Share

Chapter 03 - First Day of Work

Bella Schist

Araw ngayon para mag-apply sa trabaho bilang secretary ng letcheng assignment ko. Bakit letche? Kung hindi lang sana sila epal na tumawag ng maaga ay sana nakapagbakasyon pa ako ng kahit isang linggo lang sa Beijing, China.

I miss my Godmother, Auntie Liu Wuzi, I wonder what she’s doing right now. Dahil sa sunud-sunod na projects at assignment ko sa trabaho ay anim na buwan ko na din siyang hindi nakikita. She’s the closest person to me ever since I woke up from being comatose for about three years. Even though I lost my memories, she never failed to take care of me and keep me motivated.

Next week pa sana talaga ‘tong appointment ko ngayon kaso ay talagang inaapura na ako ng boss ko. Three days ago, pumasok ang ibang kasamahan ko sa loob ng company. Yesterday was Khalis’ turn. And yes, nag-iba ang plano.

Tumingin ako sa salamin sabay suot ng blazer ko, I am a bit uncomfortable with my attire dahil na rin siguro sa nasanay ako sa military suit at leather jackets. Tuwing magdadamit ako ay balot na balot ang katawan ko, this time I am going to wear a corporate skirt.

Kinilatis ko ng mabuti ang repleksyon ko sa salamin. Napangiti ako sa babaeng nakatingin sa akin, so much for your self satisfaction. “There you are. Perfect.” I cheered myself.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang demonyong si Poncio Pilato. Este pumasok ang boss kong si Hiro. “Sire!” Gulat na saad ko ngunit ngumiti lang siya sa ‘kin bilang tugon. “Anong ginagawa mo dito, Agent Hades?” Takang tanong ko sa kaniya.

“Mukhang ready ka na ah? Ipapatawag ko na ba si Agent Vaughn para ihatid ka?” Tanong niya.

Bumuntong hininga ako at ngumiti ng pilit sa kaniya bago magsalita. “Ano pa nga bang magagawa ko?” Balik na tanong ko sa kaniya.

“H’wag sanang puro kaharutan ang atupagin mo doon. Hindi porket gwapo magiging boss mo ay puro pagpapapansin at kerengkeng ang gagawin mo, anim na buwan ka do’n na magbibigay ng serbisyo. Mahihirapan kang kunin tiwala no’n kaya magpakabait ka.” Seryoso at mahabang litanya ng boss ko.

“Copy, Sire!” Agarang tugon at saludo ko.

“And your identity as an agent. Tandaan mo Bella, hindi ka pwedeng magbigay ng mga confidential information kapag tinanong ka. Also, hindi nila pwedeng malaman na secret agent ka dahil confidential information din ‘yan, alam mo ‘yan. If anything happens, just call me or one of your colleagues to your aid.” Dagdag niya pa sa sermon niya.

“And love is the least thing you should think of.” Pagtutuloy ko sa sinasabi niya. He smiled.

“Good. Then you clearly remembered. Good luck.” He said while also nodding his head.

I walked out of the room. There I met kuya Vaughn who is all packed up. Nakasandal siya sa taxi na sasakyan ko papuntang kumpanya at nakasuot ng puting polo para magmukhang totoong taxi driver. Kinuha niya na ang susi ng taxi at akmang sasakay nang mapansin niyang nagtatakang nakatingin lang ako sa kaniya.

“Anong tinitingin-tingin mo diyan?” Tanong niya at nakipagsubukan ng titig sa ‘kin.

Tumawa ako ng malakas dahilan para mairita siya. Nang itikom ko ang bibig ko ay akmang magsasalita na sana siya nang unahan ko. “Hindi ko alam na bagay mo pala maging taxi driver, Agent Vaughn.” Wika ko na kinairap niya.

“Magpasalamat ka na lang at ihahatid kita. Wala pa namang sasakyan palabas ng kampo.” Sagot niya at ngumisi. “Gusto mo bang mag-exercise na muna? Feel free maglakad.” Pagbibiro niya. Hinampas ko naman siya ng bag ko kaya napangiwi siya.

“Tara na nga!” Nakabusangot na maktol ko.

Habang nasa byahe ay bigla kong naalalang hindi ko pala nadala ‘yong hinanda ko kaninang kakainin ko sa lunch ko. Kung minamalas nga naman, iisang bank account lang ang pwede kong gamitin na walang laman. May perang ibinigay sa ‘kin ang agency na fifty thousand pesos check para sa allowance ko ngayong buwan. Bukod doon ay wala na akong iba pang perang hawak.

“Kuya Vaughn, pwede bang tumigil ka mamaya sa isang bangko? Ipapapalit ko lang itong ibinigay ni Sire na allowance ko. Bukod dito wala na akong perang hawak dahil confiscated niya lahat,” Paki-usap ko kay Agent Vaughn habang siya naman ay natatawa. “Anong nakakatawa?” Dagdag na tanong ko sa kaniya.

Napailing na lang siya. “Sinong mag-aakala na ‘yong paboritong agent ng boss ay paghihigpitan at gigipitin niya sa allowance?” Tanong niya sa ‘kin.

Napabuntong-hininga na lang ako bago nagwika, “Palagi naman niya akong pinaghihigpitan na daig pa niya kung umasta ay tatay ko. What’s new? Saka itong fifty thousand na ‘to, allowance ko na ‘to hanggang sa magsweldo ako sa trabaho ko. Wala na siyang ibibigay sa susunod pang mga buwan.” Walang ganang tanong ko rito pabalik.

Agent Vaughn tapped my shoulder before he murmured something I can barely hear, “He is just concerned for your safety, don’t worry. Saka subukan mo din minsan magtrabaho sa opisina at mamuhay with your hard-earned money.”

“Right. He is just concerned for my safety. Sobrang concerned niya na talagang ibinibigay niya pa sa ‘kin ang mga pinakamahihirap at delikadong misyon. Saka hindi ba hard-earned money ang perang tinatanggap ko sa pagiging secret agent? Buwis-buhay kaya trabaho natin.” Sarkastikong sagot ko na ikinatawa naman niya.

Suddenly, the car stopped. “Ayan, pwede ka nang magpapalit ng fifty thousand allowance mo.” Agent Vaughn happily informed me. “H’wag mong kakalimutang ilibre ako ha?” Pahabol pa niya.

Bumaba ako ng taxi at ipinapalit ang bank check na ibinigay ng boss kong si Hiro. Nakakita ako ng coffee shop sa tabi nito kaya dumiretso ako doon upang umorder ng dalawa. Kunsensya ko na kung hindi ko bibilhan ‘yong nagpapanggap na taxi driver na naghihintay sa ‘kin ngayon.

“Oh, merienda mo.” Wika ko habang inaabot ang kape at tiramisu cake na binili ko para kay Agent Vaughn.

Tumawa siya ng malakas at napatingin sa oras sa haawak niyang mobile phone. Umiling-iling siya at tinignan ako ng may halong pagtataka. “More like breakfast for me,” he replied. He opened the car door for me before he added something, “Tara na, baka malate ka pa. By the way, nine o’clock ako kumakain ng agahan paalala ko lang.” 

Pagkarating ko ay diretso na ako agad sa opisina ng Ace kuno dahil nasa top floor lang naman ang office niya. Tinanong ako kanina ng babae sa may front desk kung may appointment ako, mabuti na lang at nakita ko si Agent Kross na siyang nagsabing ako ang bagong apply na secretary ng boss.

Narinig ko din kanina sa ibang employees dito na siya (ang boss) lang daw mag-isa doon, hindi raw allowed ang kahit na sino maliban kung may appointment o permiso niya. Sanaol kayang mag-isa di ba?

May chismis din akong nasagap na dito na rin daw siya minsan tumitira. Kaya raw sakop niya ang buong top floor ay dahil kumpleto na doon ang gamit niya. Mala-luxury condominium unit daw ‘yon sabi naman ng iba. Halatang single at puro trabaho ang alam gawin. Siguro ang boring ng buhay niya.

“Kaya mo ‘yan, Ysa.” Pagcheer ko sa sarili ko bago magbukas ang elevator at bumungad ang napakalawak na office niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status