Share

League of Aces: Clubs and Spades
League of Aces: Clubs and Spades
Author: Meika_Ysabella

Chapter 01 - New Assignment

Bella Schist

Prente akong nakaupo habang nakapikit ang mga mata sa swivel chair ko nang may tumawag sa akin. Napadilat ako agad ng mga mata at ibinaling ang aking atensyon sa nagsalita.

“Miss Bella.” Saad ng isang kasamahan ko sabay bagsak ng folder sa harapan ko, si Agent Kross. 

Si Agent Kross ang isa sa mga katiwala ng boss namin dito. Jacob De Vera ang totoong pangalan niya. Isa siyang magaling na private paid spy na nagtapos sa pag-aaral bilang isang sundalo.

“Nakalagay diyan ang bagong project mo.” Dagdag pa ni Agent Kross bago siya tuluyang maglakad pabalik ng kaniyang desk.

“Sabi ni Boss kailangan mo daw pasukin ng palihim ‘yong organization na ‘yon na hindi ka napapansin ng mga miyembro no’n.” Sigaw naman nang papalapit na si Agent Liah, si Klien Amethyst Cordova. Siya naman ang ka-buddy ni Agent Vianna, isang private na maalam sa accounting.

“Kailangan mo daw unahan ‘yong gustong pumatay sa Ace na kunin ‘yong microchip na naglalaman ng mga private files. Tungkol daw ‘yon sa Swiss account ng pamilyang Villareal na hanggang ngayon nawawala pa rin. Kapag ibang tao ang nakahawak no’n, paniguradong mapapasama siya sa mga Aces nang walang kahirap-hirap lalo na at wala pa ang Ace of Club.” Dagdag na paliwanag pa niya at umupo nang naka-de kwatro.

Hinawakan ko ang file folder na nasa harapan ko. May kakapalan ito at mukhang bagong gawa at compile lang. Sakto naman na lumapit sa ‘kin si Agent Lime, ang ka-buddy ko.

Her name is actually Khalis Marie Ramos Siobhan, pinsan ko sa totoong buhay. Sabay kaming pumasok sa training para maging isang spy at agent. Magaling siyang umarte at mabilis kumilos kaya naman hindi ako nagsisisi na siya ang ibinigay na buddy ko.

“Ano ‘yan? Bagong target?” Tanong niya sabay kuha sa folder na hawak ko at binuklat ito.

“Bagong assignment daw bigay ni Sire.” Sagot ko naman sa kaniya nang naiinis.

“Kailan lang ‘yong huling ibinigay niyang assignment sa ‘yo ah? Wala pa ngang isang linggo di ba? Saka hindi ba nagpasa ka ng leave of absence request?” Sunud-sunod na tanong ni Khalis sa akin.

“Hindi niya inaprubahan. Madami pa raw nakaleave kaya huwag daw muna.” Walang ganang sagot ko sa kaniya at umupo.

“Medyo unfair siya sa ‘yo ah? Pansin ko lang.” Wika ni Khalis na patuloy pa rin sa pagbubuklat ng folder.

“Hayaan mo na lang. Sanay naman na ako sa kaniya.” Tugon ko at ipinatong ang aking baba sa mesa ko.

Nakakatamad magtrabaho. Kailan lang ‘yong huling ambush na kinasangkutan ko ay may bago na namang ibibigay na proyekto sa ‘kin. Hindi pa rin ako nakakapagpahinga ng maayos pagkatapos no’n.

“Infairness huh? Sumakto sa pangalan niya ‘yong title at ibang info na tungkol sa kaniya.” Namamanghang wika ni Khalis kaya naman ay umayos ako ng upo.

Napatingin ako sa kaniya at naging interesado sa ibinigay sa akin na project. Napakunot ang mga noo ko at napatanong, “Gaya ng?” usisa ko.

“Sabi dito, founder siya ng isang samahan. Tapos may sarili din siyang company na hawak niya, ang Spades Corporation. Sa pagkakaalam ko ‘yong may-ari no’n ay may hawak na forty-three percent ng stocks ng korporasyon at sampung taon na niyang hawak ‘yon ngayon.” Pagpapaliwanag ni Agent Lime sa akin habang ako ay mas lalong naging interesado sa nilalaman ng folder.

Kinuha ko ito sa kaniya at nilapag sa mesa ko. Bumungad sa akin ang profile ng target ko, si Lance Joshua Villarreal-Sinclair, ang Ace of Spades.

“May sariling company with wide connections tapos ang pogi. Swerte mo dai, kung ano sa ‘yo lalandiin ko ‘yan!” Kinikilig na pagpapantasya ng pinsan kong maharot pa sa salitang maharot. Literal.

Napatampal ako sa ulo sa narinig. “Buti na lang talaga hindi ako, ikaw.” Tugon ko naman sa sinabi niya kaya napairap siya sa ‘kin.

“Ace pala ‘tong gagong ‘to? Ano kaya meron dito bakit siya ang pinapatrabaho sa ‘yo? Wala naman sinabi si Kross. League of Aces? Ano ‘yon?” Sunud-sunod na tanong na naman ni Khalis.

“Ang League of Aces ay kung saan magpaparamihan at magpapalakihan ng pera at ari-arian ang mga Aces.” Sagot ko naman sa kaniya.

“Edi parang tinitignan nila kung mayaman pa rin ‘yong Ace o hindi na?” Tanong ulit sa akin ni Khalis.

“Mismo! Ginagawa ‘yon ng mga mayayamang pamilya every twenty-five years para malaman kung karapat-dapat pa rin ba ang mga tagapagmana sa mga title na mayroon sila. Tapos na ang League of Aces a year ago sa pagkakaalam ko. Walang dumating sa pang-apat na Ace.” Mahabang pagpapaliwanag ko kung tungkol saan ang League of Aces.

Hinawakan ko ang folder na hawak ko ulit ang folder kung nasaan nakalagay ang mga accomplishments ng target ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Iniisip ko pa kung anong meron sa kaniya.” Saad ko sa kasama ko at huminga ng malalim.

“Kung gusto mo, pwede namang ako na muna ang magfirst move sa misyon mo habang nagpapahinga ka pa. Pero chil ka na muna habang wala pang sinasabi si Boss at ibinibigay na instructions. Okay?” Nalipat ang tingin ko mula sa folder papunta sa kaniya dahil sa sinabi niya, nakangiti siya sa akin.

Magsasalita pa lamang sana ako nang makatanggap ako ng tawag mula sa boss namin na si Hiro, code name: Agent Hades. “Sire, napatawag ka?” Tanong ko sa nasa kabilang linya ng telepono.

Lumapit naman si Agent Lime sa akin para maki-usyoso. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti bago ko inilagay sa loud speaker ang phone call.

“Agent Snow, pumunta kayo dito ngayon sa opisina ko ng buddy mo na si Agent Lime. Pronto!” Utos ng boss namin sa kabilang linya bago ibinaba ang tawag sa telepono.

“Ano? Magtitinginan na lang tayo?” Sabay naming saad ni Khalis. Napatawa na lamang ako. Kinuha ko ang folder na ibinigay kanina ni Kross at naglakad.

“Sire, andito na kami.” Saad namin at sabay na sumaludo. Napangiti naman siya at sumenyas na umupo kami.

“Alam kong di kayo makakapagtrabaho kung wala ang isa. Agent Lime, you have the same mission. Nanghingi ng tulong si Azrael dito kaninang umaga lang. You know, may mga nanggugulo sa impyernong gawa din nila. Tss. They should not start a fire if they can’t manage it.” Mahabang litanya nito na halatang naiinis pa sa nangyayari.

“Bakit si Kuya Azrael?” Tanong ko sa boss namin.

“Oo nga boss. Bakit si Kuya Kean? Anong kinalaman niya?” Tanong din ni Khalis na nagtataka.

“Nanghihingi sila ng tulong dahil mas lalong dumami ang death threats na natatanggap ng boss nila. And to cut it short, kailangan ninyong protektahan ang Ace na nakalagay diyan sa folder na ‘yan at lahat ng mayroon siya.” Patuloy nito sa kaniyang sinasabi.

“Magpapaka-bodyguard naman pala gagawin namin ampota.” Sarkastikong saad ni Khalis.

Tumingin itong boss namin si Hiro kay Khalis nang matalim. “Agent Lime, you may now go.” Malamig na saad nito sa kaniya.

Akmang tatayo na sana ako nang magsalita ulit ito. “Agent Snow, maiwan ka.” Puno ng emosyon at pag-aalalang saad niya.

Tumingin ako kay Khalis para senyasang mauna na. Ngumiti ako at niyakap ang boss ko. Kahit singlamig siya ng yelo namiss ko pa rin naman siya.

“Kuya…” Wika ko at tumingin sa kaniya.

“Stop the act. Alam ko namang nagpipiyesta kayo dito kapag wala ako.” Nagtatampong saad niya.

“Hindi ah! Saka kamakailan lang ‘yong huling assignment ko, pinapagawa mo na ulit ako ng bago.” May hinanakit ding maktol ko sa kaniya.

“Well, I promise to give you a six month vacation leave after this. What do you think?” He stated. 

“Sure! Basta ako pa rin favorite agent mo ah?” Pagpayag ko naman kay Hiro.

“Yeah, of course! But this has something to do with you. Pag-igihan mo ang paghahanap sa mga kasagutan para malaman mo din kung sino ka talaga. You may now go.” Diin nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status