni Prixel.Sabay namin nilingon ang pwesto ni Lexux at nakatingin pala siya sa amin. Halos manginig ako sa kinatatayuan ko dahil sa malamig niyang titig sa akin."Wala akong ginagawa mga pre," pangangatwiran ni Keo."Nakalimutan mo na ba na pinagbantaan niya tayo noon? Bawal natin lapitan si Dahlia," wika ni Ysay sabay senyas sa mga kaibigan niya na pumunta na sa puwesto nila.Napayuko ako nang hindi pa rin
HOUSEWIFE Dahlia's POV Nagising ako dahil kumalam ang aking sikmura sabay sapo ko sa aking tiyan, "Gutom na ba ang baby ko?" nakangiti kong wika. Bumaba ako para kumain subalit kadiliman ang bumungad sa akin. Anong oras na ba? Nakatulog kasi ako kaagad nung umalis si Lexux and speaking of him, where is he right now? Hindi pa rin siya bumabalik mula kanina. Pumunta ako sa kitchen kahit na 'di ko masiyadong maaninag ang daan subalit isa akong pulis kaya hindi mahirap para sa akin ang maglakad sa kadiliman. "May pagkain kaya rito?" tanong ko sa sarili nang ma i-on ang switch ng ilaw. Binuksan ko ang ref at lumaki ang aking mata dahil puno ng pagkain ang loob nito at may mga prutas pa. Wala sa sarili na kinuha ko ang pulang-pula na mansanas sabay kagat ng malutong. "Hungry, wife?" Napalundag ako nang may biglang nagsalita mula sa aking likuran. Hinarap ko ito at nakita ang palapit na si Lexux. Napalunok ako nang masulyapan ang abs niya dahil nakatapis lang ito at mukhang katatapo
HIS OTHER SIDEDahlia's PovKinabukasan paggising ko ay wala na sa tabi ko si Lexux. Dahan-dahan akong bumangon at pumasok sa banyo para maligo. Pumikit ako habang ninanamnam ang lamig na may konting init na tubig. The water is so refreshing, I need this to wash away my problems and refresh my mind."Ahh.. it's so good," wika ko habang pinupunasan ang aking katawan.Nagtapis ako at lumabas ng banyo. Binuksan ko ang wardrobe at tumambad sa akin ang mga mamahaling damit na sa tingin ko ay kasyang-kasya sa akin. Sino kaya ang inutusan ni Lexux bumili ng mga ito?"Wife."Nagulat ako sa baritonong boses ni Lexux. Hindi ko napansin ang pagpasok niya sa kuwarto. Naasiwa ako sa paraan ng pagtitig niya sa tuwalyang nakabalot sa aking katawan."N-nagluto k-ka?" nauutal kong tanong sa kaniya.May hawak siyang tray ng pagkain na ngayon ko lang napansin. Buong akala ko ay umalis na siya at pumunta sa mansiyon para sa trabaho. I never thought he would cook for me. Yeah, it's for his child thou
SURPRISE ATTACK Dahlia's Pov Tahimik kaming dalawa habang nasa biyahe. Napansin ko ang daan na tinutungo namin ay papuntang mansiyon. Hindi ko napigilan ang sarili na tanungin si Lexux. "Pupunta tayo sa mansiyon ngayon?" "Yes, I'm going to tell Uncle Bernard that I'm gonna take you and you only serve for me." "What do you mean?" I asked. "Ako magiging boss mo at hindi si Bernard. I need to do this to protect you and our baby from any possible harm or danger." This is not good! Paano na ang pagiging undercover ko? Pero kung 'di ako susunod kay Lexux ay baka magkakakutob ito at malaman na isa akong spy. "Paano kung 'di papayag si Bernard?" tanong ko. "Then I have no choice, I'll put a bullet in his head." Napalunok ako sa sinabi niya. "He's your boss and uncle, Lexux. How could you kill him?" di makapaniwala kong sabi. "Inside your womb is my child," maawtoridad niyang wika. Hindi na ako nagsalita pa. Hinaplos ko ang aking tiyan. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ng
Warning!!MY STORIES MIGHT CONTAIN MATURE THEMES. THERE WILL BE A MATURE LANGUAGE. PLEASE DO NOT BE OFFENDED FOR WHAT YOU'LL BE READ. BEFORE YOU READ THIS, MAKE SURE THAT YOU'RE 18 ABOVE AND OPEN MINDED. THIS STORY CONTAIN EROTIC SCENES.⚠⚠⚠⚠"Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. Kaya ko kayo pinatawag dahil sa isang misyon."Seryosong nakikinig si Dahlia kay General Borja. Ito na ang hinihintay niyang misyon. Isang buwan na rin kasi siyang nakatambay at naghihintay ng panibagong misyon."I know all of you were already heard the news. Malaking sindikato ang pumatay sa mayor ng Tarlac. Binigay sa atin ng Presidente ang misyon na dakpin ang mga sindikato na iyon." Patuloy ni General Borja."Sir, mahihirapan tayo sapagka't ayon sa nakalap kong impormasiyon ay napakalaking sindikato ang babanggain natin. Hindi sila basta-basta. Malinis sila gumawa kaya nga wala tayo may nakita sa crime scene."Dumako ang tingin ni Dahlia sa kani
First NightPaggising ni Dahlia ay kaagad na bumungad sa kaniya ang 'di pamilyar na kuwarto. Nasilaw siya sa liwanag na nanggaling mula sa itaas ng kaniyang ulo. Maliit lamang ang nasasakop ng liwanag kaya 'di niya maaninag ang kabuuhan ng kuwarto."You finally awake," sabi ng baritonong tinig.Mula sa kadiliman ay lumabas ang isang lalaki. Kinabahan si Dahlia nang magtagpo kanilang mga mata subalit 'di siya nagpahalata. Sobrang lamig ng mga mata ng lalaking kaharap. Walang bakas na kahit na anong emosiyon at tila'y nakipagtitigan siya sa yelo dahil sa sobrang lamig ng mga titig nito."Kalagan mo ako." Matigas niyang utos sa lalaki sa kabila ng kaba."Walang dumidikta sa akin." His low, firm voice makes her tremble.Dahlia's POVNaalarma ako nang lumapit siya sa akin kaya kaagad akong nag-isip nang maaring g
ShowerDahlia's PovKinabukasan ay nagising ako dahil sa isang malakas na tulak kaya nahulog ako sa kama at sumubsob ang mukha sa sahig. Kaagad kong sinamaan ng tingin si Lexux."Jerk! Ganito ba ang good morning sa'yo?! Pota ka!" Galit na sigaw ko at pinagmumura siya.Napakasama naman niya na itulak ako gayong alam niya na masakit pa ang aking katawan dahil sa panghahalay niya sa akin. Wala ba siya kahit konting konsiderasiyon?"Shut up and stand! Let's take a bath together, make it fast." He said and just ignored my swearing.Ano raw?"Anong sabay tayo maligo?! Nahihibang ka na ba? 'Di mo ba alam ang salitang lady's first?" Suno
DoubtDahlia's PovNapaupo ako nang marinig ang padabog na pagsara ng pinto. Nakaalis na ang babaeng may pangalang Blyte kaya pumagitna sa amin ni Lexux ang katahimikan. Naramdaman ko ang mga yabag niya patungo sa akin."Magbihis ka na." Basag niya sa katahimikan."Ganiyan ka ba talaga ka ruthless pagdating sa mga babae?" Wala sa sarili na tanong ko sa kaniya at huli na para bawiin ko ang sinabi."Sinong nagbigay sa'yo ng permiso na tanungin ako? Do you want me to end your life right now?" Tanong niya na may pagbabanta at binalewala ang aking tanong.Bumilis ang pagtibok ng aking puso dahil sa narinig. Mabilis akong yumuko upang iwasan ang nagbabaga niyang mga mata. Kahit 'di ko siya tingnan ay ram