DamonNarito ako ngayon sa bar dahil imbes na dumiretso ako pauwi ng condo ay tinawagan ako ni Kael. Iinom daw kami na hindi kasama ang kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro ay nagulat sila sa nangyari kanina at sa ginawa niya.Pagkalabas namin sa hideout ni Lance ay magkaiba kami ng daan na tinahak. Napagdesisyunan kong sa condo muna ako magstay. Maging ako ay nanginig ang kaluluwa sa inasta ni Lance kanina. Hindi ko lubos akalain na magagawa niya ‘yon nang walang pag-aalinlangan.Magkakasama kami ngayong lima nila Kael, Kean, Hiro at Andrei. Wala si Nyx ngayon dahil nagtatampo pa rin sa ginawa ni Lance kanina. Tinawagan na siya ni Hiro na magpunta rito, hindi ko lang sigurado kung magpupunta ang gago.“Hiro!”“Love!”Napalingon ako sa entrance ng bar at nakita ko ro’n si Kie na masayang sumisigaw habang papalapit sa amin. Nakasunod naman sa kaniya ang kakambal niyang si Nyx.Nang makalapit na silang dalawa dito sa may bar counter ay agad silang nagpaorder ng iinumin. Aka
Bella SchistPrente akong nakaupo habang nakapikit ang mga mata sa swivel chair ko nang may tumawag sa akin. Napadilat ako agad ng mga mata at ibinaling ang aking atensyon sa nagsalita.“Miss Bella.” Saad ng isang kasamahan ko sabay bagsak ng folder sa harapan ko, si Agent Kross. Si Agent Kross ang isa sa mga katiwala ng boss namin dito. Jacob De Vera ang totoong pangalan niya. Isa siyang magaling na private paid spy na nagtapos sa pag-aaral bilang isang sundalo.“Nakalagay diyan ang bagong project mo.” Dagdag pa ni Agent Kross bago siya tuluyang maglakad pabalik ng kaniyang desk.“Sabi ni Boss kailangan mo daw pasukin ng palihim ‘yong organization na ‘yon na hindi ka napapansin ng mga miyembro no’n.” Sigaw naman nang papalapit na si Agent Liah, si Klien Amethyst Cordova. Siya naman ang ka-buddy ni Agent Vianna, isang private na maalam sa accounting.“Kailangan mo daw unahan ‘yong gustong pumatay sa Ace na kunin ‘yong microchip na naglalaman ng mga private files. Tungkol daw ‘yon sa
Bella Schist“When kaya makakabingwit ng Ace noe?” Tanong ni Khalis. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumingin ako dito. “Ang mga Aces ay para lang sa Aces.” Saad ko.“Pero paano kung lahat sila lalake? Edi sila sila lang din magjojowaan? Yocc, yaoi.” Natatawang sabi nito. “Pero di ba dalawa palang yung Aces? Kanina ko nga lang nakilala ‘yang pangalawa. Siya pala Ace of Spades. Pinakamaangas na posisyon gago!” Parang nababaliw na saad niya.“Tatlo. ‘Yang sakit sa ulong ‘yan na nasa mission natin ang isa. Then si Agent Harton or should I say Nyx, ang Ace of Diamonds, ‘yung may pangatlong position sa Aces. At si Sire, ang Ace of Hearts, siya pangalawa.” Sagot ko rito.“T-Tangina? Si Boss?!” Gulat na tanong niya. Napatawa nalang ako.“Edi puro lalaki sila?” Tanong ulit nito. Tinitigan ko lang siya. “Sabi mo kanina, ang Ace ay para lang sa Ace. So paano kapag lalaki silang lahat? What if pati yung Ace of Clubs ay lalaki rin?” Sunod sunod na tanong ni Khalis.“Wait lang ah? Ganito kasi
Bella SchistAraw ngayon para mag-apply sa trabaho bilang secretary ng letcheng assignment ko. Bakit letche? Kung hindi lang sana sila epal na tumawag ng maaga ay sana nakapagbakasyon pa ako ng kahit isang linggo lang sa Beijing, China.I miss my Godmother, Auntie Liu Wuzi, I wonder what she’s doing right now. Dahil sa sunud-sunod na projects at assignment ko sa trabaho ay anim na buwan ko na din siyang hindi nakikita. She’s the closest person to me ever since I woke up from being comatose for about three years. Even though I lost my memories, she never failed to take care of me and keep me motivated.Next week pa sana talaga ‘tong appointment ko ngayon kaso ay talagang inaapura na ako ng boss ko. Three days ago, pumasok ang ibang kasamahan ko sa loob ng company. Yesterday was Khalis’ turn. And yes, nag-iba ang plano.Tumingin ako sa salamin sabay suot ng blazer ko, I am a bit uncomfortable with my attire dahil na rin siguro sa nasanay ako sa military suit at leather jackets. Tuwing m
Bella SchistSino ba naman kase hindi malawak ang office kung sinakop niya isang buong floor?Tumingin ako sa paligid. Curiosity hit me again. Interesado akong malaman kung anong klaseng Ace ang ipinagyayabang ni Hiro. Gusto ko ding malaman kung karapat-dapat ba siyang pagsayangan ko ng oras ko o magreresign na lang ako sa trabaho.Maayos at malinis ang buong opisina niya. Mukhang living room ang harapan ng desk ng boss. Lumapit ako sa mesa niya, mukhang mahilig siya sa mga bright colors liban sa black and white na theme ng buong top floor. Naglakad ako sa kaliwang direksyon ng desk niya, may open library ang opisina kaya naglibot muna ako. Maraming magkakaibang libro, halos lahat din sa may dulong parte ng library ay limited edition at rare finds.Sa paglalakad ko habang naghahanap ng libro tungkol sa history ng mga Ace ay napansin ko ang isang pintong nakaawang, mukha itong Master’s bedroom sa laki ng kwarto.I sneakily entered the room and it surprised me to see that everything is
Bella SchistGrabe na sa ‘Are you sure you can pass the interview?’ na ‘yan ha? Minamaliit ata ako nitong damuhong lalaking ‘to. Aba porket marami kayong pera pampasuweldo. How dare you?Inhale… exhale. Cheer up self, kaya mo ‘yan! Habaan mo pasensya mo please, tandaan mo ‘yong free six-month vacation na ipinangako ni Hiro.“That’s a nice question, Sir. I’m confident that I can pass this interview because of my transparent personality. Also, I am a flexible worker who can do things under pressure…” Sagot ko dito with matching ngiti.“Your answer is a bit off.” Sir Lance coldly stated as he cut me off before he shrugged his shoulders.I saw him smirked as if telling me that I have failed already but I still have the guts to smile at them. Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang mahirap kausap ‘tong Lance Joshua Sinclair na ‘to. Hindi ba gano’n naman talaga ‘yon? Sinagot ko naman ng maayos ah? Anong mali do’n?“Hindi ‘to Miss Universe pageant, Miss.” Singit naman ng kasama niyang pog
Bella Schist“Secret Agent Service identification card. Ysabella Simonette Suarez y Ramos… Agent Snow?” Basa ng kapatid ng bagong boss ko sabay tingin sa ‘kin ng may pagtataka.“Explain.” Wika ni Sir Lance kaya naman napakagat labi ako at buntong hininga. Paano ko ba sisimulan at saan ako mag-uumpisang magpaliwanag?“Diamond Ace Secret Agency huh? Tangina ni Hiro, tol! Alagad niya pala ‘to. Lagot na.” Sigaw ng kapatid niyang epal kaya napalingon sa kaniya si Sir Lance.“So? Who bullied her just now?” Sagot ni Sir Lance dito at napahawak sa sentido. “Hand me that one.” Utos niya pa.“Ay ako ba?” Tanong naman pabalik ng kapatid niyang sira na ata ang ulo at mukhang may short term memory loss pa sa bilis makalimot habang inaabot ang pocket wallet ko.“Hindi naman sa nagmamalinis pero ikaw lang ‘tong walang pasensya at hindi mahalata kung sino ang kaharap mo.” Malamig na tugon ni Sir Lance sa kaniya habang inaabot ang pocket wallet na hawak ng kapatid bago ibinaling ang tingin sa akin.“P
Bella Schist“Kunin mo ‘yan.” Utos ni Sir Lance sa kapatid niya. Napairap naman si Sir Damon sa utos ng kapatid, siguro naman nagising na siya sa kabastusan na ginawa niya kanina.“Bakit ako?” Reklamo niya. “Baka makabastos ako. Ikaw na lang kaya? Ikaw naman ang boss dito.” Pag-alma ni Sir Damon kay Sir Lance.“Kunin mo, ikaw na ang nandiyan.” Sabi naman ni Sir Lance pabalik habang nilalaro ang pocket wallet ko.At pinapaikot-ikot pa niya talaga sa kamay niya. Aba matapos niyong sirain iba sa gamit ko, ‘yan naman ang bibiktimahin niyo. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa ‘kin kapag itong dalawang ‘to ang araw-araw kong makakasama. Mukhang ikakamatay ko ang kunsumisyon.“Sino ba may idea ng body inspection?” Pabalang na tanong ni Damon. Nakikipagsubukan siya ng titig sa kapatid na walang planong gawin ang sariling utos.“Kalma nga. Huwag na kayong magtalo. Ako na magtatanggal nito para sa inyo. Daming niyong problema sa buhay.” Sabi ko sa kanila.“Don’t you dare. Saka ikaw ‘tong dag