BUKAS PO NG ALAS 9AM ANG UPDATE! MARAMI PONG TWIST ITO KAYA ABANGAN NIYO LANG! SALAMAT PO SA PAGBABASA!
INILAPAG ni Paul ang isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon sa harap ng kanyang kapatid na si Graciela. "Narito na ang mga impormasyon tungkol kay Miss Kiara Somana, ate Graciela. Nag iisa pala siyang anak na babae ng mga Somana, ngunit itinakwil siya ng pamilya ng siya ay mabuntis ng hindi kilalang lalaki." Paliwanag ni Paul sa kapatid. "Nagkaroon siya ng nobyo, si Cyrus Bautista. Nakapagtataka na hindi daw ito ang ama ng anak ni Miss. Kiara, samantalang ito palang ang naging nobyo ng dalaga."Lalo lang nagngitngit sa galit si Graciela sa nalaman. "Isa palang puta talaga ang babaeng 'to! Isang kahihiyan sa pamilya kung hahayaan ko na maikasal ang anak kong si Grant sa disgrasyadang babae na 'yan!""Hindi naman ganyan ang narinig ko tungkol kay Miss Kiara ate Graciela, hindi naman siya isang malanding babae-""Tumahimik ka, Paul! Wag kang magmarunong! Kung hindi siya isang puta, bakit siya nagpabuntis sa murang edad? Hindi lang iyon, wala pang ama ang kanyang anak! Sayang at g
[Kiara]Bumuga ng hangin si Grant bago inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa tapat na sila ng maliit na apartment kung saan sila nakatira mag ina.Nang papasok na siya sa bahay ay hinila siya ni Grant. Mabilis na pumaikot ang braso nito sa balingkinatan niyang katawan."I must apologize for what my mother's said, Kiara. I'm really sorry." Nagsimulang manubig ang mata niya. Dahil sa pag ungkat ng Ginang sa pamilya niya ay naalala niya ang lahat. Nabuhay ang galit niya sa pamilya niya. Ang sakit at pait sa dibdib niya ay muli niyang naramdaman.Pero tama ang Mama ni Grant. Isa siyang kahihiyan..."Ako dapat ang humingi ng sorry, Grant." Lumayo siya kay Grant at pinahid ang luha. "Sorry kasi magpapakasal ka sa isang tulad kong disgrasyada. Pero Grant maniwala ka hindi ko ginusto na mangyari sa akin 'to. Hindi ko ginusto na mapunta sa sitwasyong 'to." Nang maalala ang nangyari sa kanya ay lalo siyang napaluha. Lumayo siya kay Grant.Niyakap niya ang sarili at nagyuko ng ulo. Sigura
[David](David FLASHBACK)Nang bayaran niya ang bill ng babae na Kiara ang pangalan ay palagi na siyang nakasubaybay rito. Nalaman niya na may dengue ang anak nitong lalaki at walang ibang pamilya na dumadalaw rito."Salamat po Diyos ko. Kung sino man po ang taong 'yon pagpalain ninyo siya ng doble at bigyan ng umaapaw na biyaya. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang tulong niya!" Umiiyak at nakaluhod na dasal ng babae sa loob ng chapel ng hospital.Sinundan niya si Kiara hanggang dito.Sumilay ang ngiti niya sa labi sa sinabi ng babae. Hindi siya sigurado kung dalaga pa ba 'to o may asawa na. Pero sa napapansin niya na wala itong kasama o dumadalaw na lalaki rito o maski isang kaibigan.Isang araw ay bigla nalang siya nilapitan ni Kiara."Mister, maraming salamat po sa tulong mo." Umiiyak na saad ni Kiara. "Salamat po talaga!"Nagulat siya. Paano nito nalaman ang ginawa niya? Gayong confidential ang bagay na 'yon?"Napansin ko kasi na palagi kayong nakatingin at nakasunod sa akin at
[Kiara]"Ma'am, pasensya na pero nasa garden si Senyora nagpipinta. Gusto ko man kayo dalhin sa kanya ay hindi muna sa ngayon. Hintayin ho muna natin siya na matapos sa ginagawa niya." Ani ng isang kasambahay ng mga Saavedra sa kanya.Narito siya ngayon sa mansion ng mga Saavedra para kausapin ang ina ni Grant."Sige ayos lang. Maghihintay nalang ako sa kanya hanggang sa matapos siya." Aniya.Alam niya na nasa opisina si Grant. Sinadya niya magpunta dito ng hindi alam ng binata. Hindi niya gusto malaman nito ang tungkol sa ginawa sa kanya ng Mama nito. Paano kung magalit ito sa sariling ina? Eh kung paano sa kanya 'to magalit at isipin na nagsisinungaling siya?"Ma'am, ayos lang sa'yo na maghintay ng mga tatlong oras?" Tanong ng kasambahay."Tatlong oras?" Di makapaniwala na tanong niya. Nasa garden ang ina ni Grant ng tatlong oras para lang magpinta? Nagpipinta ba talaga ito o nagdadamo?"Ah... kasi ho..." Alanganin ang mukha na bumulong ang babae sa kanya. "Ganyan na talaga si Sen
[Kiara]"Daddy!" Agad na yumapos si Kian kay Grant ng dumating ito. "Aalis na po tayo?" "Yes. I miss you, son. Excited ka na ba?" Tanong ni Grant."Opo, daddy! Pero saan po tayo pupunta? Wala naman daw po akong Lola saka Lolo at saka mga tito sabi ni Mi." Tumingin si Grant sa kanya dahil sinabi ng anak."Kian, mamaya pa tayo aalis. Mag uusap pa kami ng daddy mo." Sabi niya sa anak at saka tumingin ng seryoso kay Grant. "Mag uusap tayo, Grant." Hinintay muna niya na makalayo ang anak bago nagsalita. "Balak mong dalhin ang anak ko sa mga Somana?" Halata ang pagkabigla sa mukha ni Grant.Well, inaasahan na niya 'yon."Somana?" Takang ulit nito. Hindi siya sumagot.Tumango-tango si Grant na tila ba nakaunawa. "Dahil ikakasal na tayo. Naisip ko na ipaalam sa pamilya mo ang tungkol sa kasal natin—""Hindi na kailangan, Grant. Hindi nila kailangang malaman. Hindi sila kailangan na imbitahan at lalong hindi sila kailangan na makilala ng anak ko." Matigas ang tinig na wika niya na tila hin
"Nakita mo na, Belinda? Mana ang babaeng 'yon sa kanyang ina!" Hindi maipinta ang mukha ni Graciela habang nasa isa silang restaurant ng kaibigang si Belinda. Pagkagaling nila sa Salon ay dito sila dumiretso. "Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magkaroon ng isang apo na hindi ko naman kadugo! Nabilog na ng putang 'yon ang utak ni Grant!""Gracie, wag ka naman ganyan kay Kiara. Sa ayaw at sa gusto mo ay mapapangasawa na siya ni Grant kaya tanggapin mo nalang. Saka maniwala ka sa akin, mabuting bata si Kiara." Ngunit kahit anong paliwanag ni Belinda ay walang pakialam si Graciela."Hindi mo ako naiintindihan, Belinda. Sigurado ako na pera lang ang habol ng babaeng 'yon sa anak ko! Tinakwil na siya ng mga Somana kaya naman naghahanap ang babaeng 'yon ng makakapitan, kumbaga para siyang linta! Kung saan may masisipsip na dugo ay naroon siya!" Litanya ng ayaw magpatalo na si Graciela. Napailing nalang si Belinda sa sinabi ng kaibigan, hindi talaga niya mababago ang pananaw nito.[Somana
KANINA pa hindi mapakali si David. Alam niya na hindi tama na mangialam siya pero hindi niya kayang makita na nahihirapan si Kiara. Alam niya kung gaano naghirap ang kaibigan n'yang si Kiara para itayo ang negosyo nito. Binigyan niya ang dalaga ng trabaho noon bilang isang sales agent. Halos hindi na natutulog si Kiara makabenta lang ng mga properties at makakuha ng malaking kumisyon. Nang makaipon ay saka ito magtayo ng flower shop.Bumuga siya ng hangin at saka tumayo. Gagawin niya kung alin ang sa tingin niyang tama....[Kiara]HABANG naglalakad siya sa GS building ay ramdam niya ang tingin ng mga empleyado sa kanya. Masyado ba niyang pinaghandaan ang pagpunta kay Grant? Tatlong araw na ang lumipas mula ng may namagitan sa kanilang halik at aaminin niya na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Grant...Teka, nagugustuhan na kaya niya ang binata?Himinto siya sa paglalakad at kinapa ang dibdib. Ramdam niya ang kakaibang tahip no'n. Nahuhulog na ba talaga siya kay Grant? Deny
[Kiara]HALOS hindi niya na makita ang tinatahak na daan dahil sa luha niya sa mata. Nabuhay ang sakit at galit na halos apat na taon niyang binaon sa puso niya nang maalala ang ginawa sa kanya noon ng sarili niyang pamilya.………"KIARA, ikaw tawag telepono! Anna daw!" Malakas na tawag ng amo niyang chinese.Narito siya nagtatrabaho bilang isang sale lady sa isang maliit na botique. May kalakasan ang benta, ngunit mababa ang pasahod, sapat lang para pambayad sa maliit nilang inuupahang bahay, pambayad ng kuryente, pambayad ng tubig, pagkain, gatas at diaper ng kanyang anak na si Kian na mahigit isang taon na ang edad.Agad na tumayo siya para magpunta sa telepono. Nakaramdam siya ng kaba dahil oras ng trabaho niya at biglang tumawag si Anna."Hello—""Kiara, nandito kami sa hospital! Si Kian kasi bigla nalang dumugo ang ilong at sobrang taas ng lagnat!" Agad na bungad ni Anna.Dahil sa narinig ay nagmamadali siyang tumakbo."Kiara, ikaw di pa tapos tarbaho! Kung ikaw alis ngayon at di b