Share

Chapter 12. Hope Pick-up Line

CHAPTER TWELVE: HOPE PICK-UP LINE

✧FAITH ZEICAN LEE✧

HANGGANG ngayon ay nakaawang pa rin ang bibig ni Poppy habang nakamasid sa aming tatlo. Dahan-dahan siyang tumayo at pinagmasdan niya ang mga suot namin. Siguro ay nagbase siya sa suot namin dahil kanina niya pa kami kasama ni Love simula nang mag-almusal. Kaya kay Hope siya bumaling. Dahan-dahan niyang nilapitan si Hope, inangat niya ang kamay niya at bahagyang tinusok ng hintuturo niya ang pisngi ni Hope, na lalo niyang ikinagulat. Dahil para bang nakumpirma niya na totoo si Hope.

“Ang galing ko, ‘di ba? Ngayon naman, aalisin ko ‘yong isa. Magiging dalawa na lang ulit sila. Pikit ka, Poppy.” Si Summer. Bahagya niyang inilayo si Poppy sa harap ni Hope at inutusan ulit itong pumikit.

Sumunod siya.

Noong nakapikit na si Poppy, maingat at natatawang hinila ni Summer si Hope papunta sa likod ng couch at doon niya pinayuko para magtago. Napapailing na lang si Love habang pinanonood ang bunso namin.

Bumalik ulit si Summer sa tabi ni Poppy
Miss Ahyenxii

At mukhang may nagja-jalosi HAHAHAHAHA

| 8
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (28)
goodnovel comment avatar
Nyl Marpa
Faith Zeican "Jellyace"Lee...
goodnovel comment avatar
Shei_bangs07
Hopia! you made my day! ... jusmiyo.. dami kong ganap na dapat unahin pero i cannot resist reading. ...
goodnovel comment avatar
Jessica Izza Inacay
ano ba hope, imbis na mukha nyo niLa faith at Love maimagine ko, mukha tLga ni betLog! ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status