Share

CHAPTER 45 - GUN SHOT

Ngumiti si Mother Laura dahil sa parehong reaksyon na nakikita niya sa dalawa ngayon sa harapan niya. “Mukhang magkakilala nga kayo. Gusto ka raw niyang makausap anak. Akin na ‘yang hawak mo.” Akmang kukunin na ng madre ang isang balot ng bracelet sa kanyang kamay nang mabilis niyang inagaw agad ito.

“No.” sambit niya. Nakita niyang nagtaka ang madre sa biglang pagtaas ng boses niya. Waring nahimasmasan, agad siyang nakabawi. “Ahmmm… sorry Mother Laura..ako na ho ang mamimigay nito sa mga bata.” Dahilan niya at iniwas ang tingin kay Luke.

“Eh..pero may bisita ka anak–”

“Okay lang ho Mother Laura. Nakahanda naman po akong maghintay kung kailan siya matatapos.” Inagaw ni Luke ang pagsasalita ng matandang madre. Nakita niyang pasimple siyang inirapan ni Dharyne bilang tanda ng pagka disgusto sa sinabi niya. Ngunit wala siyang pakialam kung magagalit man ito. Ang mahalaga makausap niya ito ngayon at maging malinaw ang nangyari sa pagitan nila.

Tiningnan siya ni Mother Laura at ngumiti. “
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (48)
goodnovel comment avatar
Gina Ambrocio Piring
pa up date po salamat,
goodnovel comment avatar
Lorna Medrano
sayang ang paghihintay
goodnovel comment avatar
Charmise Mostoles Sultan Layson
wala nabang ending eto ms.A?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status