Share

PAGTANGGAP SA KATOTOHANAN

WALANG NAGAWA SI Solenne kung hindi ang isunod ang kanyang katawan sa paghatak ng lalake na nakapigil sa kanya, upang hindi ganap na mapilipit ang katawan niya.

Hanggang sa makarating sila sa sulok ng isang eskinita.

Magkahalong tuwa at takot ang naramdaman niya nang sa wakas ay alisin ng lalake ang kamay nito sa kanyang bibig at marahang humarap sa kanya.

“Brendon?”

“Ako nga, Mama.”

Puno ng kaligayahang nagyakap ang mag-ina.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” Ang magkasabay na tanong ng dalawa sa isa’t isa nang bumitiw sa yakapan nila.

Nagkatitigan ang mag-ina.

“Ikaw muna,” saad ni Solenne kasabay sa pagturo sa anak, “ano ang ginagawa mo rito,” ang tanong niya.

“Hindi ko maipaliwanag,” parang naguguluhan ang isip na sagot ng anak, “parang hinatak lang ako ng paa ko rito. Tapos, nakita kita na parang wala sa sarili at walang tiyak na pupuntahan.”

Nagkatitigan ang dalawa.

“Ikaw, Ma, ano'ng ginagawa mo rito?” Tanong ni Brendon kasabay sa paglinga sa paligid,

Matagal bago nakasagot n
Em Dee C.

Hi, Em Dee C, here. Send me your comments. Thanks!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status