[Kiara]
"KIARA!"Napapitlag siya sa gulat ng dumagundong ang boses ng kanyang nakatatandang kapatid na si Kier."H-Ha?" Wala sa sariling sambit niya."Kanina ka pa tinatanong ni Dad, Kiara. Bingi ka ba?" May inis sa boses ng kuya Kier niya habang nakatingin sa kanya. "May ginawa ka bang kalokohan ha, Kiara?" Nagdududang tanong nito.Pilit na ngumiti siya. "Si kuya Kier naman, may ginawa agad kalokohan? Nagdi-daydream lang naman ako." Palusot niya. Lima silang magkakapatid, siya ang bunso at nag iisang babae. Sa bahay nila ay mas kinakatakutan ang kuya Kier niya. Tila isa itong batas na bawal suwayin, gano'n pa man ay mataas ang respeto ng kapatid niya sa kanilang ama."Better be, Kiara, dahil malilintikan ka sa akin sa oras na gumawa ka ng kalokohan." Banta ni Kier. "By the way, I want you to break up with that man name Cyrus, I don't like him for you.""Kier, let Kiara finish her food." Sabat sa usapan ng kanilang ama, ang kanilang ina ay nakikinig lang, nakahanda na mangialam at magsalita kung mayro'n itong hindi magustuhan."I already did, Kuya." Nakayuko na saad niya.Dalawang buwan na ang nakakaraan simula ng makuha ang virginity niya ng tao na hindi niya kilala. Nang magising siya ay gusto niya na magsumbong sa pulis at magsabi sa magulang niya pero hindi niya nagawa, pinangunahan siya ng takot. Kilalang businessman ang ama at mga kapatid niya, kaya natatakot siya sa maaaring idulot na gulo at kahihiyan sa pamilya niya ang nangyari sa kanya. Ang una niyang ginawa ng magising siya ay nakipaghiwalay siya kay Cyrus. Hindi niya kaya na ituloy pa ang relasyon nila. Nandidiri siya sa kanyang sarili at natatakot siya na madikitan nito. Pakiramdam niya ay mayro'n itong gagawin na hindi maganda sa kanya."Really? Well that's good. Kumain ka na dahil ako na ang maghahatid sayo sa university." Ani Kier.Mabuti nalang at wala sa bahay ang lahat ng mga kuya niya. Dahil tiyak siya na hindi lang ang kuya Kier niya ang nagsasalita ngayon, maging ang mga ito.Natigil siya sa pagsubo ng maramdaman ang pag ikot ng sikmura niya."Kiara!" Tawag ng kuya Kier niya ng patakbong umalis siya sa hapagkainan.Agad na sinuka niya ang lahat ng kinain ng makarating sa banyo. Nanghihina na sumandal siya sa bowl at pumikit. Tatlong linggo na siyang nakakaranas ng pagsusuka tuwing umaga."Buntis ka ba, Kiara?"Dumilat siya at nakita ang mommy niya. Nakatayo na ito sa harap niya habang ang mata ay puno ng pagdududa. Napalunok siya. Pilit na inaalala niya ang huling dalaw niya.Umawang ang labi niya ng maalala na hindi siya dinatnan ng dalawang buwan!"I'm asking you again, Kiara, buntis ka ba?!" Malakas na ang boses na tanong ng Mommy niya. Halata ang pagpipigil ng galit sa boses nito.Nagsimulang mangilid ang luha sa pisngi niya. Saka lang niya naalala ang mga pagbabago na nangyari sa kanya— sa katawan niya. Lahat ng perfume niya ay pinalitan niya dahil nasusuka siya sa amoy. Ang amoy ng black coffe ng daddy niya ay gustong-gusto niya, samantalang noon ay ayaw niya. Hindi rin siya dumidikit sa mga kapatid niya, specifically sa pangalawa niyang Kuya na si Kevin dahil sa amoy nito, na dati ay gustong-gusto niya.SLAP!!!Isang sampal ang nagpagising sa kanya. Sampal ng Mommy niya."Sino ang ama?" Halata ang pagpipigil sa boses ng Daddy niya. Nakatayo na ito ngayon sa tabi ng Mommy niya."Dad-""Sino ang ama!"Napaiyak siya sa takot. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nasigawan ng daddy niya. Itinuring siya nito na parang isang prinsesa. Ito ang kakampe niya sa tuwing pagagalitan siya ng mga kapatid niya at ng Mommy niya."Si Cyrus ba? Ang binanggit ng Kuya mo kanina?" Hinarap ng Daddy niya si Kier. "Come on, Kier, let's find that man, kailangan niyang managot sa ginawa niya sa kapatid mo-""No, Dad!" Agad niya itong hinawakan sa kamay upang pigilan. "Hindi po siya ang ama." Ayaw man niya iyong sabihin ay wala siyang pagpipilian."Then tell us who is that fucking man, Kiara!" Giit ng kuya Kier niya. Bakas na ang galit sa mukha nito ngayon.Paano niya sasabihin sa mga ito kung maging siya ay hindi niya kilala kung sino nga ba ang nakabuntis sa kanya?"I...I don't know, Dad." Humihikbing sambit niya. Hinding-hindi siya aamin na nagahasa siya. "I was drunk and I don't remember his face-" Isang sampal muli ang natamo niya sa kanyang ina."Isa kang kahihiyan! Nagpabuntis ka sa taong hindi mo kilala!" Galit na galit na ang Mommy niya habang nakatingin sa kanya.Nasasaktan siya hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi dahil sa binigay niyang sama ng loob at kahihiyan sa mga ito.Sigurado siya na hindi matatanggap ng Mommy niya ang kahihiyan na maaari n'yang dalhin sa pamilya nila."Get out of this house, Kiara, at wag kang babalik hangga't hindi mo naihaharap sa amin ang lalaking bumuntis sayo!" Namumula sa galit na sigaw ng Daddy niya. "Roberto at Berting!" Tawag ng kanyang ama sa naglalakihang tauhan nito. "Ilabas niyo ang babaeng 'yan sa pamamahay ko!"Natigilan ang dalawa. "Eh sir, si ma'am Kiara ho?" Tanong ni Berting ng hindi makatiis, naninigurado ang tono nito."You heard my husband, Berting. Take her away, now!" Matigas na utos ng mommy niya.‘Hindi!’ Sigaw ng utak niya.Umiling-iling siya. "No! Daddy please!" Nagsimula siyang magpumiglas ng hawakan siya ng dalawa. Bakas sa mukha ng mga ito ang awa para sa kanya. "Kuya Kier, help me please! Kuya—""Tama si mommy, Kiara, isa kang kahihiyan sa angkan ng Somana... Simula ngayon ay wag mo na ako tawaging 'kuya' dahil hindi ka na namin kilala." Ani Kier na walang emosyon ang mukha.Halos madurog ang puso niya sa narinig na sinabi ng kapatid."K-Kuya, please wag naman kayong ganito sa akin." Humihikbing yumakap siya sa nakatatandang kapatid pero itinulak siya nito. Luhaan ang mukha na nag angat siya ng tingin rito. “K-Kuya, nagmamakaawa ako…” Puno ng pagsamo ang tinig niya."Ilabas niyo na siya at wag hayaan na makabalik sa loob ng pamamahay na ito. Narinig niyo naman ang sinabi ni dad. Take her away from this house.” Ani kuya Kier at tinalikuran na siya kasama ang magulang niya.Pakiramdam niya at dinurog ang puso niya sa sakit. Tila namanhid ang sistema niya sa narinig. ‘Hindi… hindi nila ito kayang gawin sa akin!’"Daddy! Mommy!" Tawag niya na may pagmamakaawa. Ngunit hindi siya nilingon ng mga ito. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak. Hindi niya akalain na magagawa ito ng kanyang pamilya sa kanya.Ang pamilya na akala niya ay siyang unang tutulong sa kanya sa oras na kailangan niya ay wala na. Ang mga ito pa ang unang tumalikod sa kanya.Kung totoo nga na buntis siya. Paano na siya ngayon?Hinawakan niya ang puson. Hindi niya napigilan ang mapahagulhol ng malakas.“P-Paano na ako ngayon?”[Kiara]"Ma'am Kiara, tinatanong ni Mr. Cruz kung pwede na ikaw na ang pumunta sa venue, mas mainam daw na ma-check niyo ang lugar para ma-finalized po ang flower arrangement design na mas babagay." Saad ni Lyca ng makita siya nito."I'll call him later, Lyca. Iyong sa wedding anniversary nila Mrs. Polita, natapos na ba?" Tanong niya na tinanguhan naman agad nito. "Mabuti naman. Nasaan si Kian?" Aniya habang nililibot ang kanyang mata sa paligid."Mi!" Gumuhit ang ngiti sa labi niya ng makita ang limang taon na anak. "Miss you my baby boy." Aniya sa malambing na tinig. Pinaghahalikan niya ang anak sa mukha na ikinatawa nito ng mahina."Miss you more, Mi." Ani Kian, Mi is short for Mommy. Sandali lamang niya itong hindi nakasama subalit pakiramdam niya ay nawalay ito ng matagal sa kanya.Nang matuon ang atensyon ni Kian sa hawak na laruan ay lumapit sa kanya si Dina."Kamusta na ang date? Pasado ba?" Tanong ni Dina, nasa flower shop ang mga kaibigan niya para bantayan si Kian at hinta
[Kiara]"What? Baliw ka na ba, Kiara? Paano ka makakahanap agad ng daddy ni Kian, eh wala ka ngang boyfriend?" Reaksyon ni Klea ng banggitin niya ang tungkol sa paghahanap ng daddy ng kanyang anak."Mahirap makahanap ng matinong lalaki ngayon. So make sure na mabuting tao ang mahahanap mo." Ani Dina. "Saka sa dinami-dami ng pina-blind date ko sa'yo ay wala ka namang nagustuhan. Sabi mo nga di'ba pare-pareho lang ang mga lalaki. Paano mo nasisiguro na hindi lang sex ang magiging habol ng tao na mahahanap mo? Look at you, Kiara." Itinuro ni Dina ang kabuohan niya. "You're so beautiful that's why every man will imagining a lot of sexy scenes with you in their mind, kaya wag ka ng magtaka kung bakit sex agad ang nasa isip nila.""Kaya nga nagsisimula na akong maghanap, kailangan ko ng makakita ng ideal dad para sa anak ko. Iyong mamahalin siya na parang isang tunay na anak at hindi dahil lang sa maganda ako kaya gusto akong pakasalan." Paliwanag niya. "Saka baka pwede kapag nag usap kayo a
[Kiara]Kumatok siya sa nag iisang pinto na nasa 24th floor. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay walang nagbukas. Ang sabi ay narito daw ang CEO. Pero bakit mukhang wala namang tao? Wala din ang secretary nito.Ngumiti siya ng may lalaki na nagbukas ng pinto para sa kanya. Pero agad na nawala ang ngiti niya ng makilala kung sino 'to, si Grant!"Papasok ka ba o tatayo ka nalang riyan?" Tanong nito sa kanya.Natauhan naman siya at pumasok sa loob. Nagtataka man siya ay hindi na siya nagtanong pa. Sa tingin niya talaga ay empleyado 'to ng kumpanya kaya ito narito. Katulad kanina ay hinarang niya ang malaking bouquet sa kanyang mukha."Have a seat." Iminuwestra ni Grant ang kamay para maupo siya.Hindi siya umupo. "Nandito lang ako para ideliver ang mga bulaklak na 'to kay Mrs. Graciela. Pero dahil wala siya ay dito ko nalang iiwan sa opisina ng anak niya." Inilapag niya ang bouquet ng bulaklak sa desk. Halos mabali ang leeg niya sa tindi ng pagkakayuko ng ulo niya para hindi makita ni
[Kiara]Natigil siya sa pag alala sa nakaraan ng marinig ang boses ni Grant."Pag isipan mong mabuti ang inaalok ko sayo, Kiara. Handa akong maghintay sa loob ng dalawang buwan. Hindi naman ako nagmamadali, so take your time. Siya nga pala, lilinawin ko lang. Kapag pumayag ka sa alok ko, gagawin natin lahat ng ginagawa ng mag asawa, including sex." Nanigas siya sa sinabi nito. Including 'sex' daw!Namutla siya at muntik ng matumba. Nanginginig ang katawan niya. Nagsisimula na siyang makaramdam ng takot.Tumayo si Grant ng mapansin ang kalagayan niya. Lumapit ito sa kanya at bahagyang inalog ang balikat niya."Kiara? What's wrong?" May pag aalala sa boses na tanong nito."I-I have to go." Nginig ang boses na sabi niya. Inalis niya ang kamay ni Grant sa balikat niya."Ihahatid na kita—""W-Wag na, salamat nalang." Tanggi niya kay Grant. Nagmamadali siyang umalis. Lalo siyang hindi papayag sa inaalok nito. Lalo na ngayon na nalaman niya na kailangan din nilang gawin ang bagay na 'yon.[G
[Grant]Nanatiling tikom ang labi niya at hinayaan si Bea na saktan siya. Hindi niya inakala na may taong nakakaalam ng sekreto niya six years ago. Alam niyang mali ang ginawa niya. Pero dahil sobra siyang nasaktan at bulag sa pagmamahal niya kay Kiara ay hindi na siya nakapag isip ng tama. Nang makita n'yang ngumingiti 'to kay Cyrus ay kinain siya ng selos. Gusto niyang balikan siya ni Kiara!Nang makita niya ang dalaga na mag isang pumasok sa kwarto ay tila na-demonyo ang utak niya. Naghalo-halo ang nararamdaman niya.Selos at galit.Pero ng mahimasmasan siya ay nagsisi din siya sa nagawa niya. Pero huli na Nagawa na niyang kunin ang dangal nito. Nang umalis siya ng tuluyan sa Pilipinas ay pilit niyang binaon ang ginawa niya at sinabi na hindi na siya babalik ng Pilipinas. Pero nagbago lahat 'yon ng malaman niya ang nangyari kay Kiara ng magkwento ang kaibigan niyang si Kier sa kanya ng bisitahin siya nito sa America. Hindi niya inakala na nagbunga ang ginawa niya at si Kiara ay n
[Kiara]BORACAY.Tuwang-tuwa ang mga tauhan niya sa flower shop ng makarating sila sa Boracay. Pagkagaling nila sa hotel kung saan sila nagpabook ay agad na humanap sila ng restaurant na pagkakainan."Ma'am, ang ganda dito, pwede bang dito nalang tayo?" Biro ni Lyca. Bakas ang saya sa mukha nito, katulad ng iba pang mga kasama."Pwede naman eh, kung gusto mo iiwan ka nalang namin dito." Birong sagot ni Willy, kaya inirapan 'to ni Lyca."Mi, pwede na ba tayong magswim?" Tanong ni Kian sa kanya."After natin kumain, anak. But for now let's enjoy our food." Aniya."Sinabi mo pa, Ma'am. Hindi ako tatayo rito hangga't hindi ko nauubos 'tong mga seafood! Mag eenjoy ako sa pagkain ng mga 'to!" May laman pa ang bibig na sabi ni Noel na ikinatawa ng mga kasama.Napatigil siya sa pagkain ng makita ang lalaki na kapapasok lang sa restaurant. Ang liit nga naman ng mundo. Nasa iisang lugar lang sila ni Grant."OMG, Ma'am! 'Yong sikat na Filipino singer na sumikat sa America, narito siya!" Tumitili
[Kiara]"Pumapayag na ako na magpakasal tayo at maging ama ka ni Kian, Grant." Agqd na sabi niya kay Grant.Nakapag desisyon na siya. Hindi na siya magdadalawang isip pa dahil para naman sa anak niya ang gagawin niya.Napangiti si Grant ng marinig ang sinabi niya. "Mabuti naman at pumayag ka na." Tumango siya. "Oo pumapayag na ako. Basta para sa anak ko, Grant. Alam ko na magiging masaya siya sa desisyon ko." Pinahid niya ang luha sa mata. Alam niya na tama ang desisyon niya. "May kondisyon ako, Grant...." Bumuga siyq ng hangin. "Huwag mo sana masamain pero pwede ba na wag muna natin isama ang pagse-sex sa kontrata natin? H-hindi ko pa kaya gawin ang bagay na 'yon. Pasensya ka na..."Tumango-tango si Grant na para bang naiintindihan ang sinabi niya. "Naiintindihan kita, Kiara. Huwag kang mag alala. Hindi kita pipilitin sa bagay na hindi mo gustong gawin. Ang mahalaga sa ngayon ay pumayag ka na makasal sa akin at maging asawa ko. I'll promise, I will take care of you both." Nabigla
INILAPAG ni Paul ang isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon sa harap ng kanyang kapatid na si Graciela. "Narito na ang mga impormasyon tungkol kay Miss Kiara Somana, ate Graciela. Nag iisa pala siyang anak na babae ng mga Somana, ngunit itinakwil siya ng pamilya ng siya ay mabuntis ng hindi kilalang lalaki." Paliwanag ni Paul sa kapatid. "Nagkaroon siya ng nobyo, si Cyrus Bautista. Nakapagtataka na hindi daw ito ang ama ng anak ni Miss. Kiara, samantalang ito palang ang naging nobyo ng dalaga."Lalo lang nagngitngit sa galit si Graciela sa nalaman. "Isa palang puta talaga ang babaeng 'to! Isang kahihiyan sa pamilya kung hahayaan ko na maikasal ang anak kong si Grant sa disgrasyadang babae na 'yan!""Hindi naman ganyan ang narinig ko tungkol kay Miss Kiara ate Graciela, hindi naman siya isang malanding babae-""Tumahimik ka, Paul! Wag kang magmarunong! Kung hindi siya isang puta, bakit siya nagpabuntis sa murang edad? Hindi lang iyon, wala pang ama ang kanyang anak! Sayang at g