Share

Katauhan

Nagkagulo sa buong tanghalan. Nagsilabasan mula sa kawalan ang mga bampirang animo'y mga mababangis na hayop.Karahasan ang naidulot ng mga ito sa mga walang kamalay-malay na mga manunuod sa gabing iyon.

Lahat kinakagat sa leeg at pinapatay sa pamamagitan ng pag-inum at pagtutuyo sa dugo ng mga nasusunggaban.

Balot ang buong lugar ng tanawing kalagimlagim tingnan.

Nagkalat ang mga duguang manunuod na nakabulagta sa lupa. Maririnig pa rin ang mga sigaw ng mga nabibiktima ng mga lumusob na halimaw.

Isang pagsigaw ang binigay nila sa huli patungo sa kanilang kamatayan.

Simula nang magkagulo sa tanghalan, dahil sa mga nagtakbuhan sa takot ang mga tao, hindi ko na nahagilap sa aking paningin ang aking bulag na pinsan. Napuno ng pangamba ang aking puso kung ano na ang nanyari sa kanya. Ngunit bukod sa lahat ng ito, alam kong nakaligtas si Manuela. Kailangan ko siyang hanapin siya upang mailayo rito.

Nagkahiwalay kami nina Natalia at Pablo. Marahil

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status