Magkakasama sina Tyler, Dimitri, Brix at Grant, sa malaking bahay nila Brix. Nagsisimula na silang uminom ng alak ng dumating si Kier.Saglit na natigilan si Grant habang nakatingin sa dalagita na kasama ni Kier."Kier—I.. I mean, Kuya pala." Tabingi ang ngiti sa labi na sabi ni Bea na agad sumalubong kay Kier. "Kuya, dito ako matutulog ngayon. Ipaalam mo 'ko kay daddy, please." Kumapit sa braso ni Kier ang kasama nito.Kuya? Wait, may kapatid si Kier na ganito kaganda?Damn, Grant! Nagagandahan ka sa isang bata? Mukhang seventeen years old palang ito, pero maganda na ang hubog ng katawan."Ano ka ba, Kiara, ako ang mag-i-sleep over sa inyo, di'ba?" Singit ni Bea. "Ayos lang ba, K-Kuya?" Parang sinilihan sa mukha na tanong ni Bea kay Kier.Hindi sumagot si Kier rito at sumulyap lang sa kapatid. "No, Kiara. Sasabay ka rin sa akin pag uwi." "Sungit." Bulong ni Bea ng hindi ito pansinin ni Kier.Tinuon niya ang atensyon sa pinag uusapan nilang magkakaibigan at inalis sa isip ang dalagit
[Kiara]Pagkatapos mag ayos ng kanyang sarili ay dali-daling nagtungo si Kiara sa lugar kung saan sila magkikita ni Grant. Ngayong araw ay puputulin na niya ang relasyon nilang dalawa. Nakuha na niya ang gusto niya kaya wala nang rason para tumagal pa ang pakikipagrelasyon niya rito.Makailang beses muna siyang bumuga ng hangin bago nilapitan ang binata."Maghiwalay na tayo, Grant." Gumuhit ang sakit sa mukha ni Grant ng marinig ang sinabi ni Kiara. "P-Pero bakit? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin para maayos natin ang relasyong 'to." Pagsusumamo ng binata sa basag na tinig."Hindi naman talaga kita mahal, Grant. Pinatos lang kita dahil matalino ka at kailangan ko ng tulong mo." Siwalat niya. "Can't you see that? Matalino ka naman kaya dapat ay alam mo 'yon." Dugtong pa niya."K-Kiara, naman..." Garalgal ang boses na wika ni Grant. Nasasaktan ito sa mga naririnig at alam niya 'yon ngunit wala siyang pakialam."Sa tingin mo ba talaga, magugustuhan ko ang isang tulad mo?" May
[Kiara]"KIARA!" Napapitlag siya sa gulat ng dumagundong ang boses ng kanyang nakatatandang kapatid na si Kier."H-Ha?" Wala sa sariling sambit niya."Kanina ka pa tinatanong ni Dad, Kiara. Bingi ka ba?" May inis sa boses ng kuya Kier niya habang nakatingin sa kanya. "May ginawa ka bang kalokohan ha, Kiara?" Nagdududang tanong nito.Pilit na ngumiti siya. "Si kuya Kier naman, may ginawa agad kalokohan? Nagdi-daydream lang naman ako." Palusot niya. Lima silang magkakapatid, siya ang bunso at nag iisang babae. Sa bahay nila ay mas kinakatakutan ang kuya Kier niya. Tila isa itong batas na bawal suwayin, gano'n pa man ay mataas ang respeto ng kapatid niya sa kanilang ama. "Better be, Kiara, dahil malilintikan ka sa akin sa oras na gumawa ka ng kalokohan." Banta ni Kier. "By the way, I want you to break up with that man name Cyrus, I don't like him for you.""Kier, let Kiara finish her food." Sabat sa usapan ng kanilang ama, ang kanilang ina ay nakikinig lang, nakahanda na mangialam at ma
[Kiara]"Ma'am Kiara, tinatanong ni Mr. Cruz kung pwede na ikaw na ang pumunta sa venue, mas mainam daw na ma-check niyo ang lugar para ma-finalized po ang flower arrangement design na mas babagay." Saad ni Lyca ng makita siya nito."I'll call him later, Lyca. Iyong sa wedding anniversary nila Mrs. Polita, natapos na ba?" Tanong niya na tinanguhan naman agad nito. "Mabuti naman. Nasaan si Kian?" Aniya habang nililibot ang kanyang mata sa paligid."Mi!" Gumuhit ang ngiti sa labi niya ng makita ang limang taon na anak. "Miss you my baby boy." Aniya sa malambing na tinig. Pinaghahalikan niya ang anak sa mukha na ikinatawa nito ng mahina."Miss you more, Mi." Ani Kian, Mi is short for Mommy. Sandali lamang niya itong hindi nakasama subalit pakiramdam niya ay nawalay ito ng matagal sa kanya.Nang matuon ang atensyon ni Kian sa hawak na laruan ay lumapit sa kanya si Dina."Kamusta na ang date? Pasado ba?" Tanong ni Dina, nasa flower shop ang mga kaibigan niya para bantayan si Kian at hinta
[Kiara]"What? Baliw ka na ba, Kiara? Paano ka makakahanap agad ng daddy ni Kian, eh wala ka ngang boyfriend?" Reaksyon ni Klea ng banggitin niya ang tungkol sa paghahanap ng daddy ng kanyang anak."Mahirap makahanap ng matinong lalaki ngayon. So make sure na mabuting tao ang mahahanap mo." Ani Dina. "Saka sa dinami-dami ng pina-blind date ko sa'yo ay wala ka namang nagustuhan. Sabi mo nga di'ba pare-pareho lang ang mga lalaki. Paano mo nasisiguro na hindi lang sex ang magiging habol ng tao na mahahanap mo? Look at you, Kiara." Itinuro ni Dina ang kabuohan niya. "You're so beautiful that's why every man will imagining a lot of sexy scenes with you in their mind, kaya wag ka ng magtaka kung bakit sex agad ang nasa isip nila.""Kaya nga nagsisimula na akong maghanap, kailangan ko ng makakita ng ideal dad para sa anak ko. Iyong mamahalin siya na parang isang tunay na anak at hindi dahil lang sa maganda ako kaya gusto akong pakasalan." Paliwanag niya. "Saka baka pwede kapag nag usap kayo a
[Kiara]Kumatok siya sa nag iisang pinto na nasa 24th floor. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay walang nagbukas. Ang sabi ay narito daw ang CEO. Pero bakit mukhang wala namang tao? Wala din ang secretary nito.Ngumiti siya ng may lalaki na nagbukas ng pinto para sa kanya. Pero agad na nawala ang ngiti niya ng makilala kung sino 'to, si Grant!"Papasok ka ba o tatayo ka nalang riyan?" Tanong nito sa kanya.Natauhan naman siya at pumasok sa loob. Nagtataka man siya ay hindi na siya nagtanong pa. Sa tingin niya talaga ay empleyado 'to ng kumpanya kaya ito narito. Katulad kanina ay hinarang niya ang malaking bouquet sa kanyang mukha."Have a seat." Iminuwestra ni Grant ang kamay para maupo siya.Hindi siya umupo. "Nandito lang ako para ideliver ang mga bulaklak na 'to kay Mrs. Graciela. Pero dahil wala siya ay dito ko nalang iiwan sa opisina ng anak niya." Inilapag niya ang bouquet ng bulaklak sa desk. Halos mabali ang leeg niya sa tindi ng pagkakayuko ng ulo niya para hindi makita ni
[Kiara]Natigil siya sa pag alala sa nakaraan ng marinig ang boses ni Grant."Pag isipan mong mabuti ang inaalok ko sayo, Kiara. Handa akong maghintay sa loob ng dalawang buwan. Hindi naman ako nagmamadali, so take your time. Siya nga pala, lilinawin ko lang. Kapag pumayag ka sa alok ko, gagawin natin lahat ng ginagawa ng mag asawa, including sex." Nanigas siya sa sinabi nito. Including 'sex' daw!Namutla siya at muntik ng matumba. Nanginginig ang katawan niya. Nagsisimula na siyang makaramdam ng takot.Tumayo si Grant ng mapansin ang kalagayan niya. Lumapit ito sa kanya at bahagyang inalog ang balikat niya."Kiara? What's wrong?" May pag aalala sa boses na tanong nito."I-I have to go." Nginig ang boses na sabi niya. Inalis niya ang kamay ni Grant sa balikat niya."Ihahatid na kita—""W-Wag na, salamat nalang." Tanggi niya kay Grant. Nagmamadali siyang umalis. Lalo siyang hindi papayag sa inaalok nito. Lalo na ngayon na nalaman niya na kailangan din nilang gawin ang bagay na 'yon.[G
[Grant]Nanatiling tikom ang labi niya at hinayaan si Bea na saktan siya. Hindi niya inakala na may taong nakakaalam ng sekreto niya six years ago. Alam niyang mali ang ginawa niya. Pero dahil sobra siyang nasaktan at bulag sa pagmamahal niya kay Kiara ay hindi na siya nakapag isip ng tama. Nang makita n'yang ngumingiti 'to kay Cyrus ay kinain siya ng selos. Gusto niyang balikan siya ni Kiara!Nang makita niya ang dalaga na mag isang pumasok sa kwarto ay tila na-demonyo ang utak niya. Naghalo-halo ang nararamdaman niya.Selos at galit.Pero ng mahimasmasan siya ay nagsisi din siya sa nagawa niya. Pero huli na Nagawa na niyang kunin ang dangal nito. Nang umalis siya ng tuluyan sa Pilipinas ay pilit niyang binaon ang ginawa niya at sinabi na hindi na siya babalik ng Pilipinas. Pero nagbago lahat 'yon ng malaman niya ang nangyari kay Kiara ng magkwento ang kaibigan niyang si Kier sa kanya ng bisitahin siya nito sa America. Hindi niya inakala na nagbunga ang ginawa niya at si Kiara ay n