Share

Chapter 12

Nasa harap ng tindahan si Angela at pinipigilan na ihakbang ang mga paa papasok sa loob. Labag man sa loob niya ang gagawing pag-alis sa trabaho. Pero, wala siyang magagawa dahil kailangan niyang sundin ang gusto ng kanyang Kuya at ina. Hindi din siya nahatid ni Johnny ngayong araw dahil sa may gagawin daw ito sa University. Napamahal na sa kanya ang pagtatrabaho sa tindahan at ang mga kasama niya. Kaya mahirap sa kanya ang umalis dito.

Pikit mata na pumasok siya sa loob at pumunta sa opisina ng kanilang Manager. Kumatok siya sa pintuan at pinihit ang seradura ng pinto. Napalingon si Mr. Braganza sa taong pumasok ng kanyang opisina.

"Angela, may kailangan ka ba?" tanong ni Mr. Braganza at itinuro ang upuan sa harap niya para senyasan si Angela na maupo.

"Sir, magreresign na po ako" malungkot na sagot ni Angela. Nagulat si Mr. Braganza sa sinabi ni Angela sa kanya.

"Bakit? May hindi ka ba nagustuhan dito sa tindahan? At aalis ka na agad." mga tanong ni Mr. Braganza. Umiling iling ng ul
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status