Share

11. David

[Kiara]

Bumuga ng hangin si Grant bago inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa tapat na sila ng maliit na apartment kung saan sila nakatira mag ina.

Nang papasok na siya sa bahay ay hinila siya ni Grant. Mabilis na pumaikot ang braso nito sa balingkinatan niyang katawan.

"I must apologize for what my mother's said, Kiara. I'm really sorry."

Nagsimulang manubig ang mata niya. Dahil sa pag ungkat ng Ginang sa pamilya niya ay naalala niya ang lahat. Nabuhay ang galit niya sa pamilya niya. Ang sakit at pait sa dibdib niya ay muli niyang naramdaman.

Pero tama ang Mama ni Grant. Isa siyang kahihiyan...

"Ako dapat ang humingi ng sorry, Grant." Lumayo siya kay Grant at pinahid ang luha. "Sorry kasi magpapakasal ka sa isang tulad kong disgrasyada. Pero Grant maniwala ka hindi ko ginusto na mangyari sa akin 'to. Hindi ko ginusto na mapunta sa sitwasyong 'to." Nang maalala ang nangyari sa kanya ay lalo siyang napaluha. Lumayo siya kay Grant.

Niyakap niya ang sarili at nagyuko ng ulo.
SEENMORE

Salamat po sa GEMS 💎 at RATE🫶✨

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Thank you po ...️
goodnovel comment avatar
Razelle Maravilla
ang ganda nakaka bata ang dating ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status