Hindi nakakilos sa oras si Elsa sa mabilis na mga atake ng lalaki. Agad na bumaliktad ang sitwasyon para sa kanilang dalawa.Humawak si Elsa sa kanyang tiyan. Napangiwi siya sa sakit habang napaluhod siya, hirap siyang huminga. Samantala, pinulot ng lalaki ang baril niya. Ang boses niya ay puno ng paghamak habang tinanong niya, “P*ta ka, sa tingin mo ba talaga ay madali akong harapin?”Tinanong ni Kenji ng may malupit na tono, “Anong nangyayari, Rambo?”:Sumagot ang lalaki na tinatawag na Rambo, “Boss, ang babaeng ito ay pumasok para magtanong tungkol sa gambling session. Mukhang nakapaghanda siya, kaya sinasadya ko siyang dalhin dito.”Tumingin si Kenji kay Elsa, pagkatapos ay tumingin siya kay Wilbur. Sinabi niya ng mabagal, “Mukhang mag kasabwat kayo.”“Parang ganun na nga,” Ang kaswal na sagot ni Wilbur.Tumawa si Kenji at sinabi niya, “Mukhang plano mo ito. Bala mo ba akong isetup?”“Oo.” Ngumiti si Wilbur.Ngumisi si Kenji at tinanong niya, “Kahit na kayong dalawa lang? N
Ang dalawang mga bodyguard at si Rambo ay nasa sahig. Ang mga mukha nila ay namimilipit sa sakit, at hindi sila makatayo. Hindi man lang sila makaimik.Nabigla si Kenji. Ang tatlong sugarol na parte ng setup ay natulala din.Hindi makapaniwala si Elsa, na para bang nakakita siya ng isang multo.Tinulungan siya ni Wilbur na tumayo at binalik nito sa kanya ang baril niya. Sinabi ni Wilbur, “Sinabi ko na sayo. Kontrolado ko ang sitwasyon.”Tinanggap ni Elsa ang baril, hindi pa rin siya makapaniwala na si Wilbur ay may pambihirang kakayahan sa pakikipaglaban. Agad na nagbago ang sitwasyon.Gayunpaman, may karanasan na rin siya sa karahasan, kaya mabilis siyang bumalik sa sarili. Tinutok niya ang baril niya sa lahat at inutos ng may istrikto na boses, “Taas ang mga kamay.”Ang tatlong sugarol ay takot na takot kay Wilbur. Mabilis nilang tinaas ang mga kamay nila at pumwesto sila sa pader. Si Kenji lang ang nanatiling nakaupo. Tila hindi siya takot.Ngumiti si Wilbur at tinanong niya,
Mahinang sinabi ni Wilbur, “Sagutin mo lang ang tawag at siguraduhin mong irecord mo ito. Kung sino man ang may kinalaman dito ay matatanggap ang kahihinatnan na nararapat para sa kanila.”Hindi na nag dalawang isip si Elsa pagkatapos makita ang kumpiyansa ni Wilbur. Trabaho niya rin ito.Sinagot niya ang call at nagsimula siyang irecord ito.“Captain,” Ang sabi ni Elsa.Tumunog ang isang seryosong boses mula sa phone, “Nasaan ka?”“Nasa Black Dragon Bar po ako.”“Bumalik ka agad ito. Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?”“Captain, natuklasan ko po ang isang gambling operasyon sa Black Dragon Bar. Maraming mga sugarol na may malaking halaga ng pera. Hinuli na ang mga kriminal, at meron na po akong ebidensya,” Ang report ni Elsa.May saglit na katahimikan sa kabilang linya bago sumagot ang caller, “Dyan ka lang. Papunta na ako.”Tinapos ni Elsa ang phone call at tumingin siya kay Wilbur. Sinabi niya, “Papunta na ang captain namin.”Gayunpaman, nakikita ni Wilbur ang pag aalala
“Yes, sir,” Ang sagot nila.Pagkatapos, malamig na inutos ng captain, “Lahat kayo, umakyat sa taas.”“Captain?” Nagdalawang isip si Elsa na umalis. Pakiramdam niya na may kakaiba sa captain.Dumilim agad ang ekspresyon ng captain at tinanong niya ng seryoso, “Baka mo bang suwayin ang mga utos ko?”Gusto makipagtalo ni Elsa, ngunit tumayo si Wilbur mula sa upuan niya at sinabi niya ng kalmado, “Sundan mo ang sinasabi ng captain at umakyat ka.”Kinagat ni Elsa ang ngipin niya at tinanggap niya ito ng nag aatubili.Ngumiti ng maliit si Kenji habang mabagal siyang tumayo sa upuan.Dinala sila sa main hall ng bar. Tumingin ang captain kay Elsa at sinabi niya, “Isuko mo ang baril mo.”“Ano po ang ibig niyong sabihin?” Agad na kinabahan si Elsa. Mahigpit niyang hinawakan ang baril niya gamit ang parehong kamay, ngunit nakatutok ito sa sahig.Kumunot ang noo ng captain, “Hindi mo sinunod ang mga utos ko, suspended ka na ngayon.”“Aamin ako na hindi ako sumunod sa protocol, pero totoo
Nabigla ang lahat sa tunog. Si Wilbur lang ang mahinahon.‘Anong nangyayari?’ Ang lahat ay may katanungan sa isip nila.Ang dose-dosenang mga special forces officer ang bumaba mula sa mga helicopter at pinasok nila ang establishment.May isang heneral na mabilis na sumunod sa kanila. May suot siyang uniporme ng militar na may mga star sa kanyang balikat.Nabigla ang lahat sa biglang pagdating ng special forces. Hindi sila sigurado sa sitwasyon. Bakit biglang dumating ang militar?Ang special forces ay mabilis na pinalibutan ang lahat at sila ang kumontrol ng sitwasyon. Mabagal na pumasok ang heneral.Tumahimik ang lahat sa malaking presensya niya.Tumingin ang lahat sa paligid ang heneral at sinabi niya, “Ito ang operation ng Kardon Province Special Forces Unit. Walang kahit sino ang pwedeng kumilos. Magsisimula na kami sa beripikasyon ng mga pagkakakilanlan niyo.”Kinabahan si Kenji. Nag ipon siya ng lakas ng loob para magtanong, “Kayo ba ang militar? Ano ang karapatan niyo pa
Ngumiti si Wilbur at sinabi niya kay Elsa, “Pwede ka na magsimula.”Bumalik sa sarili si Elsa. Ginawa niya ang lahat para huminahon siya, pagkatapos ay tumingin siya sa captain niya. Mabagal niyang sinabi, “Captain, pabalikin niyo ang team niyo at maghanda kayo para sa imbestigasyon.”Huminga ng malalim ang captain. Halata na magaan ang loob niya at sinabi niya kay Elsa, “Mas mahusay ka sa akin. Congratulation, nakatadhana sayo na maging mahalagang pundasyon ng Kardon Province, hindi tulad ko.”Pagkatapos, tumawa siya at inutusan niya ang kanyang team, “Lahat kayo, babalik na tayo.”Inutusan niya na lumapit ang mga tauhan niya, pati ang dalawang tao na nakapwesto sa ibaba ng hagdan.Ang captain ay tumingin kay Elsa at tumingin siya ng may kumpiyansa habang dinala niya paalis ang team.Napansin ni Elsa ang maraming bagay sa tingin na yun.May pagpapatibay-loob at konting lungkot.Gayunpaman, walang oras si Elsa para pag isipan ito. Agad niyang inutusan si Ken, “Hulihin niyo ang
Halos magkaroon ng heart attack si Matt dahil kay Wilbur.Alam niya na makapangyarihan talaga si Wilbur.Si Wilbur ay parang isang diyos para kay Matt. Kaya siyang durugin nito na parang isang langgam kung ginusto nito. Ang impluwensya ng three big clans ay isang biro lang para kay Wilbur.Hindi nagsinungaling si Matt kay Wilbur. Agad siyang sumagot, “Sir, nakatanggap po ako ng distress call mula sa isang miyembro namin na hindi mahalaga. Sinabi niya na nasaktan siya, kaya pumunta po ako para tingnan ang sitwasyon.”“Isang miyembro na hindi mahalaga?” Tumingin si Wilbur kay Kenji. Pagkatapos, tinanong niya, “Bakit ka nandito dahil sa isang miyembro ng hindi mahalaga?”Pawis na pawis si Matt. Mabilis siyang nagpaliwanag, “Sir, binanggit niya po na ang pangyayaring ito ay maaaaring may kinalaman sa isang mahalagang miyembro ng clan namin. Yun ang rason at mabilis akong pumunta. Hindi ko po alam ang nangyari.”“Ah, at sino ang mahalagang miyembro ng clan niyo?” Ang kaswal niyang tin
“Dalhin mo na ang lahat sa headquarters para sa interrogation. Siguraduhin mo na walang problema sa crime scene, at wag mo hayaan ang kahit sino na pumasok,” Ang utos ni Elsa.“Masusunod po,” Ang sagot ni Ken, pagkatapos ay agad niyang inutusan ang mga tauhan niya na kumilos.Nawalan ng malay si Kenji dahil sa sobrang gulat.…Umuwi si Wilbur. Bumaba ng hagdan si Faye para pumunta sa trabaho nang mapansin niya si Wilbur na mabilis niyang sinabi, “Bakit late na kayo umuwi?”“May hinarap akong problema. Naging busy ako buong gabi dahil doon,” Ang maingat na sagot ni Wilbur.Mahinang sinabi ni Faye, “Wag niyong pagurin ang sarili niyo. Magpahinga na kayo.”Tumango si Wilbur. Ngumiti ng maliit si Faye, pagkatapos ay naglakad siya palabas ng mansyon.Matagal na nagpalipas ng oras si Wilbur sa sala habang nag iisip. Pagkatapos, nag unat siya at humikab bago siya pumunta sa kwarto niya para matulog ng matagal.Sa huli ay natulog siya ng hanggang alas tres ng hapon.Naligo siya at du