Share

Chapter 7- INA KUNG ADIK SA CASINO

Chapter 7

KINABUKASAN, kinabukasan ay hindi ko alam kung paano ako na ka uwi sa mansyon namin, kahit palaisipan ang mga nangyayari ay pinagwalang bahala ko na lang hanggang na pag-disesyonan ko na lang pumasok sa banyo upang gawin ang morning routine ko.

Hindi nag tagal ay agad rin natapos ang aking pagliligo.

Pagkatapos kung ginawa ang morning routine ay agad akong lumabas sa aking silid upang pumunta sa kusina. Ngunit nasa kagitnaan ng hagdanan ay agad akong pinagalitan ng aking magaling na Ina.

"Buti naman at gising kana!" sabi nga sa akin. "Ano bang ginawa mo sa iyong buhay huh!" dag-dag niyong sabi. Ngunit hindi ko lang ito sinagot kaya pinagpatuloy ko ang aking paglalakad.

"Andrew!" tawag nito sa'kin pero dinedma ko lamang ito. "Kina ka-usap pa kita wag kang bastos. Saan ka pupunta kagabi? Ano ba kina kausap kita Kaya sumagot ka!" dag-dag nitong sabi sa akin pero hindi ko pa rin ito pinansin.

Hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob ko dito, dahil ang kaiisang kapatid kung babe ay ipinakasal sa isang Mafia. Dahil natalo ito sa isang sugal. Sugal na syang kinasira sa aming pamilya. Iniwan kami ni Dad dahil palaging nasa casino si Mom, kaya dahilan ina-take ito sa puso nang nalaman nitong mahigit two billion ang natalo sa casino lalo nang malaman nitong ang aking kapatid ang maging kabayaran, dahil sa sama ng loob ay maagang nawala sa anim ang aking Ama at ka muntikan nalugi ang aming negosyo. Buti na lang maaga akong minulat sa aking Ama sa larangan ng negosyo kaya agad kung nabawi ang paluging kumpanya. Hindi pa ito nakuntinto ay ako naman ang gusto n'yang ipakasal sa anak ng kan'yang kaibigan noong kami pa ni Rhian. Kaya hanggang ngayon ay may samang loob parin ako sa kanya at wala akong pakialam sa aking Ina kung ano'ng gawing n'ya sa kan'yang buhay basta wag lang n'ya pakialam ang sarili kong buhay.

Hindi ko alam na sumusunod pala ito sa akin patungo sa may kusina. Hanggang nag ti-timpla ako sarili kong kape ay s'yang nag sasalita ito sa aking likuran.

"S'ya nga pala, hihingi ako ng pera upang grocery ko at magkita-kita kami ng aking amega mamayang hapon kaya nag suggest akong dito na lang kami sa bahay magkita-kita. Dahil araw ng Linggo ngayon ay aasahan kong andito ka rin, sapagkat dadalhin nila ang kanilang mga anak upang makilala mo sila," sabi nya sa akin alam ko na kung anong nais nitong mangyari.

"Okay, how much you want?" sabi ko dito.

"50K panghanda mamayang gabi," sabi nya sa akin. Tumango lang ako sa nais nito. Saka sinabihang ko na ikuha lang sa akin mamaya ang pera na kailangan nito. Nakita ko ang saya sa kanyang mukha sa pagsabi ko dito.

Kahit na galit ako ay binigyan ko pa rin ng pera ang aking Ina pero limitado lamang. Naging busy ang mga kasam-bahay namin dahil sa puspusang nilang paglilinis sa paligid kahit na malinis naman ito. Ang aming taga pagluto ay naging busy rin sa kusina kaya nagkulong na lang ako sa aking silid upang Hindi ko sila madisturbo sa kanilang ginawa.

Hanggang sumasapit na ang gabi ay maraming dumating na mga sasakyan, dahilan upang naging aligaga ang mga kasam-bahay namin na kina iling ko lamang,agad akong sumilip sa may bintana doon ay nakikita ko kung gaano ka magara ang mga sasakyan nila kaya. Hanggang may kumatok sa aking pintuan kaya agad kong sinara ang kurtina saka ko pinuntahan ang kumatok sa pintuan.

"Bakit?" tanong ko sa kasambahay na s'yang kumakatok sa aking pintuan.

"Senyorito pina pababà kana ni Senyora nasa kusina silang lahat at ikaw na lang ang kanilang hinihintay," sabi nya sa akin.

"Sige, sabihin mo susunod na ako," sagot ko naman dito.

"Sige po Senyorito," sabi nito sa akin saka tumalikod ito upang umalis.

Pag-alis nito ay saka ko naman bumalik sa aking pinaggalingan saka kinuha ang phone at susi, dahil balak kung umalis mamaya lang pagkatapos kong paunlakan ang nais sa aking Ina.

Paglabas ko at patungo sa kumedor ay dinig na dinig ko ang kanilang mga tawanan. Hanggang nakita ako sa sa aking Ina na papunta sa kanilang direction. Kaya malaki ang mga ngiti nitong tinawag ako at pinapunta sa kanilang direksyon.

"Anak, halika dito," sweet nitong tawag sa akin na kina ngiwi ko.

"Tsk!" yung kasi ang lumabas sa aking labi buti na lang at mahina laman ito Kaya hindi naririnig nila ang aking binigkas.

"Oh diba ang magandang lalake ang aking anak," pangmamalaki nito sabi sa kanyang mga kaibigan sabay tingin nila sa akin na may ngiti sa labi.

"S'ya na ba si Andrew? Wow, magandang lalake at magandang lalake," sabi sa isang katandaan babae na may katabing babae sa tingin ko ay kan'yang anak ito.

"Halika dito anak, ipakilala kita sa mga kaibigan ko," sabi nya dito. "Sya ang tita Clare mo yang katabi nya ang kanyang anak na si Melanie, Iyang isa sa dulo ay si Tota Teresa mo naman at ang anak nitong Trina at ang panghuli ay si Matilda hindi na ka sama ang kanyang anak dahil kararating lang ito mula sa USA," sabi sa aking ina. "Mga friends s'ya si Andrew Miller Jackson ang aking anak at single," sabi nito sa kanila.

"Nice meeting you all," sabi ko sa kanila. Hanggang nag-umpisa kaming kumain hanggang nabuksan ang naturang usapin tungkol sa kasal. Nais ng aking ina na sa dalawa ayay napili akong maging asawa pero agad ko itong sinuway dahilan upang magalit ito sa akin.

Kaya agad kong pinaintindi sa kanilang lahat kung bakit wala akong pinili sa kanilang anak.

"Patawad Ina dahil ang nais mo ay hindi ko susundin, tama na si Ate ang iyong pinapakasal sa taong hindi nito mahal," sabi ko sa aking ina. Hanngang nag ring ang phone ko kaya agad akong nagpapaalam sa kanila na sasagutin ko ang tawag na iyon. "Excuse me, sasagutin ko muna ang tawag," hingi ko ng paumanhin.

"Sige lang iho sagutin mo baka importante ang nais sabihin," sabi sa akin ng isang ginang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status