Share

Chapter 07 - The Little Handgun

Bella Schist

“Kunin mo ‘yan.” Utos ni Sir Lance sa kapatid niya. Napairap naman si Sir Damon sa utos ng kapatid, siguro naman nagising na siya sa kabastusan na ginawa niya kanina.

“Bakit ako?” Reklamo niya. “Baka makabastos ako. Ikaw na lang kaya? Ikaw naman ang boss dito.” Pag-alma ni Sir Damon kay Sir Lance.

“Kunin mo, ikaw na ang nandiyan.” Sabi naman ni Sir Lance pabalik habang nilalaro ang pocket wallet ko.

At pinapaikot-ikot pa niya talaga sa kamay niya. Aba matapos niyong sirain iba sa gamit ko, ‘yan naman ang bibiktimahin niyo. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa ‘kin kapag itong dalawang ‘to ang araw-araw kong makakasama. Mukhang ikakamatay ko ang kunsumisyon.

“Sino ba may idea ng body inspection?” Pabalang na tanong ni Damon. Nakikipagsubukan siya ng titig sa kapatid na walang planong gawin ang sariling utos.

“Kalma nga. Huwag na kayong magtalo. Ako na magtatanggal nito para sa inyo. Daming niyong problema sa buhay.” Sabi ko sa kanila.

“Don’t you dare. Saka ikaw ‘tong dagdag problema sa buhay naming magkapatid. H’wag kang magreklamo riyan baka sampalin kita.” Babala ni Damon.

Kinuha niya ang handgun ko at siya na rin ang nagtanggal ng gun pocket na nakasuot sa hita ko. I didn't even see it coming when he slapped my tights hard. Naiiyak akong napakuyom ng kamay dahil sa galit, kumukulo ang dugo at nanggigigil ako.

“Wow ha? As if namang babarilin ko kayo. Edi pinatay ako ni Hades na demonyo.” Maanghang na saad ko sa kanila. The two of them just shrugged their shoulders off. Mga baliw!

Sinusuri ni Sir Damon ang maliit na handgun ko nang bigla niya itong ikasa. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa direksyon niya. Itinutok niya ang baril sa direksyon kung nasaan si Sir Lance. Ang isa naman ay wala pa ring emosyon at parang hindi man lang nagulat sa inasta ng kapatid niya.

“May silencer din pala ‘to. Kahit sa public areas hindi mo malalaman kung saan nanggaling ang bala oras na hindi mo makita kung sino ang nagpaputok.” Wika niya at tumango-tango.

Kinakabahan ako at hindi ko alam ang gagawin nang biglang magsitayuan ang mga buhok sa batok ko. It came to me to at least interrupt him so that if anything happens, walang masasaktan lalong lalo na ang bagong assignment ko. Magkaroon din ako ng sapat na oras para agawin ang handgun mula sa mga kamay niya oras na mag-isip siya ng masama.

“Pwede na ba ako magbihis? Ang lamig kasi eh. Giniginaw na ako, Sir Damon, Sir Lance. Nakakaginaw ‘yong lamig gawa ng walang hiyang aircon!” Sabi ko sa mga ‘to.

“Why ask?”

“Hindi.” 

Sabay na saad nila. Alerto ang mga malilikot na mata ni Sir Lance at mukhang napagplanuhan na kung ano ang gagawin oras na traydorin siya ng kapatid.

Napamura nalang ako sa isip-isip ko habang dali-daling dinampot ang corporate attire na isusuot ko. Mukhang ako ata ang magpapaputok kapag nagkataon. Ipuputok ko talaga sa ulo niyo ‘yang handgun ko oras na mapikon ako sa inyo.

“Don’t fool around. Hand me the gun first, Damon.” Saad ng bagong boss kong kupal.

Seryoso at mas naging malalim ang boses niya. Nahalata ko sa saglit na takot sa mga mata niya nang paglaruan ito lalo ni Sir Damon. Nakangisi naman ang huli at binabato-bato pa minsan sa hangin ang handgun. Natatawa ito at parang walang takot kahit pa na alam niyang nakakasa at kaunting pagkakamali lang ay puputok ito.

Kinabahan ako ng bahagya. Parang may demonyong sumapi kay Sir Damon sa pagkakataong ‘yon. Nakatingin lang ako at naka-alerto sa susunod pa na mangyayari. Nagulat ako nang bigla kong marinig ang pagkalabit niya sa gatilyo. Napapikit ako at dali-daling sinipa ang baril kasabay ng pagputok nito.

Tumama ang bala sa isang glass trophy sa itaas ng bookshelf na nakapwesto sa likod ng executive desk ni Sir Lance dahilan upang mabasag ito. Tumawa naman ng malakas si Sir Damon habang nakatingin sa ‘kin. Dinampot niya ang handgun mula sa sahig.

“Salo!” Sigaw ni Sir Damon kay Sir Lance. “Mukhang maaasahan mo ang isang ‘to. May sasalo na ng bala para sa ‘yo, tol. Look at her, she has not even dressed herself properly yet she quickly kicked the handgun without even thinking that her breasts would pop out of her brassière.” He stated mockingly.

Pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi ni Sir Damon ay dahan-dahan akong napatingin sa dibdib ko. Naku po! Mabilis ko inayos ang pagkakapuwesto ng bra ko dahil halos lumuwa na ang dalawang papaya ko. Eh kung pumutok sana ‘yang handgun na hawal niyo para naman manahimik na kayo.

Dali-dali akong nagbihis. Parang pinapaso ako ng mga tinginan nila. Napatakbo ako para kunin gun pocket ko hawak ni Sir Damon nang makita kong buksan niya ito. Tangina andun yung diamond keychain ko noe! Ang mahal mahal kaya nang no’n baka kunin niya tapos isangla. Never mind, mayaman sila sa pera hindi niya pagkakainteresan ‘yon.

“Akin nga ‘yan!” Sabi ko sabay hablot. Hinampas ko ang braso niya at tinignan siya ng masama.

“Edi sa ‘yo.” Ma-attitude na sagot niya. Wala talagang modo ang isang tao, I wonder kung pareho sila ng kapatid niyang mukhang nakafreezer ang mukha.

“Nakalusot ka man sa security sa may entrance, well sorry to say this but I will not allow you to use your handgun in my office. I repeat, no guns in my office.” Saad ng bagong boss kong pagmumulan ng bago ring sakit sa ulo. Mukhang mas malala pa ‘to umasta kaysa kay Hiro.

“Confidential ang identity niyo as an agent pero ang lakas ng loob mong dalhin ang secret agent identification card mo. Sabagay kung ako rin naman, talagang aalisin ko mga pabigat at ididispatsa ko mga palpak ang gawa. But it’s okay, mukhang may silbi ka naman kapag nagstay ka dito.” Ani Damon.

“Sa tingin ko mas mapapadali ang trabaho ni Sir Lance kapag walang nagger na katulad mo sa tabi niya. Nakakairita kaya kapag may maingay habang napapagod ka.” Malakas ang loob na sagot ko sa kaniya. Hindi naman siya ang magiging boss ko kaya okay lang ‘yan. Whatever you say, Sir Damon.

Pinabulaanan niya naman ang sinabi ko, “Kaysa naman sa ‘yo. Kaya ka siguro ipinatapon ni Hiro dito kasi palpak ka trumabaho. Top-secret na dapat iniingatan mo hindi mo kayang itago.” kasunod ng pagtawa niya ng nakakaloko.

“Sabi ng tumitira sa puder ng kapatid niya. I’ve also heard na ang kapatid ng Ace of Spades ay isang bigshot gambler.” Nang-iinsultong wika ko at pinanlakihan pa siya ng mga mata para mas lalo siyang mairita.

“Tumigil nga kayo! Para kayong mga bata,” Naiinis na singit ni Sir Lance sa palitan namin ni Sir Damon ng salita. “Damon, nakakapagod talaga kapag may maingay kaya magbago ka na. Oras na rin siguro para itigil mo ang pagsusugal sa casino, hindi nakakacool ‘yan sa mga conservative na babaeng katulad niya.” Mahabang litanya ni Sir Lance at tumingin sa ‘kin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

“Ano naman ngayon kung nagsusugal ako?” Nanghahamong tanong niya. Palihim akong natawa dahil namumula na ang mga tainga ni Sir Damon.

Sasagot na sana ako nang biglang may pumasok sa eksena na pamilyar ang pigura sa ‘kin. Oh right, dito pala siya nagtatrabaho at hindi ko siya nagawang pagsabihan. Kean...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status