Share

Chapter 17

Natapos ang buong araw ni Angela na pagod kakapanood lang ng photoshoot. Nalibang siya habang nanonood dahil lagi siyang kinakausap ni Saimon kapag tapos na ito sa bawat pagkuha ng mga larawan. Hindi siya nakaramdam ng inip dahil sa pagiging madaldal ni Saimon.

Madaling nakagaanan ng loob ni Angela si Saimon. Kwela naman kasi itong kausap dahil mapagbiro ito at hindi nauubusan ng ikukuwento.

Nakasimangot naman si Johnny buong maghapon. At nakailang take sila dahil hindi nito makuha ang gusto ni Saimon na pose niya.

Titigil muna silang lahat sa hotel na nasa mismong Highland. Nagkakasayahan ang mga crew member habang nakapalibot sa bonfire kasama sina Angela, Saimon at Nathan. Si Jenny naman ay umuwi muna sa kanila at ipinahatid ni Angela sa driver niya.

"Ang sarap ng simoy ng hangin dito, Johnny at saka ang tahimik ng paligid" sabi ni Elizabeth at hinawakan ang kamay ni Johnny para iakbay sa kanya. Para namang halos magkayap na ang dalawa. Nakabukod sila na medyo malayo ang upo sa m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status