"Aabutin ilang oras ang byahe patungong Hacienda. Dalawang beses lang tayo hihinto para makarating tayo roon ng mas maaga. Malubak at mahirap ang daan patungo roon, kaya delikado kapag gabihin tayo." Sabi ng driver.
"Isang hinto natin ay sa gasoline station. Kaya sana ang gustong umihi at bumili ng makakain, gawin niyo na roon." Dagdag niya pa.
Tahimik namang nag sitanguan ang aking kasamahan, tahimik na iniintindi ang aming sitwasyon.
"Pinabibigay pala ito ng iyong ama," Napaangat ako ng tingin kay Huby na nakaupo sa aking harapan. Nakatagilid ito ngayon habang mayroong maamong ekspresyon. Tahimik kong kinuhaang kanyang inabot na subre. Probably an allowance. I smirked at that thought. May paki rin pala Ang ama ko sa akin, huh.
&n
Tulad ng napag-usapan, dalawang beses lamang kaming huminto sa buong byahe. At ngayon, ang siyang huling hinto namin, sa mismong bayan na malapit sa Hacienda."Tandaan mo ang pasikot sikot dito dahil ang isa sa trabaho mo ay ang mamamalengke." Malamig na sabi ni Nena.Tumanago ako sa kanya at nilibot ang tingin sa buong paligid. Alas quatro na na hapon at dagsa pa rin ang tao sa bayan. Sari-sari ang mga paninda at ang buong tao, hindi man kami kilala, ay binabati o hindi kaya'y binibigyan kami ng ngiti."Sa kwadra ng kabayo ka maglilinis at ikaw din ang nakatoka sa pagpapakain ng mga inahin at ng mga alagang kabayo. Kaya maglibot ka sa buong bayan at bilhin mo itong lahat. Mag tanong tanong ka."
Malaki ang Hacienda. Madadaanan muna ang ilang hektaryang plantasyon bago makarating sa mismong lugar. Malaki, ngunit hindi kasing laki ng Mansion nila sa Manila."Maganda talagang pumili ang mga Maurus sa mga properties." Bulong ni Huby.Tumango ako, sang ayon sa sinabi niya. Walang mga salita ang makakapagsabi kung gaano ka ganda ang Hacienda. Halos lahat, antique ang mga kagamitan. Ang buong hacienda ay napapalibutan din ng mga abstract na pintura, at mga antique base. Hindi lang ito basta bastang mga kagamitan. Isang tingin at malalaman mong pwede kang makulong kapag nabasag o ninakaw mo ang mga ito. At hindi lang nasa labas ang mga magagandang tanawin, dahil sa loob mismo, puno ng mga sari-sari at kakaibang bulaklak. The house is classic but it has a touch of modernity. Very unique, tama lang na pumasa sa
"Hindi ka pa pwedeng mag drive, young master."Hindi lang dahil wala siyang lisensya, kundi dahil hindi ko kailanman nakitang nag drive siya. I didn't even know he could drive! Akala ko habang buhay siyang pagsisilbihan at hindi na kailangang malaman ang mga ganitong gawain.Ngumisi lang siya sa akin at tamad na pinaandar ang engine ng sasakyan."Seatbelt, please."I licked my lips and nodded. "Where are we going?"He shook his head and unbuckled his seatbelt. Nagtaka ako sa kanyang ginawa ngunit agad din namang naliwanagan nang inayos niya ang akin at siniguradong nakakabit ito ng mabuti."Are you hungry?" He asked, so close to my personal space. I avoided his eyes and shook my head.May kinuha siya sa likod at inilapag ang isang paper bag sa aking kandungan. I looked up and he gave me a taunting smile."Snack.""Why are you doing this?""No thank you?" Sumimangot siya.I licked my lips. Mabilis naman akon
Ang masamang tingin ni Nena ang sumalubong sa akin pag tapak ko palang sa lupa."Young master!"Hindi nagka undaugagang dinaluhan ng mga tauhan ang young master at inulan nila ito ng mga tanong tungkol sa sa kanyang kalusugan at seguridad.Paminsan minsan silang napapatingin sa akin, binibigyan din ako ng nakakamatay at mga matang namumuhi, ngunit kapag sa lalaki nakatuon, mabilis itong nawawala at napapalitan ng pag-alala at respeto.Umiling ako at nilampasan ang kumusyon, dumiretso sa loob ng hacienda.“Sir Gualin,” yumuko ng kaunti ang lalaki ngunit ang mga mata ay nasa akin.
“You need to go back as soon as possible, Gualin. Ilang araw na lang at magtatapos na ang Semestral break. Alam kong maraming gagawin ang Student Council.”At hindi maganda na ang Presidente at bise Presidente ay nandito, nagbabakasyon kasama ang mga kabayo at tupa."Nah. We're not that busy." Umiling siya. "Reu isn't busy, especially when it's you."Huminto ako, ganoon din siya. Binuksan ko ang pintuan na kanyang tutuluyan bago siya iritadong tinignan. “Ganoon ka rin kung si Merelle?”Tumawa siya na tila nahihibang na ako. “Ah. I will never spend a tiny bit of my time with that girl. Maghihirap ako pag nagkataon.”
Kaunting panahon, nagpahinga kami bago tumulak sa rancho. Kakasikat lamang ng araw at ang lamig ay hindi pa rin nawawala. Sinamahan pa ng mumunting simoy ng hangin na nag patingkayad ng kagandahan ng buhay probinsya.“Anong sinakyan mo papunta rito, Merelle?” I asked.Tulad ng sinabi ko, malayo ang Hacienda at kukunti lang ang sasakyan na makakapasok dito dahil hindi kagandahan ang daan, hindi pa na aayos ng Maurus.“Si Thesaurus.” Nilapitan niya ang isang kabayo na nakatali sa isang kahoy at hinimas ito.May katamtaman ang laki at sobrang itim, halatang malakas kahit na mukhang wala pa itong katandaan. Halata ring mahirap itong paamohin, mahirap sakyan dahil isang tingin mo palang, mukha
Pumunta agad ako sa barn house at inasikaso ang dapat na asikasuhin. Humilaway si Gualin sa amin, si Merelle naman ay sumama sa ilang trabahador. Habang si Reu naman ay tahimik na nakasunod sa akin.“Ikaw lang ang nagtatrabaho sa parteng ito?” Nilibot niya ang tingin sa paligid, ang ang mga nakahilerang mga hayop.Tumango ako ng hindi siya tinitignan at inaayos ang ventilation system ng lugar."Why are you fixing that? We should call people to-"Umiling ako. “Kaya ko naman.”Ramdam ko ang pag-angal niya.Hindi pa tuluyang naaayos ang lahat d
Mabilis lumipas ang isang linggo. At sa mga panahong iyon, nagawa nga nila- namin, ang mga aktibidades na hinanda ni Reu. Mostly, we spent our time on the ranch. Sa gabi naman ay kumakain sa iba’t ibang maliliit na restaurant ng bayan. Kapag may kakaunting oras, pumapasyal din kami sa mga magagandang tanawin, na si Merelle lang ang nakakaalam sa aming lahat.“It seems like you are very familiar with this place, Merelle.” Puna ni Reu, isang araw habang pumapasok kami sa isang pribadong lupain, malakas ang loob na nag tetrespass dahil ayon kay Merelle, nasa ibang bansa ang may-ari at ang ibang mga tao ay ginagawa rin naman daw ito, para lang puntahan ang sinasabing falls.Huminto at namewang si Merelle. “Dati kaming nakatira ng mama ko sa kabilang lungsod, hindi kalayuan dito. Nakakaabot ako dito kapag sumobra ako sa paglalayas.” Sinamahan niya ito ng pagtawa.Napaisip tuloy ako.Matagal ko nang kilala si Merelle,